Followers

ang paglalakbay ni ino sa mapaglarong mundo

Friday, 7 December 2012

Para kay *blip blip*



Huwag ka ngang t*nga. Hindi porket sinabi niyang hindi ka nya sasaktan ,eh hindi na talaga. Hindi lang siya ang nagbitiw ng mga katagang iyan. Marami na ang nakarinig at naniwala dyan. Pero kaunti pa lang talaga ang nakatupad niyan. Parang payong lang kasi yan. Hindi ibig sabihin na may payong ka, hindi ka na mababasa ng ulan. Hindi porke’t mahal ka niya, hindi ibig sabihin nun hindi ka na masasaktan. Nakita mo yung logic?

Ang hirap kasi sayo, lahat na lang ng nakakarelasyon mo ay pinaniniwalaan mong soulmate mo. Tama ka na soulmate are destined to meet. But take note, it doesn’t mean na they are meant to be. Hindi ko sinansabing maniwala ka. Sarili kong pananaw yun. Kung iisipin, kasya siguro sa isang kahon ng gatas yang paniniwala ko about soulmate. Eh paano ba naman, usong uso na ang social fling. Na sa unang pagkikita pa lang kasalan na agad. Yung mga set up na “ you had me at one hello”. At ang nakakinis pa eh yung mga naniniwala sa kasabihang “ easy to get but hard to forget”. Anong gusto nilang palabasin? Ang bottomline lang din naman nun ay “ easy to get sila”.

Hindi mo kailangang paikutin ang mundo mo sa kanya. Una , hindi siya ang axis . at ang pangalawa, hindi siya ang sagot sa global warming. In a serious note, masasaktan ka lang sa huli kasi nasanay ka na lagi siyang andyan sa tabi mo. Masasaktan ka lang kasi pinabayaan mo na siya ang magpaikot ng mundo mo. Intindihin mo na iba ang mundo mo sa mundo niya. Oo nga gumawa kayo ng sarili niyong mundo. Yung kayong dalawa lang. yung tipong walang bibitaw. Pero sa huli, babalik din kayo sa reality. At kasama sa katotohanang iyon na wala na kayo. Kaya huwag mo ng balikan yung sinasabi mong mundo ninyo . dahil sa maniwala ka o sa hindi, ang mundong ginawa niyo ay hindi na nahintay ang end of the world. Wala na.

Paano mo masasabing naka move on ka na kung makakita ka lang ng bagay na may kinalaman sa kanya eh hahagulgol ka na. Wake up! Huwag mong sasabihng naka move on ka na kung ang simpleng lollipop na nakapagpaalala sa kanya eh iiyakan mo. Buksan m ang isipan mo. pati na rin ang puso mo. Aminin na natin na hindi mo makikita ang ganda ng paligid kung depressed ka. Tama ba? Ngumiti ka lang. dahil minsan , hindi mo aakalain na mula sa malayo, may nakatanaw sa mga ngiti mo. ngiti mo na kumukompleto ng araw nila. Tulad ko. Dahil sa ngiti mo natutunaw pati ang kaluluwa ko. ---- ino.pagba


Monday, 22 October 2012

The Truth About Forever saga part 8 :The Restitution







Kung hnidi pa ako nagkasakit hindi pa ako makakarating ditto sa London. Kahit pala ganito ang kalagayan ko eh may maganda rin pa lang kakambal. Naalala kona matagal na naming plinano ang pagbabakasyon ditto. Hnidi lang matuloy kasi nga nagging busy sina mama at papa. Nasundsan pa ng pag-aaway nila. At least ngaun natuloy na. Ang ganda dito sa London. Ibang- iba sa mga nakikita ko sa magazine. Iba rin ang hangin. Ang ganda pa ng paligid. Kahit saan ako lumingon napapanganga ako sa ganda ng mga lugar. Aray! Sumsakit na naman ang ulo ko. Aray! Araaayyy!


Bogs!


Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Medyo Malabo ang lahat. Ang naalala ko na lang eh sinugod ako dito sa George Elliot Hospital. Naalala ko rin kung paano magpanic si mama. Sigaw ako ng sigaw sa sobrang sakit ng ulo kopero wala akong magawa. Siguro nga hanggang dito na lang ako. Tuluyan ng magsasara ang libro ko.


“anak! “


Ma? Bakit ka umiiyak? Huwag ka nang magalala, ok na ako. Tingnan mo ang lakas ko na. wala na akong sakit. Magaling na ako. Bakit hindi tumitigil sa pag-iyak si mama? Bakit parang hindi niya ko nakikita? Teka lang, kaluluwa na lang ba ako? Ako yung nakahiga. Hindi ako pwedeng magkamali ,ako yun. Hindii! Bakit hindi ako makabalik. Parang ang unfair, katawan ko yun pero hindi ko magamit. Waah! Nananaginip lang ata ako. Pero parang totoo. Totoo nga, spirit na lang ako.


“I’m sorry but your son is in state of coma”


No! hindi pwede to. Paano ko sasabihin na andito ako sa tabi nila. Bakti kasi hindi ako makapaok sa katawan ko. Saan ako pupunta ngayon? Isa na lang akong kaluluwang ligaw. Eh kung bumalik na lang kaya ako sa Pilipinas. Ayos yun libre pamasahe. Sino naman uuwian ko sa Pilipinas? Si Gel? Eh wala na nga kami nun eh. Basta gusto kong umuwi . wala na akong paki kung ano man ang mangyayari.








The truth about forever saga part 7:Estrangement


Ang sarap ng pakiramdam. May girl friend na ako. Yahoo! Hanggang kailan kaya to? Alam ko namang hindi pangmatagalan ito. Pero umaasa pa rin ako na maaring mabago ang lahat. Marami na akong napanood na love between life and death ang drama ng buhay.  Sana lang parehas kami ng ending, happily ever after. Sana talaga gumaling ako.

“sabi ng mama mo sa London ka daw niya ipapagamot.”

Ano? Tatlong araw pa nga lang kami ng Gel ko tapos ending agad?  Ang saklap naman. Ayokong umalis. Ayokong iwan si Gel. Siya na nga lang nagpapalakas sa akin. Paano kung mamatay ako dahil wala siya sa tabi ko? Hindi man lang ako makakapagpaalam. Ayoko talaga. pero kung hindi naman ako magpapagamot, mas lalong hindi ko na takaga makikita si Gel habambuhay.
“Ayoko nga sana, pero –“

“pero ano? Dahil sa akin?”

“oo, ayokong iwan ka, alam mo namang maha na mahal kital ”

“kung mahal mo ako ,  magpapagamot ka”

“mahihintay mo ba ako?”

“oo naman”

“paano kung hindi na ako makabalik? Paano kung doon ako mamamatay?”

“hindi ka mamamatay sapagkat pati puso ko tumutibok para sayo”

“huwag masasaktan ka lang”

“hindi Jerome. Mas masasaktan ako kapag hindi mo sinubukang magpagamot.”

“babalik ako para sayo”

“ maghihintay ako”

Habang tmatakbo ang panahon katawan ko namay para bang kinakain ng aking karamdaman. Nagpasya sina mama na sa London na ako magpagamot. Hindi ko alam talaga kung papayag ako sa una. Pero sa huli, pumayag ako dahil kay Gel at para na rin sa mga magulang ko. Naniniwala ako na darating ang araw na babalik ako na hindi isang malamig na bangkay kundi isang masiglang Jerome.
“mamimiss kita”

“ikaw din., alagaan mo sarili mo ha?’

