Minsan sa Aking Buhay
Nalaglag nanaman ang lumang dahon ng aming kalendaryo. Hudyat nanaman ng panibagong buwan. Panibagong paglalakbay sa mundong hindi mo inaasahan ang ilalatag sayo. kasabay ng paglamig ng hanging iniihip ng amihan ay ang unti unting pagyeyelo ng mga ideya sa aking isipan. Mga ideyang matagal kong prinoseso subalit naging preso. Ayaw kumawala. Tila ibong ayaw ikampay ang mga naglalakihang bagwis. Tila ilog na pinabayaan ng tao’t panahon kung kaya’t ayaw dumaloy.
Kalinga ng aking higaan ang hinanap kong solusyon upang makapagisip-isip. Kasabay ng pagkislap ng mg bituin sa kalawakan ay ang unti unting paglaho ng mga pinagdugtong-dugtong na ideya. Mga ideyang sumabay sa ihip ng hangin. Unti unti nang umusbong ang mga katanungang hindi ko inaasahan. Mga katanungang gumugulo sa isipan ko. Paano na nag aking mga isinulat? Paano na ang mga naniniwala sa akin na kayo kong maging isang magaling na manunulat?
Pinilit kong gumawa ng mga obrang maipagmamalak iko. Subalit ilang lapis na ang napurol sa pgpuno ko ng papel sa basurahan. Sobrang hirap ng sitwasyon ko. Tila isang dragon na ikinulong sa utak ko ang mga higanteng ideya na gusto kong sabihin. Ngunit pagkakataon na rin ang nagsabi na hindi ko kayang ipahayag. Tulad ng mga pandaigdigang penomernang nagaganap, tila isa rin akong biktaima ng pagtatanong ng “bakit kaya?”.
Ang sakit na ng ulo ko. Ititigil ko na ba ang kahibangang ito? Puno na ang sasakyan ng mga makata. Kailangan pa bang makisiksik ang baguhang tulad ko? Nakaialis na ang mga iniidolo kong manunulat. Kailangan ko pa ba silang habulin? Unti- unti nang nilalamon ng sakit ang ulo ko. Sa bukang liwayway na simbolo ng pag-asa, hindi ko makita ang sariling sinag ng aking pag-asa.paalam na ba lapis ko? Paalam na ba pambura ko? At paalam na ba papel ko? Higit sa lahat, paalam na ba sa pagiging manunulat ko?
Hanggang kailan ko pagtitiisan ang tinatawag nilang “writer’s block”. Binuno ko na nag sarili ko sa mga ibang bagay. Nakibagay sa mga di kabagay. Subalit sa bawat pagtibok ng puso ko ay ang pagbulong na may pag-asa sa pagsusulat. Hanggang nabasa ko ang mga obra ng paborito kong manunulat ,si “Bob Ong”. Unti unti niyang tinanggal ang kandado ng aking pag-iisip. Pinakawalan niya ang mga presong ideya sa natutulog kong isipan. Isa syang tigapagligtas ng aking buhay bilang isang manunulat.
Sinimulan ko sa mga tula. Kahit mahirap( sapagkat nagsisimula ulit ako), ipinagpatuloy ko hanggang marating ko ang dulo ng aking isipan. Nagsimula na akong gumawa ng mga kwento. Mga kwentong isinasalaysay ng aking imahinasyon. Sa dulo ng aking isipan, doon nagpupulong-pulong ang mga hilaw kong ideya.
Sa wakas, nalagpasan ko ang katakot-takot na “writer’s block”. Nagsisimula ng bagong buhay. Nagsisimula ng bagong obra. Mga obrang ako mismo ang may likha. Ang aking bagong buhay- bilang isang manunulat.
No comments:
Post a Comment