Wala akong naintindihan sa tinuturo
ni Sir. Hindi ako makapag-concentrate. Ewan ko ba kung bakit. Nalala ko pa rin
lahat ng nangyari kahapon. Parang kanina lang lahat nangyari yun. Haay! Bagong araw
na naman. Pero mga classmate ko , hayun ganun pa rin. Atat na atat umuwi. Nakalimutan ko , magpapacheck up nga pala ako
ngayon. Ano kaya sakit ko? mabuti na lang at hindi na sumasakit ulo ko. Malapit
na rin pala mag finals. Marami na namang ipapasang paper works. Ewan ko ba diyan
sa mga professor ko, masyadong power tripping. Kung ano na lang gusto nilang
ipagawa kahit wala namang kinalaman sa tinuturo nila. Dagdag pa tuloy sa
alalahanin. Mahirap pa namang mag isip, lalo na pag naka set na yung utak mo sa
bakasyon.
Pabili nga ng yosi.
Makapag yosi nga muna. Para naman
mahimasmasan ako. Haay! Mabuti na lang at naimbento itong yosi. Teka! Professor
ko sa chemistry yun ah. Yari kapag nakita niya ko! Takbooo!
Ayos! Sana hindi niya ako nakita. Yari
na naman ako dun. Siya nga pala, ano naman kung makita niya ko? Bakit, tatay ko
ba siya? Eh kung yung tatay ko nga walang pakialam kahit manigarilyo ako buong
araw, siya pa kaya. Wahh! Sumasakit na naman ulo ko! Makauwi na nga . ay hindi- hindi,
magpapacheck up pa pala ako.
Huhuhuh!
Ha? Parang may umiiyak. Sino yun? Aray!
Yung ulo ko ang sakit! Hayaan ko na nga lang kung sino yung umiiyak na
yun. Teka, parang lumalabo yung paningin
ko. Waah! Tulonngg! Ansakit na talaga!
Bogs!
Parang bumagsak ata ako. Oo, bumgasak nga ako. Mukha ba ni Gel yung nasa harap ko? Hindi, anu naman gingawa ni Gel dito. Tulong! Dalhin niyo ko sa hospital. Miss, kung sino ka man dalhin mo ko sa hospital. Please!
Black out!
Ouch! Ansakit naman ng katawan ko! Sandali nga, parang hindi
naman namin bahay to! Nasaan ako? Anung ginagawa
ko dito sa hospital? At bakit andito si
Gel ? si Gel? Oo , si Gel nga! Anong ginagawa
niya dito? Nanaginip ba ako? Sana
hindi na ako magising. Sana habambuhay na ito. Sandal, bakit kinakausap ng
duktor si Gel? Bakit wala mga magulang ko kung nandito ako sa hospital/ teka,
nagka amnesia ba ako> kung nagka amanesia ako bakit nakikilala ko pa si Gel?
Wahh! Ang gulo naman , sumasakit na naman ulo ko!
Tapos na sila mag- usap at mukhang papalapit na sila sa akin. Teka lang ,teka lang! naguguluhan talaga ako. Aray ko! Ulo ko! Parang binibiyak! Habang papalapit sila, pasakit ng pasakit!
Black out!
No comments:
Post a Comment