“para sayo, pasensya ka na pa la kung yung boyfriend mo hindi ka maalagaan”

“  hindi mo naman kailangan gawin yun eh. Bumalik ka ha?

“oo naman, sabi mo eh”

Nakakalungkot naman iiwan ko na si Gel. Mahirap sa akin ito pero doon din naman tutungo ito. Sana tama yung magiging desisyon ko. Desisyon na hindi ko pa alam kung pagsisisihan ko sa takdang panahon. Panahon na lang ang magtatakda sa aming dalawa. The best art in this world is the  art of letting go.

“hindi ko alam kasi kung makakabalik pa ako”

“ano ka ba? Makakbalik ka”

“Gel, gusto ko sanamag tuldukan muna natin kung ano man ang meron tayo. Alam kong mahirap pero mas mahirap kung mawawala ako na walang closure sa ating dalawa.”

“ ayoko sanag pumayag pero tama ka. Siguro nga maling time ang love natin. Pero bumalik ka ha? Bska kasi sa pagbalik mo ,yung perfect time nating dalawa.”

“kung hindi naman, baka sa heaven ang perfect place natin”

“nakakainis ka”

“huwag ka nag umiyak” pwede ba kitang halikan?

“bakit naman?”

“para may bauinin ako sa London”

“pwede rin ba kitang halikan?”

“oh bakit?”

“para may iwanan ka rin dito”

“mwah!”

Single na namn ulit ako. Sabi naman daw nila nasa uso yun. Edi nasa uso na ulit ako. Alam kong tama yung ginawa ko. Ayokong  magsisi dahil ginawa ko ang bagay na iyon.  Gusto kong magpagaling para maibalik ko ang nawala sa amin. London here I am!

Saturday, 20 October 2012

The truth about forever saga part 6: Endearment




Aalagaan niya daw ako. Totoo ba yun? May sakit ako pero hindi naman ako bulag. Tama naman yung nabasa ko. Ewan ko, pero parang ang awkward naman. Paano na yung boyfriend niya? Sila pa ba? Haay! Andami kong tanong. Paro kung aalagaan niya ako edi masaya. Magkakaroon kami ng quality time.Makatulog na nga lang. bukas ko na lang poproblemahin ito. Sana bukas ok na ang lahat.

Wahh! Aray! Mama ang sakit ng ulo ko! Tulong.!

Nagising ako dahil sobrang sakit ng ulo ko. Nataranta naman si mama sa pagpunta sa kwarto. Medyo nawala ang sakit ng makainom na ako ng gamot. Parang ang hina-hina ko na talaga. Napapikit na lang ako sa sitwasyonh ko na alam kong himdi ko matatakasan. Gusto ko pang mabuhay ng matagal.
“ may masakit pa ba sayo?”
Hindi ko alam kung ididlat ko ang mata ko sa tanong na iyon. Alam kong hindi galing kay mama ang iyon. Iba ang boses na rumehistro sa tenga ko. Boses ni Gel.  Unti- unti kong iminulat ang aking mata at tumambad sa akin ang maganda niyang mukha. Heto na ba yung sinasabi niyang aalagaan ako?  Hindi ko naman talaga alam kung seryoso siya o baka naman ginugudtaym niya lang ako. Pero kung totoo nga, edi ayos!  Nagawa ko pang tanungin siya kung ano ang ginagawa niya sa bahay namin. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya, ibang iba ang pakiramdam ko. para bang ang gaan sa puso. Naisip ko nga na baka si Gel ang gamot ko.

“ tinext kita kagabi pero hindi ka naman nagreply”

“ sorry , pero nabasa ko yung sulat mo?”

“ papayag ka ba?”

“oo naman, para mabilis ako gumaling”

“Simula ngayon ako na ang personal  nurse mo”

“Paano yung boyfriend mo? Baka magselos”

“Break na kami”

“ Bakit naman?”

“ May mahal kasi akong iba”

“ Sino?”

“ Wag na lang baka kasi hindi na rin pwede”

“Bakit hindi pwede?”

“Andami mong tanong, saglit kukuha lang kita ng pagkain”

“ hindi mo masisisi ang sitwasyon kung hindi kayo pwede, sa bandang huli baka sarili mo ang sisihin mo kasi hindi mo sinubukang sabihin sa kanya na mahal mo siya.”

Hnidi ko talaga alam kung bakit ko nasabi iyon. Ang lakas lang talaga ng pakiramdam ko na ako yung tinutukoy niya. Matapos kung sabihin iyon sa kaya para bang nabigla siya. Kung ako nga talaga yung tinutukoy niya,  hindi ko rin siya masisisi dahil sa kalagayan ko.  sino ba naman kasi ang magmamahal sa malapit nang mamatay. Masasayang lang ang lahat. Habang pinagdudugtong-dugtong ko ang mga ideyang pumapasok sa isip ko, hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Gel.

“ Yung mama mo na lang daw magdadala ng pagkain dito, hindi p kasi luto eh”

“Gel, bakit gusto mo kong alagaan?”

“ ha? Ah eh, kasi gusto kita Jerome“

Gusto niya daw ako. Totoo ba yun? Ang linaw linaw naman ng pandining ko. ang sabi niya gusto niya daw ako. Pero bakit ngayon nga lang? nakakainis talaga. Pwede pa ba?

“ Gusto mo ko? eh mamatay na nga ako “

“ kaya nga kita aalagaan eh, gusto ko humaba pa buhay mo”

“ Huwag na lang ako Gel,  marami pang iba diyan”

“akala ko ba gusto mo ko?”

“ gusto kita pero-“

“pero ano” kasi may sakit ka? Ok lang naman sa akin yun”

“ imposible talaga ang gusto mo Gel”

“Marami  ng kwento ng pag-ibig ang kaya mong hulaan ang patutunguhan.  Kung saan papunta.pero alam mo kung ano ang nakakamangha? Yung sinubukan ,kasi mas kaya nating makita ang mapait na ending kaysa sa msanghinayang dahil hindi sinubukan”

Ang ganda naman ng sinabi ni Gel.  Nalaman kong mahal niya rin ako. Hindi naman porket mamamatay ako  hindi na ako pwedeng magka lovelife. Sige susubukan ko, para naman may mabaon ako sa kabilang buhay. Nakakatawa naman, kung kailan nasa hulung sandali na ako ng buhay ko saka pa kukulay ng ganito. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko o ang ibang tao. Pero ang mahalaga gumaan ang pakiramdam ko.

“ kung kaya mong mahalin ang isang tao kahit alam mong huli na. sino ba naman ako para hindi ka mahalin”

The truth about forever saga part 5 : Reconditioning


Bakit nasa bahay na ako? Kanina lang nasa ospital lang ako . Nasaan na si Gel? Hindi ko man lang natanong kung anung ginagawa niya kanina sa ospital.  Mahirap mag isip kung ano talaga nag nangyari kanina. Lalo lang sumasakit ang ulo ko.  Himala ata, nandito sa bahay si mama. Wala ba siyang pasok ngayon ? nandito rin si papa. Bakit kumpleto ang paamilya ko ngayon? Naguguluhan ako. Anong meron. Gusto ko munang matulog. Siguro bukas ok na ulit.

