Marami ang gumugulo sa isipan ko
ng mga sandaling iyon. Hindi ko malamn
kung ano itong nararmdaman ko. Hanggang sa tumugtog ang isang kanta sa luma
naming radyo. Tama, in-love nga ako. In-
love ako sa bestfriend ko. Hindi ko alam kung paano nagsimula. Pero tama ba na
ma-inlove ako sa kanya?
Ako si May ann, 18 years old. At
ito ang kwento ko.
Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala
ni Oliver. Iyon ang araw na bumilis ng sobra ang pagtibok puso ko. Pero kung tatanungin
mo ako kung paano kami naging magkaibigan, hindi ko alam kung paano nagsimula. Napagtanto
ko na lang na magkaibigan na kami hanggang tawagin niya akong bestfriend. Sa una,
nakakailang pa nga kapag tintawagb niya akong bestfriend. Pero tila musika sa
aking tenga ang boses niya. Hanggang masanay na ako at tinanggap ang
katotohanan na siya na ang bestfriend ko.
Gabi- gabi kaming mgka-chat ng
bestfriend ko. Palagi kaming mgkatext at
madalas kaming lumalabas. Madalas kaming mapagkamalang magsyota. Pero ok lang
sa amin yun. Wala kaming pakialam sa iisipin ng iba. Ang mahalaga masaya kami. Hindi
kami nahihiyang ipakita ang closeness namin in public. Pero kahit close kami
hindi ko masabi ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Ang tunay na sinisigaw ng
puso ko. Ang katotohanang mahal ko ang bestfriend ko. Subalit madalas masaktan
ang puso ko kapag nagkakagirlfriend siya. Hindi namin magawa yung dati naming
ginagawa. Limitado lang ang oras na magkasama kami. At hindi na rin ako
napupuyat kakachat sa kanya. Pero walang tumatagal na relasyon kay oliver. Kaya
naman bumabalik pa rin sa dati kung ano man ang mga ginagawa namin. Iyon ang
mga bagay na lihim kong ikinatutuwa.
Matagal ko ng pinaplano na
sabihin sa kanya kung ano itong nararmdaman ko. Pero sa tuwing titingin siya sa
aikn para bang tinatapalan ang mga labi ko. Hindi ko pala kayang sabihin sa
kanya. Hanggang isang araw, nagka-girlfriend na namn siya. Balik na namn sa
datiang sitwasyon. Pero mas malala ngayon, ayaw na sa king magpakita ni Oliver
sapagkat pinagbabawalan siya ng Girlfriend niya. Wala naman akong magwa kundi
Umayon sa sitwasyon.
Para makalimot sa sakit na kahit
ako lang ang may gawa, nagpasya akong umuwi sa lola ko nang magbakasyon. Doon nakilala
ko si Dominic. Mabait si Dominic. Hindi ko maikakaila na may pagkakahawig sila
ni Oliver. Kaya naman nahulog din ang loob ko sa kanya. Hanggang isang araw, nagtapat ng pag-ibig sa
akin si Dominic. Sa una, hindi ko talaga alam kung sasagutin ko siya. Hindi
sumuko sa panliligaw si Dominic kaya naman sinagot ko siya. Akala ko magiging Masaya
ako kapag nagging kami. Pero mas naaalala ko lang ang tunay kong mahal, si
Oliver.
Alam kong mahal ako ni Dominic. Kaya
naman nagiguiltyako kapag magkasama kaming dalawa. Gusto ko na sanang sabihin
na ayaw ko na dahil hindi siya ang tunay kong mahal. Subalit may kung anong
tumutulak sa akin upang hindi gawin iyon. Nakatanggap ako ng message kay
Oliver. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa kanya. Lagi na lang ba
akong saluhan niya sa tuwing maty problema siya? Oo nga bestfriend kami, pero
bakit sa tuwing may problema siya saka lang siya nakakalala. Mabuti pa si Dominic lagging nasa tabi ko. Kahit
anong gawin ko hindi niya ako iniiwan. Hindi ako nagreply sa text ni Oliver.
siguro dahil nagtatampo ako sa kanya. Hanggang sa tumawag siya sa akin. Naawa ako
bigla sapagkat alam kong umiiyak siya. Pero anong magagwa ko nandito ako sa
probinsya. Wala.
Natapos ang bakasyon at
kailangan ko ng bumalik sa Manila. Pinutol ko na rin kung ano man ang meron sa
amin ni Dominic. Ako kasi yung taong hindi naniniwala sa “longdistance
relationship”. Sa una away bumitaw ni Dominic. Subalit natapos din sa
hiwalayan. Inaamin kong nasaktan ko si
Dominic. Inaamin ko rin na hindi ko talaga siya minahal.
Pagbalik ko sa Manila,
sinalubong agd ako ng bestfriend ko. Tuwang tuwa na para bang walang problema. Nakakapanibago
si Oliver. nagging mas close kami
matapos ng hiwlayan nila ng girlfriend niya. Hindi ko alam ang nangyari sa
kanila pero alam kong gusto ko ang hiwalayan nila. Masabi ko na kaya ang tunay
kong nararmadaman sa kanya? Paano kung hindi niya magustuhan ? paano kung
malamatan an gaming pagkakaibigan?
“Gusto kita May ann.”
Ano? Gusto lang hindi
mahal? Tama ba yung narinig ko ? gusto
daw ako ni Oliver. so pwede na maging
kami. Hindi, baka naman iba lang ang interpretasyon ko sa sinabi niya. Gusto kong
ulitin niya yung sinabi niya. Hanggang isang araw ng aming paglalakad…
“Ok lang ba kung ligawan kita?”
“Ha?”
“sabi ko, ok lang ba kung
ligawan kita?”
Handa ka bang isugal ang
friendship natin?”
“Sa totoo lang hindi eh, pero
baka manghinayang ako kapag hindi ko sinubukan”
“Noon pa naman mahal na kita eh”
“So tayo na?”
“Ligawan mo muna ako. J”
“Ha? Kailangan pa ba yun?”
“Diba tintanong mo ako kung
pwede ba magpaligaw?, edi oo sagot ko”
No comments:
Post a Comment