Followers

ang paglalakbay ni ino sa mapaglarong mundo

Saturday, 20 October 2012

The truth about forever saga part 5 : Reconditioning


Bakit nasa bahay na ako? Kanina lang nasa ospital lang ako . Nasaan na si Gel? Hindi ko man lang natanong kung anung ginagawa niya kanina sa ospital.  Mahirap mag isip kung ano talaga nag nangyari kanina. Lalo lang sumasakit ang ulo ko.  Himala ata, nandito sa bahay si mama. Wala ba siyang pasok ngayon ? nandito rin si papa. Bakit kumpleto ang paamilya ko ngayon? Naguguluhan ako. Anong meron. Gusto ko munang matulog. Siguro bukas ok na ulit.

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang usapan nila mama. Medyo malabo ang mga salita pero alam kong tungkol sa akin. Habang tumatagal ang usapan nila, napapansin ko na lang na tumutulo na ang luha ko. Kaya pala lagging sumasakit ang ulo dahil may sakit ako. Paano na ang mga pangarap ko? Bata pa ako para magkakanser. Ni hindi ko pa nga nasusubukang magka-girlfriend. Wala akong magawa kundi umiyak.  Sumasakit na rin puso ko. Ayaw ko ng  ganito. Kung mamamatay ako, gusto ko yung hindi na pahirapan yung mga tao sa paliigid ko.

Huminto lang ako sa pag-iyak ng pumasok ng kwarto si mama. Tinanong niya ako kung ano ang masakit sa akin. Medyo naiinis ako kasi ngayon lang siya nag-alala sa akin. Kung kelan may sakit na ako saka niya ako aalagaan. Nabibigay nga nila ang gusto ko, pero ang atensyon naman ang nila ang kulang noon. Nahalata niya siguro na medyo naiilang ako kaya naman niyakap niya na lang ako. Doon ko lang naramdaman ang yakap ng isang ina. Yakap na sana noon ko pa naranasan. Humagulgol si mama kaya wala na rin akong magawa kundi umiyak. Nagpanggap ako na hnid ko alam kung bakit siya umiiyak. Nagawa ko pa siyang tanungin kung bakit. Hindi niya magawang sagutin ang tanong ko. Alam kong iniiwasan niyang malaman ko ang katotohanan.  Nagpasya akong sabihin ang narinig kong usapan nila ni papa. Nagtapos lahat sa iyakan. Nagpasukan sa kwarto sina papa at ang nakababata kong kapatid. Nakakalungkot isipin nab aka hindi ko na maabutan ang paglaki ng kapatid ko.  Niyakap ako ng sabay ng mga magulang ko. Kahit bakas sa mukha ng kapatid ko ang pagtataka sa nangyayari ,sumali rin siya sa yakapan. Natutuwa akong nabuo an gaming pamilya ng mga oras na iyon. Hindi kasi lingid sa kaalaman ko na may konting pagtatalo sina mama at papa. Nakakalungkot isipin na kung kalian ako nagkasakit ay saka naman nabuo ang pamilya ko.

Nagbago ang lamig ng umaga ng magising ako. Tila hindi na sanay ang katawan ko sa panahon. Gusto ko sanang pumasok para man lang magpaalam sa mga kaibigan ko sa school. Pero ayaw ni mama. Nagresign na rin si mama sa trabaho para maasikaso ako ng mabuti.  Pinapunta niya ang lahat ng classmate ko sa bahy naming. Natuwa ako kasi pati yung paborito kong teacher ay pumunta din. Maraminbg nalungkot sa angyari sa akin. Kabaliktaran ang nararamdaman ko sapagkat nakita ko na naman si Gel. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Tinanong ko na siya kung ano ang ginagawa niya sa ospital nun araw na iyon. Laking gulat ko ng malam ko na siya pala ang nagdala sa akin doon. Sa tulong ng dalawa kong schoolmate  nadala nila ako sa ospital. Hindi lang yun ang gusto kong tanungin. Gusto ko ring tanungin kung nabasa niya ba yung tulang ginawa ko.

Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, umalis siya. Ang gulo naman niya. Sa totoo lang nalungkot ako sa ginawa niya. Pero naisip kong may boyfriend pala siya. Siguro ginagawa nbiya lang yun dahil ayaw niya masaktan yung boyfriend niya.  Hindi nagtagal ay nag alisan na ang mga classmate ko kasama ang paborito kong teacher. Hndi ko man lang nagpaalam sa akin si Gel. Nagalit ata sa tanong ko. Pero tanong lang naman yun. Bakit ganun siya maka react?

May inabot sa aking sulat si mama. Hindi ko na nagawangbasahin sapagkat sumasakit na naman ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog ng gabing iyon. Nagising ako sa isang text. Bago ko binasa yung message, nagpasalamat muna ako sa Diyos sapagkat nagising pa ako ng araw na iyon.

*one message received*

>>:  nabsa mo ba yung sulat na bingay ko sa mama mo?


Kay Gel pala yung sulat na iyon. Agad kong kinuha yung sulat kay mama. Hindi ko na ngawang sautin yung text niya sa akin. Kahit isang sentence lang yung nakasulat pakiramdam ko gumaling ako sa sakit ko.

“Pwede ba kitang alagaan?”

No comments:

Post a Comment