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang usapan nila mama. Medyo malabo ang mga salita pero alam kong tungkol sa akin. Habang tumatagal ang usapan nila, napapansin ko na lang na tumutulo na ang luha ko. Kaya pala lagging sumasakit ang ulo dahil may sakit ako. Paano na ang mga pangarap ko? Bata pa ako para magkakanser. Ni hindi ko pa nga nasusubukang magka-girlfriend. Wala akong magawa kundi umiyak.  Sumasakit na rin puso ko. Ayaw ko ng  ganito. Kung mamamatay ako, gusto ko yung hindi na pahirapan yung mga tao sa paliigid ko.

Huminto lang ako sa pag-iyak ng pumasok ng kwarto si mama. Tinanong niya ako kung ano ang masakit sa akin. Medyo naiinis ako kasi ngayon lang siya nag-alala sa akin. Kung kelan may sakit na ako saka niya ako aalagaan. Nabibigay nga nila ang gusto ko, pero ang atensyon naman ang nila ang kulang noon. Nahalata niya siguro na medyo naiilang ako kaya naman niyakap niya na lang ako. Doon ko lang naramdaman ang yakap ng isang ina. Yakap na sana noon ko pa naranasan. Humagulgol si mama kaya wala na rin akong magawa kundi umiyak. Nagpanggap ako na hnid ko alam kung bakit siya umiiyak. Nagawa ko pa siyang tanungin kung bakit. Hindi niya magawang sagutin ang tanong ko. Alam kong iniiwasan niyang malaman ko ang katotohanan.  Nagpasya akong sabihin ang narinig kong usapan nila ni papa. Nagtapos lahat sa iyakan. Nagpasukan sa kwarto sina papa at ang nakababata kong kapatid. Nakakalungkot isipin nab aka hindi ko na maabutan ang paglaki ng kapatid ko.  Niyakap ako ng sabay ng mga magulang ko. Kahit bakas sa mukha ng kapatid ko ang pagtataka sa nangyayari ,sumali rin siya sa yakapan. Natutuwa akong nabuo an gaming pamilya ng mga oras na iyon. Hindi kasi lingid sa kaalaman ko na may konting pagtatalo sina mama at papa. Nakakalungkot isipin na kung kalian ako nagkasakit ay saka naman nabuo ang pamilya ko.

Nagbago ang lamig ng umaga ng magising ako. Tila hindi na sanay ang katawan ko sa panahon. Gusto ko sanang pumasok para man lang magpaalam sa mga kaibigan ko sa school. Pero ayaw ni mama. Nagresign na rin si mama sa trabaho para maasikaso ako ng mabuti.  Pinapunta niya ang lahat ng classmate ko sa bahy naming. Natuwa ako kasi pati yung paborito kong teacher ay pumunta din. Maraminbg nalungkot sa angyari sa akin. Kabaliktaran ang nararamdaman ko sapagkat nakita ko na naman si Gel. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Tinanong ko na siya kung ano ang ginagawa niya sa ospital nun araw na iyon. Laking gulat ko ng malam ko na siya pala ang nagdala sa akin doon. Sa tulong ng dalawa kong schoolmate  nadala nila ako sa ospital. Hindi lang yun ang gusto kong tanungin. Gusto ko ring tanungin kung nabasa niya ba yung tulang ginawa ko.

Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, umalis siya. Ang gulo naman niya. Sa totoo lang nalungkot ako sa ginawa niya. Pero naisip kong may boyfriend pala siya. Siguro ginagawa nbiya lang yun dahil ayaw niya masaktan yung boyfriend niya.  Hindi nagtagal ay nag alisan na ang mga classmate ko kasama ang paborito kong teacher. Hndi ko man lang nagpaalam sa akin si Gel. Nagalit ata sa tanong ko. Pero tanong lang naman yun. Bakit ganun siya maka react?

May inabot sa aking sulat si mama. Hindi ko na nagawangbasahin sapagkat sumasakit na naman ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog ng gabing iyon. Nagising ako sa isang text. Bago ko binasa yung message, nagpasalamat muna ako sa Diyos sapagkat nagising pa ako ng araw na iyon.

*one message received*

>>:  nabsa mo ba yung sulat na bingay ko sa mama mo?


Kay Gel pala yung sulat na iyon. Agad kong kinuha yung sulat kay mama. Hindi ko na ngawang sautin yung text niya sa akin. Kahit isang sentence lang yung nakasulat pakiramdam ko gumaling ako sa sakit ko.

“Pwede ba kitang alagaan?”

Friday, 19 October 2012

Seatmate



Nasa kalagitnaan ng pagtuturo si ma’am ng maisipan kong gumawa ng isang sulat. Sa una ay nahihirapan pa ako sapagkat pati yata sa sulat ay nahihiya akong ipadama kung ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi pa rin tapos ng magturo si maa’m.  Mabuti na lamang at natapos ko na rin ang aking sulat.  Agad kong tiniklop ang sulat na pakorteng puso. Doon ko lamang na may saysay pala ang pag-aaral ko ng origami. Mabilis kong inabot sa kanya. Nagulat ako ng magsalubong ang dalawa niyang kilay. Ngunit ng mabasa niya ang nakasulat ns “ ngiti lang”  nakita ko ulit ang mga ngiti niya sa labi. Nakita kong nahirapan siyang buksan yung tiniklop kong papel. Gusto ko sananag tulungan pero parang nakakahiya naman. Nakita ko na lamang na yung classmate kong lalaki yung nagbukas ng papel na korteng puso. Naku po, nakakhiya naman kung siya pa ang makakbasa nun. Mabuti na laamng at agad niyang kinuha yung papel matapos itong mabuksan .

Hi crush,
Hindi ko alam kung paano ko sisismulan ang sulat na ito sapagkat mukha mo ang rumerihistro sa papel ko. Kahit ata Agham ay hindi maipaliwanag ang angkin mong kagandahan.  Kulang ang sikat ng araw para masinagan ang maamo mong mukha. Pasensya na kung hindi kita nababati ng magandang araw sapagkat maganda ka pa sa araw.
Matgal na kitang gusto. Lahat ng sa iyo ay matagal ko ng gusto. Mga mata mong nangungusap. Mga labi mong  tila mansanas ka kapulahan. Ang buhok mo’y masarap hawakan.  Ang kutis mong mala porselana.  
Pasensiya na kung nahihya ako sayo. Pasensiya na rin kung nauutal ako kapag kausap ka. Siguro nga nagiging ganito talaga ang isang tao kapag nasa harap ng taong mahal niya.
Ayaw ko sanang maging magkaibigan lang tayo dahil mahal na mahal kita.

Nagmamahal,
Seatmate J

Bakas sa mukha niya ang pagkatuwa ng mabasa niya ang sulat ko. Walang anu- ano’y may biglang umagaw ng papel sa kanya.  Ang malas naman at si Ma’am pa pala ang nakakuha. Hnidi pa nasiyahan at binasa pa ang sulat sa buong klase. Iyon ang sitwasyon na sana kinain na lang ako ng lupa. Napansin ko rin na namumula na si crush. Hindi ko lang masabi kung kinikilig siya o nahihiya.

Natapos na ang klase kay ma’am pero ang kantyawan ay nagsisimula pa rinhindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nadagdagan pa nung lumapit sa akin si crush .

“Hindi ko naman kailangan ng love letter eh”

Nagsimula na naman magtawana ang mga classmate ko. Yung iba naman walang pakialam. Pero ang alam ko nasa bingit ako ng kahihyan ng mga oras na iyon. Subalit hindi pa pala siya tapos magsalita.
“Ang kailangan ko ay ikaw mismo magsabi sa akin niyan”
Kung matagal mo na akong gusto ,hindi mo lang alam na mas matagal na akong may gusto sayo”


Pakiramdam ko’y  nasa alapaap ako ng mga oras na iyon. Unti- unti ng naglalabasan ang mga classmate naming hanggang kaing dalawa na lang ang matira. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Parang gusto kong tumalon pero hindi ko naman magawa. Ang tanging nagawa ko na lamang ay yakapin siya ng mahigpit.



