This is it! Kailangan ko na
talagang ipamukha ulit sa kanya na wala na kami. We parted ways! Pero saan ko
siya hahanapin? Pasulpot –sulpot na lang kasi yung babaing yun matapos ng
pagkakalabuan namin.
Tol!
Naku po. Si Patrick! Baka maniningil
na to. Wala pa naman akong pambayad ngayon. At saka sinabi ko naman na sa
katapusan na ko magbabayad. Ewan! Parang si Camille. Hindi makaintindi. Waah! Bakit
kasi laging sumasakit yung ulo ko. Anu bang meron sa loob nito? Waahh! Gusto ko
nang biyakin ito. Teka nga lang, papalapit na si Patrick. Takboooo!!!!
Huu! Muntikan
na niya akong maabutan. Buti na lang champion ako sa takbuhan. Bakit ba andamin
kong tinatakbuhan ngayon? Leche naman! Aayusin ko na nga buhay ko . Uunahin ko
yung kay Camille, tapos si Patrick. Para
naman pwede na akong magparamdam kay Gel. Eh nagpaparamdam na ako sa kanya,
ginawan ko na nga siya ng tula. Bakit ganun, parang wala lang sa kanya. Tapos hindi
pa siya pumapasok, paano ko malalaman kung nabasa niya na?
Sandali nga lang. bakit parang may
naririnig ako? Anu yun multo? Hindi, parang boses ni Gel. Tama! Si Gel my love.
Pero parang may kausap siya.
>: I love you Gel J
>>: I love you too Robert J
Waah! Nagpalitan sila ng I love
you? Hindi to pwede. Hindiiii! Ibig sabihn may boyfriend si Gel? Huhuhuh! Paano
na ako? Paano na kami? Ay! Wala palang kami. Nakakainis. Wala na pala akong pag
asa sayo Gel. Uuwi na nga lang muna ako.
Tinatamad akong pumasok ngtayon. Hay!
*one message received*
<>: jerome J usap tayo sa canteen J
Ano na namang drama nitong Camille
na ito? Mapuntahan nga at maipamukha na ayaw ko na sa kanya. Naku, huwag niya
kong gagalitin at mainit pa naman ang ulo ko ngayon. Baka makalimutan kong
babae siya! Waah! Heto nanman ang ulo ko, sumasakit!!! Magpapacheck up na
nga ako !!!!
<: pwede pa ba nating ayusin
kung ano mang meron tayo?
<<: Wala na tayong aayusin
dahil matagal ng sira ang kung ano man ang meron tayo noon
<: kung ayaw mo na edi wag! Minsan
lang ako magmahal. Pero sinayang mo lang. anong klase ka?
Pak!
Araay! Ansakit naman nun! At nagawa
niya pa akong sampalin. Leche talaga siya. Siguro naman tapos na talaga kami. Ayoko
na siyang makita. Tama lang pala ang desisyon ko na hiwalayan siya noon.
Pero paano na ang love story namin
ni Gel? Ayoko na talagang alalahanin pa ang nakita at narinig ko kanina. Lalo lang
sumasakit ang ulo ko. Kaya pala parang wala lang sa kanya yung ginawa kong tula. Hay! Nakakahiya tuloy...!
No comments:
Post a Comment