Thursday, 18 October 2012

Mahal ko si Bestfriend


Marami ang gumugulo sa isipan ko ng mga sandaling iyon.  Hindi ko malamn kung ano itong nararmdaman ko. Hanggang sa tumugtog ang isang kanta sa luma naming radyo. Tama, in-love nga ako.  In- love ako sa bestfriend ko. Hindi ko alam kung paano nagsimula. Pero tama ba na ma-inlove ako sa kanya?

Ako si May ann, 18 years old. At ito ang kwento ko.

Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala ni Oliver. Iyon ang araw na bumilis ng sobra ang pagtibok puso ko. Pero kung tatanungin mo ako kung paano kami naging magkaibigan, hindi ko alam kung paano nagsimula. Napagtanto ko na lang na magkaibigan na kami hanggang tawagin niya akong bestfriend. Sa una, nakakailang pa nga kapag tintawagb niya akong bestfriend. Pero tila musika sa aking tenga ang boses niya. Hanggang masanay na ako at tinanggap ang katotohanan na siya na ang bestfriend ko.

Gabi- gabi kaming mgka-chat ng bestfriend ko.  Palagi kaming mgkatext at madalas kaming lumalabas. Madalas kaming mapagkamalang magsyota. Pero ok lang sa amin yun. Wala kaming pakialam sa iisipin ng iba. Ang mahalaga masaya kami. Hindi kami nahihiyang ipakita ang closeness namin in public. Pero kahit close kami hindi ko masabi ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Ang tunay na sinisigaw ng puso ko. Ang katotohanang mahal ko ang bestfriend ko. Subalit madalas masaktan ang puso ko kapag nagkakagirlfriend siya. Hindi namin magawa yung dati naming ginagawa. Limitado lang ang oras na magkasama kami. At hindi na rin ako napupuyat kakachat sa kanya. Pero walang tumatagal na relasyon kay oliver. Kaya naman bumabalik pa rin sa dati kung ano man ang mga ginagawa namin. Iyon ang mga bagay na lihim kong ikinatutuwa.

Matagal ko ng pinaplano na sabihin sa kanya kung ano itong nararmdaman ko. Pero sa tuwing titingin siya sa aikn para bang tinatapalan ang mga labi ko. Hindi ko pala kayang sabihin sa kanya. Hanggang isang araw, nagka-girlfriend na namn siya. Balik na namn sa datiang sitwasyon. Pero mas malala ngayon, ayaw na sa king magpakita ni Oliver sapagkat pinagbabawalan siya ng Girlfriend niya. Wala naman akong magwa kundi Umayon sa sitwasyon.

Para makalimot sa sakit na kahit ako lang ang may gawa, nagpasya akong umuwi sa lola ko nang magbakasyon. Doon nakilala ko si Dominic. Mabait si Dominic. Hindi ko maikakaila na may pagkakahawig sila ni Oliver. Kaya naman nahulog din ang loob ko sa kanya.  Hanggang isang araw, nagtapat ng pag-ibig sa akin si Dominic. Sa una, hindi ko talaga alam kung sasagutin ko siya. Hindi sumuko sa panliligaw si Dominic kaya naman sinagot ko siya. Akala ko magiging Masaya ako kapag nagging kami. Pero mas naaalala ko lang ang tunay kong mahal, si Oliver.

Alam kong mahal ako ni Dominic. Kaya naman nagiguiltyako kapag magkasama kaming dalawa. Gusto ko na sanang sabihin na ayaw ko na dahil hindi siya ang tunay kong mahal. Subalit may kung anong tumutulak sa akin upang hindi gawin iyon. Nakatanggap ako ng message kay Oliver. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa kanya. Lagi na lang ba akong saluhan niya sa tuwing maty problema siya? Oo nga bestfriend kami, pero bakit sa tuwing may problema siya saka lang siya nakakalala.  Mabuti pa si Dominic lagging nasa tabi ko. Kahit anong gawin ko hindi niya ako iniiwan. Hindi ako nagreply sa text ni Oliver. siguro dahil nagtatampo ako sa kanya. Hanggang sa tumawag siya sa akin. Naawa ako bigla sapagkat alam kong umiiyak siya. Pero anong magagwa ko nandito ako sa probinsya. Wala.

Natapos ang bakasyon at kailangan ko ng bumalik sa Manila. Pinutol ko na rin kung ano man ang meron sa amin ni Dominic. Ako kasi yung taong hindi naniniwala sa “longdistance relationship”. Sa una away bumitaw ni Dominic. Subalit natapos din sa hiwalayan.  Inaamin kong nasaktan ko si Dominic. Inaamin ko rin na hindi ko talaga siya minahal.

Pagbalik ko sa Manila, sinalubong agd ako ng bestfriend ko. Tuwang tuwa na para bang walang problema. Nakakapanibago  si Oliver. nagging mas close kami matapos ng hiwlayan nila ng girlfriend niya. Hindi ko alam ang nangyari sa kanila pero alam kong gusto ko ang hiwalayan nila. Masabi ko na kaya ang tunay kong nararmadaman sa kanya? Paano kung hindi niya magustuhan ? paano kung malamatan an gaming pagkakaibigan?

“Gusto kita May ann.”

Ano? Gusto lang hindi mahal?  Tama ba yung narinig ko ? gusto daw ako ni Oliver.  so pwede na maging kami. Hindi, baka naman iba lang ang interpretasyon ko sa sinabi niya. Gusto kong ulitin niya yung sinabi niya. Hanggang isang araw ng aming paglalakad…

“Ok lang ba kung ligawan kita?”

“Ha?”

“sabi ko, ok lang ba kung ligawan kita?”

Handa ka bang isugal ang friendship natin?”

“Sa totoo lang hindi eh, pero baka manghinayang ako kapag hindi ko sinubukan”

“Noon pa naman  mahal na kita eh”

“So tayo na?”

“Ligawan mo muna ako. J

“Ha? Kailangan pa ba yun?”

“Diba tintanong mo ako kung pwede ba magpaligaw?, edi oo sagot ko”



Bagong Anghel


Positive!

Agad tumulo ang luha sa mga namumugtong mata ni Lotay. Hindi niya inakalang magkakabunga ang isang gabing pagkakamali nila ni Marvin. iniisip niya ang kahihiyang dala nito. Alam niyang hindi pa siya handang maging isang ina. Disi-otso anyos pa lang si lotay at marami pa siyang pangarap na nais niyang matupad. Ngunit ang libro ng kanyang pagkadalaga ay tuluyan ng nagsara. Hudyat na ng panibagong kabanata sa kanyang buhay. Walang siyang magawa kundi umiyak. Hindi niya masabi sa kanyang ina lalo na’t may sakit ito. Hindi niya rin maasahan ang kanyang ama na laging nasa pasugalan. Walang masabihan ng problema si Lotay. Ang tanging pag-asa niya lang ay si Marvin.

Buntis ka?

                Puro sampal ang inabot ni lotay sa kanyang ama na kakatalo pa lang sa sugal. Hnidi nito matanggap na  ang anak ng karibal niya sa sugal ang nakabuntis dito. Kahit nilalamon na ng galit ang buong pagkatao ni Mang Roberto, hindi niya pa ring maiwasang lumuha sa sinapit ng kanyang kaisa-isang anak. Matapos ang mala teleseryeng paghaharap ng  mag-ama, agad- agad sinugod ni Mang Roberto ang bahay ng kasintahan ni Lotay. Hindi niya alintana ang kung sinu-sino na ang nanunuod sa kanila. Para namang nakalibre ng sine ang mga taong nakapaligid.

Unti- unti ng lumuluwang ang kalye ng mahimasmasan ang dalawang kampo.  Tapos na ang panandaliang palabas. Subalit ang hinanakit ni Lotay ay unti –unti nang uuusbong. Hindi pinanagutan ni Marvin ang kanyang dinadala. Malakas ang paniniwala niya na hnidi sa kanya ang bata. Agad naman pinagtanggol ng kanyang ama. Sa bandang huli, umuwing walang napala ang mag- ama.

Lagpas hanggang langit ang galit ng ama ni Lotay. Upang mahimasmasan dumiretso siya ng pasugalan at pinauwi ang anak na tila ba nasisiraan na ng bait. Nang makauwi ng bahay si Lotay, hindi niya mapigilang umiyak ng makita ang inang hapong- hapo dahil sa karamdaman. Mabilis niyang niyakap ang kanyang ina at humingi ng kapatawaran.  Bakas naman sa mukha ni Aling Salve ang pagtataka sa ginagawa ng kanyang anak. Ikimuwento ni Lotay ang lahat sa kanyang ina. At ang kwentuhan ay nagtapos sa iyakan.

Malamlam na ang sikat ng araw. hudyat na na magsisimula na ang gabi. Habang umiihip ang hangin ng Oktubre, tinatangay nito ang lahat ng masasayang alaala nila ni Marvin. Napagtanto niya na ito’y walang bayag. Hindi marunong umako ng responsibiblidad.  Sa kalagitnaan ng pag –iisip, bumuhos ang malakas na ulan. Tila nakikisimpatya sa problemang kinahaharap niya.

Panibagong umaga. Nabuo na sa isipan niya na mag-isa na lang siyang haharap sa problemang silang dalawa ni Marvin ang gmay gawa. Hindi niya alam kung ano ang bukas na haharapin niya. ang tanging nagpapalakas sa kanya ay ang katotohanang  magkakaanghel na siya.

Habang nasa sinapupunan ni Lotay ang Anak nila ni Marvin, tila Tren namang rumagasa ang mga nagdatingang problema. Hindi na nakayana ng katawan ni Aling Salve ang malubhang sakit kung kaya’t tuluyan na itong bumigay. Hindi pa nagpapalit ng taon, nabaril naman sa pasugalan ang kanyang sugarol na ama. Mag-isa na lamang siyang haharap sa lipunang mapanghusga.

Mabilis maglayag ang panahon. Natapos na ang siyam na buwang paghihintay niya. Lalaki ang isinilang niya. laking gulat niya na malaki ang hawig nito kay Marvin. Hindi maikakaila na si Marvin nga ang ama nito. Subalit hindi na papayagan ni Lotay na makita pa ni Marvin ang kanyang anak. Ang lahat ng problemang dal- dal niya ay tila ba naglaho ng isilang niya ang kanyang anak. Kahit siya lang ang bumuhay dito ay ayos lang sa kanya.  Hindi niya namamalayan na siya’y napapaluha na.


Wednesday, 17 October 2012

Kalsada


Kalsada ang saksi sa aking pagkabata. Ito rin ang humubog sa aking batang katawan. Mga masasayang karanasan na kalsada lamang ang nagparanas sa akin. Dito ko rin binuo ang aking mundo- ang mundo ng aking pagkabata. Mundong alam kong hindi pang habambuhay ngunit pang matagalan sa aking puso.

Sa pagsapit ng hapon, mga kalaro ko’y tila mga dagang naglalabasan sa kanilang mga lungga. Habang ang iba’y humihilik pa, kami nama’y pawisan na. Hindi alintana ang pagtakbo ng oras. Hindi rin alintana ang tiyan na kumakalam na. at higit sa lahat, hindi rin alintana akung tao pa ba ang itsura namin dahil tila kinabitan na ng gripo ang aming katawan sa pagtagatak ng pawis. At dahil nga may tindahan kami noon, para bang obligasyon kong painumin sila kapag nagkauhawan na. Para sa amin, wala kaming pakialam sa mundo sapagkat gumawa kami  ng aming sariling mundo.

Kung iisa isahin ko ang mga nalaro ko nung bata pa ako, malamang na tamarin ako sa pagsusulat. sa pagkakatanda ko, nagsisimula ang lahat sa habulan hanggang mgkapaguran. At kapag nagkasawaan na, ibang laro na naman ang susubukan. hindi ko na maalala ang ibang laro na nasubukan ko noon. Pero ang ligayang hatid naman noon ang nagpapabata sa akin ngayon. Totoong masarap balikan ang mga karanasang iyon. Iyon  ang iniisip ko sa tuwing nalulungkot ako. Inaaliw ang sarili sa pag-iisip ng mga bagay na nangyari sa akin noon habang hawak hawak ang purol kong lapis.

Maraming dumadating na bagong kalaro kaya’t kami’y tuwang-tuwa. Subalit minsan ang tuwa’y tinatakpan ng lungkot sa tuwing may lilipat na kalaro. At pagkatapos ng mahigit tatlong oras, ayos na ulit. Takbuhan na naman. Tawanan na para bang walang nangyari. Ang sarap maging bata. Wala kang inaalalang problema.

Sa bawat pagsikat ng araw, asahan mo ang paglubog nito. Tulad ng kanya kanyang pag uwi sa pagsapit ng takipsilim. Ang mundong aming ginawa ay tuluyan ng naglaho Wala ng habulan. Wala ng pawisang katawan at higit sa lahat wala na rin akong pinapainom na kalaro.  Napalitan na ng libro ang dating bato, goma o kahoy  na pinaglalaruan namin noon.  Ang habulan noon, habulan na ng deadline sa project ngayon.

Ang tawanan ay napalitan na ng mga seryosong usapan. Ang dating walang alam sa buhay pag-ibig, nagpapalitan na ng kanya kanyang karanasan. Naisip kong hindi naman nawala nag mundong ginawa namin. Ito’y nagbihis lamang at naging mapangahas.  Hindi ko na kilala ang mga kalaro ko noon. Dati rati’y walang pakialam sa mga itsura. At ngayon, halos matakpan na ng make-up ang mga mukha nila. Ang dating mga sanding suot napalitan na ng kakaibang pananamit. At ang mga duming nakaukit noon sa katawan napalitan na rin ng mga tattoo. Ibang iba na sila.

Hindi pa nagtagal ang iba kong kalaro ay pumasok sa mas makamundong pananaw. Ang ilan ay natangay ng sariling inot ng katawan kung kaya’t tiyan nila’y nagkalaman. Hindi ko rin naman sila masisisi sapagkat pinili nila ang landas na iyon. Ang dating manika’y napalitan ng sanggol. Ang dati’y laro- laro’y nagkatotoo na.

Sa aking pag-iisip, napagtanto ko na maswerte pa rin ako at ang aking mga kalaro. Sapagkat naranasan namin ang ligayang hatid ng kalsada. Kalsadang aming tinatapakan sa tuwing kami’y aalis. Kalsadang naging saksi ng amnig pagkabata.- inopagba



The truth about forever saga part 4: Genesis

Wala akong naintindihan sa tinuturo ni Sir. Hindi ako makapag-concentrate. Ewan ko ba kung bakit. Nalala ko pa rin lahat ng nangyari kahapon. Parang kanina lang lahat nangyari yun. Haay! Bagong araw na naman. Pero mga classmate ko , hayun ganun pa rin. Atat na atat umuwi.  Nakalimutan ko , magpapacheck up nga pala ako ngayon. Ano kaya sakit ko? mabuti na lang at hindi na sumasakit ulo ko. Malapit na rin pala mag finals. Marami na namang ipapasang paper works. Ewan ko ba diyan sa mga professor ko, masyadong power tripping. Kung ano na lang gusto nilang ipagawa kahit wala namang kinalaman sa tinuturo nila. Dagdag pa tuloy sa alalahanin. Mahirap pa namang mag isip, lalo na pag naka set na yung utak mo sa bakasyon.

Pabili nga ng yosi.

Makapag yosi nga muna. Para naman mahimasmasan ako. Haay! Mabuti na lang at naimbento itong yosi. Teka! Professor ko sa chemistry yun ah. Yari kapag nakita niya ko! Takbooo!
Ayos! Sana hindi niya ako nakita. Yari na naman ako dun. Siya nga pala, ano naman kung makita niya ko? Bakit, tatay ko ba siya? Eh kung yung tatay ko nga walang pakialam kahit manigarilyo ako buong araw, siya pa kaya.  Wahh!  Sumasakit na naman ulo ko!  Makauwi na nga . ay hindi- hindi, magpapacheck up pa pala ako. 

Huhuhuh!

Ha? Parang may umiiyak. Sino yun? Aray! Yung ulo ko ang sakit! Hayaan ko na nga lang kung sino yung umiiyak na yun.  Teka, parang lumalabo yung paningin ko. Waah! Tulonngg! Ansakit na talaga!

Bogs!

Parang bumagsak ata ako. Oo, bumgasak nga ako. Mukha ba ni Gel yung nasa harap ko? Hindi, anu naman gingawa ni Gel dito. Tulong! Dalhin niyo ko sa hospital. Miss, kung sino ka man dalhin mo ko sa hospital. Please!

Black out!

Ouch! Ansakit naman ng katawan ko! Sandali nga, parang hindi naman namin bahay to! Nasaan ako?  Anung ginagawa ko dito sa hospital?  At bakit andito si Gel ? si Gel? Oo , si Gel nga! Anong ginagawa  niya dito?  Nanaginip ba ako? Sana hindi na ako magising. Sana habambuhay na ito. Sandal, bakit kinakausap ng duktor si Gel? Bakit wala mga magulang ko kung nandito ako sa hospital/ teka, nagka amnesia ba ako> kung nagka amanesia ako bakit nakikilala ko pa si Gel? Wahh! Ang gulo naman , sumasakit na naman ulo ko!

Tapos na sila mag- usap at mukhang papalapit na sila sa akin. Teka lang ,teka lang! naguguluhan talaga ako. Aray ko! Ulo ko! Parang binibiyak! Habang papalapit sila, pasakit ng pasakit!
            
            Black out!

Monday, 15 October 2012

The truth about forever saga part 3: Burning Bridges


This is it! Kailangan ko na talagang ipamukha ulit sa kanya na wala na kami. We parted ways! Pero saan ko siya hahanapin? Pasulpot –sulpot na lang kasi yung babaing yun matapos ng pagkakalabuan namin.

Tol!

Naku po. Si Patrick! Baka maniningil na to. Wala pa naman akong pambayad ngayon. At saka sinabi ko naman na sa katapusan na ko magbabayad. Ewan! Parang si Camille. Hindi makaintindi. Waah! Bakit kasi laging sumasakit yung ulo ko. Anu bang meron sa loob nito? Waahh! Gusto ko nang biyakin ito. Teka nga lang, papalapit na si Patrick. Takboooo!!!!

                Huu! Muntikan na niya akong maabutan. Buti na lang champion ako sa takbuhan. Bakit ba andamin kong tinatakbuhan ngayon? Leche naman! Aayusin ko na nga buhay ko . Uunahin ko yung kay Camille, tapos si  Patrick. Para naman pwede na akong magparamdam kay Gel. Eh nagpaparamdam na ako sa kanya, ginawan ko na nga siya ng tula. Bakit ganun, parang wala lang sa kanya. Tapos hindi pa siya pumapasok, paano ko malalaman kung nabasa niya na?
Sandali nga lang. bakit parang may naririnig ako? Anu yun multo? Hindi, parang boses ni Gel. Tama! Si Gel my love. Pero parang may kausap siya.

>: I love you Gel J

>>: I love you too Robert J

Waah! Nagpalitan sila ng I love you? Hindi to pwede. Hindiiii! Ibig sabihn may boyfriend si Gel? Huhuhuh! Paano na ako? Paano na kami? Ay! Wala palang kami. Nakakainis. Wala na pala akong pag asa sayo Gel.  Uuwi na nga lang muna ako. Tinatamad akong pumasok ngtayon. Hay!

*one message received*
<>: jerome J usap tayo sa canteen J

Ano na namang drama nitong Camille na ito? Mapuntahan nga at maipamukha na ayaw ko na sa kanya. Naku, huwag niya kong gagalitin at mainit pa naman ang ulo ko ngayon. Baka makalimutan kong babae siya! Waah! Heto nanman ang ulo ko, sumasakit!!! Magpapacheck up na nga  ako !!!!

<: pwede pa ba nating ayusin kung ano mang meron tayo?
<<: Wala na tayong aayusin dahil matagal ng sira ang kung ano man ang meron tayo noon
<: kung ayaw mo na edi wag! Minsan lang ako magmahal. Pero sinayang mo lang. anong klase ka?

Pak!

Araay! Ansakit naman nun! At nagawa niya pa akong sampalin. Leche talaga siya. Siguro naman tapos na talaga kami. Ayoko na siyang makita. Tama lang pala ang desisyon ko na hiwalayan siya noon.
Pero paano na ang love story namin ni Gel? Ayoko na talagang alalahanin pa ang nakita at narinig ko kanina. Lalo lang sumasakit ang ulo ko. Kaya pala parang wala lang sa kanya yung ginawa kong tula. Hay! Nakakahiya tuloy...!




Sunday, 14 October 2012

The truth about forever saga part I: Breaking Barrier




Tapos ng magturo si ma’am.  Agad- agad kong sinilid ang tulang ginawa ko sa bag ni Gel. Mabuti na lang at walang nakapansin sa akin. Panu ba naman abalang- abala sila sa pagpupulbos at ang ilan uwing-uwi na talaga. Sana magustuhan niya ang tulang ginawa ko. Sana maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal. At sana magkaroon ako ng pag-asa sa puso niya.


Matulis na pana ni kupido
Sa puso ko sumargo
At ngayon ay nalilito
Kung paano sasabihin sayo
Na ikaw ang tinitibok ng pusong ito

Hindi mapigilan
Kahit mag- alinlangan
Laman ng puso ko’y iyong pangalan
Gusto kong isigaw sa buong kalawakan

Hindi masabi sa iyo ng harapan
Sapagkat bibig ko’y tila tinapalan
Kaya sa tula ko na lang idadaan
At sana ito’y iyong magustuhan

Lumubog man ang araw
Maamo mong mukha ang gusto kong matanaw
Sapgkat ako’y tila yelong tunaw
Sa kagandahan mong nag-uumapaw

                Nagmamadali na naman ako. Nakakains kasing alarm clock yan ayaw makisama. Iseset mo ng alas singko , alas sais naman tutunog. Hay buhay. Nakabalik lang ako sa wisho ng maalala ko yung tulang ginawa ko . naku po, baka hindi niya nagustuhan yun. Kawawa naman yung napurol kong lapis matapos ko lamang yun. Bahala na si Batman! Go for the gold. Kung hindi naman, better luck next time. Kakanata na ba ko ng pusong bato? Huwag ka nga pa bad vibes dyan ! sumasakit na naman ang ulo ko. Waahh!

                Haay! Salamat uwian na naman. Anong nanagyari bakit parang walang imik si Gel. Hindi niya ba nabasa?  Bakit kasi hindi mahilig magbasa yung babaing yun. Pero kahit na mahal ko pa rin yun. Teka lang bakit parang may naiwan ata ako. Matingnan nga sa bag ko. Oops! Ano tong papel na to?

Ikaw ang dahilan ng aking pagpasok
Kahit dinadaanan ko’y mausok
Puso ko ri’y  sa pana ni kupido tumusok
At ngayo’y pa-ibg ko sayo’y ‘di na mabubulok

Pagsinta mo sa aki’y lubos kong kinagagalak
Puso ko ri’y humahalakhak
Sapagkat nahanap niya na  ang kanyang kabiyak
Paligid ko tuloy tila humahalimuyak


Pag-ibig ko sayo’y hindi padadaig
Kahit sa gabing malamig
Gagawa ng himig
Kahit makarinig lang ay tubig

Gusto ko sabihin ng harapan
At ng masimulan ang pag-iibigan
Pag-iibigang nagsimula sa kawalan
At di na sana matuldukan

Totoo ba ito? Mahal niya rin ako? Teka baka nanaginip lang ako. Pare pakisuntok nga ako. Ay hindi, totoo nga ito. Galing kay Gel ang tulang ito. Yahoo!  May pag- asa plaa ako sa kanya. Bukas na bukas rin sasabihin ko sa kanya ng harapan.













Wednesday, 10 October 2012

Sulat ng Isang Manliligaw



credit: Ordinary Song by : Marc Velasco

Nagsimula sa paghanga hanggang mahinog at naging pag-ibig. Ayoko sanang dumating ang araw na mabulok ito hindi mo matikman ang tamis ng pag-ibig ko. Ilang beses ko nang sinayang ang pagkakataon. Ayokong dumating ang panahon na ang pagakakataon naman ang manghinayang sa akin. Kung kayat lakas loob kong sasabihin na Mahal kita!. Ilang beses ko nang pinagsigawan na mahal kita. Pero tila nabingi ang mundo, kung kayat puso ko na lang ang nakarinig nito.

Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you

Simpleng tao lang ako. Pero napansin agad ako ni kupido at pinana ang puso ko. Hindi ko alam kung kalian tumama ang pana niya sa puso ko. Araw- araw kung tinatanong ang sarili ko kung bakit minahal ko ang tulad mong spesyal. Sa mundo mo , alam kong hindi ako ang sentro. Malamang nasa sulok lang ako at wala kang pakialam. Siguro nga pinana rin ni kupido ang puso mo-- purol nga lang ata.

I may not have much to show
No diamonds that glow
No limousines
To take you where you go.

Wala akong maipagmamalaki sayo. Wala akong nag-uumapaw na kayamanan. Wala akong naggagandahang sasakyan. Ang tangi ko lang maipagmamalakai ay ang sarili ko. Sarili ko na ikaw lang ang nag mamay-ari. Handa kong tahiiin ang bukas makasama ka lang. Handa kong hubugin ang ngayon para lang makapiling ka. Gusto kong dumating ang araw na ako mismo ang dahilan kung bakit ka nakangiti.

But if you ever find yourself
Tired of all the games you play
When the world seems so unfair
You can count on me to stay
Just take some time
To lend an ear
To this ordinary song
Kung pakiramdam mong kalaban mo ang buong mundo. Isigaw mo lang ang pangalan ko, darating ako. Handa akong maging kalasag mo, maipagtanggol ka lang. handa akong masugatan ‘wag lang ang puso mo. At kahit buhay ko’y handa kong itaya, maipakita ko lang na hindi ka masasaktan kapag nasa piling kita.

But deep inside of me is you
You give life to what I do
All those years may see you through
Still I'll be waiting here for you
If you have time
Please lend an ear
To this ordinary song


Kung sisilipin mo ang laman ng puso’t isipan ko, makikita m ang pangalan mo sa lahat ng sulok nito. Kung sakaling hindi ka pa handa para makasama ako, maghihintay ako hanggang kaya ko. Oo, hanggang kaya ko lang. Dahil ang kaya ko ay ang walang hannggan.

Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you.
Sa pagtatapos ng sulat na ito, idadaan ko na lang sa kanta ang pag-ibig ko sayo. Umaasa akong huwag sanang dumating ang bukas na handa ka nang makasama ako pero ang bukas naman ang hindi kayang makitrang magkasama tayo.

P.S. Hindi kita minamadali na sagutin ako. Pero tandaan mong Mahal na mahal kita!







Sunday, 7 October 2012

Minsan sa Aking Buhay

Nalaglag nanaman ang lumang dahon ng aming kalendaryo. Hudyat nanaman ng panibagong buwan. Panibagong paglalakbay sa mundong hindi mo inaasahan ang ilalatag sayo. kasabay ng paglamig ng hanging iniihip ng amihan ay ang unti unting pagyeyelo ng mga ideya sa aking isipan. Mga ideyang matagal kong prinoseso subalit naging preso. Ayaw kumawala. Tila ibong ayaw ikampay ang mga naglalakihang bagwis. Tila ilog na pinabayaan ng tao’t panahon kung kaya’t ayaw dumaloy. Kalinga ng aking higaan ang hinanap kong solusyon upang makapagisip-isip. Kasabay ng pagkislap ng mg bituin sa kalawakan ay ang unti unting paglaho ng mga pinagdugtong-dugtong na ideya. Mga ideyang sumabay sa ihip ng hangin. Unti unti nang umusbong ang mga katanungang hindi ko inaasahan. Mga katanungang gumugulo sa isipan ko. Paano na nag aking mga isinulat? Paano na ang mga naniniwala sa akin na kayo kong maging isang magaling na manunulat? Pinilit kong gumawa ng mga obrang maipagmamalak iko. Subalit ilang lapis na ang napurol sa pgpuno ko ng papel sa basurahan. Sobrang hirap ng sitwasyon ko. Tila isang dragon na ikinulong sa utak ko ang mga higanteng ideya na gusto kong sabihin. Ngunit pagkakataon na rin ang nagsabi na hindi ko kayang ipahayag. Tulad ng mga pandaigdigang penomernang nagaganap, tila isa rin akong biktaima ng pagtatanong ng “bakit kaya?”. Ang sakit na ng ulo ko. Ititigil ko na ba ang kahibangang ito? Puno na ang sasakyan ng mga makata. Kailangan pa bang makisiksik ang baguhang tulad ko? Nakaialis na ang mga iniidolo kong manunulat. Kailangan ko pa ba silang habulin? Unti- unti nang nilalamon ng sakit ang ulo ko. Sa bukang liwayway na simbolo ng pag-asa, hindi ko makita ang sariling sinag ng aking pag-asa.paalam na ba lapis ko? Paalam na ba pambura ko? At paalam na ba papel ko? Higit sa lahat, paalam na ba sa pagiging manunulat ko? Hanggang kailan ko pagtitiisan ang tinatawag nilang “writer’s block”. Binuno ko na nag sarili ko sa mga ibang bagay. Nakibagay sa mga di kabagay. Subalit sa bawat pagtibok ng puso ko ay ang pagbulong na may pag-asa sa pagsusulat. Hanggang nabasa ko ang mga obra ng paborito kong manunulat ,si “Bob Ong”. Unti unti niyang tinanggal ang kandado ng aking pag-iisip. Pinakawalan niya ang mga presong ideya sa natutulog kong isipan. Isa syang tigapagligtas ng aking buhay bilang isang manunulat. Sinimulan ko sa mga tula. Kahit mahirap( sapagkat nagsisimula ulit ako), ipinagpatuloy ko hanggang marating ko ang dulo ng aking isipan. Nagsimula na akong gumawa ng mga kwento. Mga kwentong isinasalaysay ng aking imahinasyon. Sa dulo ng aking isipan, doon nagpupulong-pulong ang mga hilaw kong ideya. Sa wakas, nalagpasan ko ang katakot-takot na “writer’s block”. Nagsisimula ng bagong buhay. Nagsisimula ng bagong obra. Mga obrang ako mismo ang may likha. Ang aking bagong buhay- bilang isang manunulat.

Sunday, 30 September 2012

the director side of me :)

Ang Buhay Ng Isang Komedyante

Nasa entablado na ang komedyanteng bungisngis
Naka pomada ang buhok at naka payaso ang bihis
Mga hirit niya’y huwag lang magmimintis
At baka manunuod niya’y biglang magsialis
Laht sa kanya’y tuwang- tuwa pati asong may galis

At ngayo’y tapos na ang palabas ng komedyante
Patay na rin ang ilaw na mala dyamante
Pasalubong ay pansit sa mga anak na estudyante
Palabok naman ang binili sa asawang mala elepante
At tinabi ang natirang pera para sa inutangang ahente

Nakasalubong ang anak na may dalang bente
Tinanong niya at sabay sabing bigay ni tinyente
Naglaro sa isip niya si tinyenteng mala higante
Mga duda sa sa puso niya’y naging permanente
Nang makita ang asawang nakalingkis na tila serpiyente


Pakiramdam niya’y nag-iba ang hangin ng Setyembre
Bakas sa mukha niya ang buwan ng Nobyembre
Banaag din ang takot sa tinyenteng sa laman ay nakalibre
Agad hinugot ang dala niyang kalibre
At agad binaril ang komedyanteng pobre

Namata ang komedyante sa sariling tahanan
At ibinurol sa katabing simbahan
Ang dating tawanan napalitan ng kalungkutan
O kay lupit naman ng kanyang kapalaran
Nagwakas ang buhay nang hindi inaasahan


Minsan May Isang Makata


Minsan may isang makatang bubulong- bulong
Mga napiling salita’y pinagdugtong- dugtong
Sa sobrang talinghaga’y inakala’y bugtong
Mga salita’y hindi maabot ng mga gunggong
Kaya naman kanilang buhay ay tila kaning tutong

Minsan may isang makatang iiling- iling
Mga tugma niya’y nagkapaling –paling
Tula niya’y tila kamay na walang singsing
Agad lumapit sa diyosa’t humiling
Tugma niya’y biglang sumakto na parang gumigiling

Minsan may isang makatang hahabol- habol
Sa ideya ng kanyang isipan na bagong sibol
Mga kamay niya tuloy tila nagtatambol
Pati sulat niya tila’y nagkarambol
Makasabay lang sa ideyang nagdidribol

Minsan may isang makatang iiyak- iyak
Pusong iningat- ingata’y biglang biniyak
Buhay pag-ibig niya ngayo’y hindi na tiyak
Gumawa na lang ng tula sa papel na payak
Nias makalimot sa mundong nakagayak

Sa huli’y ang makata’y tuwang- tuwa
Napurol man ang lapis sa tulang ginawa
Puso’y naghilom na’t ‘di na kawawa
Lahat ay humalakhak pati mga timawa
Sapagkat tula niya’y mananatili sa ating mga diwa



Thursday, 27 September 2012

Kung Bakit Ako Nagsusulat



 Madalas kong matagpuan ang sarili ko na nakaupo sa mesa. Nakayuko at hawak hawak ang paborito kong panulat- ang lapis. Mabilis na sinasalin ang laman ng utak sa likod ng photocopy ng hindi pa nababasang aralin. Madalas ko ring makita ang sarili ko sa ibang mundo. Ito’y sa pamamagitan ng libro. Libro ang kumukumpleto sa mundo ng aking imahinasyon. Parang puto ng aking dinuguan, bagoong ng aking kare kare at kung anu ano pa. Batid ng buo kong sistema na mabilis magproseso ang mga ideya sa akin sa pagsapit ng kadiliman. Ang bagay na iyon ay nananatiling misteryo pa rin mag pa sa hanggang ngayon. Madalas ko rin makita ang sarili kong humahanga sa gawa ng iba. Matagal pa nga siguro ang aking lalakbayin para makasunod sa kanila. Malayo pa ang hinaharap na magkakaroon ako ng sariling libro sa mga estante ng iba’t ibang bookstore. 

Elementary pa lang ako ay mahilig na akong magsulat ng kung anu- ano. Mga bagay na hindi  napag-uusapan, sa papel ko na lang dinadaan. Nawala ang hilig ko nang tumuntong ako ng high school. Iba na anyo ng mga tao sa aking paraisong binuo. Iyon ang nagpawalang gana upang ipursige ko ang pagsusulat. Salamat na lang at sinalba ako ng pagiging futuristic ko. Bigla nalang lumundag sa aking magulong isipan ang isang bagay. Bagay na magbabalik sa akin sa dapat kong kalagyan- ang pagsusulat.


Binalak kong hindi na sana magpatuloy sa kolehiyo. Sapagkat gusto ko sanang magtrabaho na lamang. Hanggang maisip ko na hindi ko maisasakatuparan ang pangarap kong magkalibro kung susuko na ako. Hindi pa nga nagsisimula ang laban, talon na ako. Muling dumaloy ang dugo ng makatang nanalantay sa aking mga ugat. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral at pagsusulat.


Ngunit bakit nga ba sa pagsusulat ako luminya?


Marahil kayo ay nagtataka. Tinatanong kung ano nga ba ang alam ko sa pagsusulat. Marahil ay sinusukat ang kakayahan ko sa larangang ito. Hanggang saan ba ang kakayahan kong usigin ang kamalian ng lipunan? Gumawa ng komentaryo at isigaw ang nararamdaman?( taray. hahah)


Ang pagsusulat ay walang pinipilng panahon at edad. Nagsusulat ako upang makawala ang sinisigaw ng aking kaluluwang makata. Ang pagsusulat ay wala ring pinipiling sitwasyon. Papel at purol na lapis man, maipapahayag ko na ang gusto ko. At higit sa lahat, nagsusulat ako para pumukaw ng natutulog o kahit nagtutulog-tulugang puso. Wal akong paki alam kung kasing haba man ng Macbeth ni pareng Shakespeare o sing ikli ng kwentong barbero ni Juan ang sinusulat ko. Ang mahalaga ito’y may sarilng puso. at ito'y akin.


Yan ang dahilan ko kung bakit ako nagsusulat. At yan ang tinuro sa akin ng pagsusulat.