Positive!
Agad tumulo ang luha sa mga
namumugtong mata ni Lotay. Hindi niya inakalang magkakabunga ang isang gabing
pagkakamali nila ni Marvin. iniisip niya ang kahihiyang dala nito. Alam niyang
hindi pa siya handang maging isang ina. Disi-otso anyos pa lang si lotay at
marami pa siyang pangarap na nais niyang matupad. Ngunit ang libro ng kanyang
pagkadalaga ay tuluyan ng nagsara. Hudyat na ng panibagong kabanata sa kanyang
buhay. Walang siyang magawa kundi umiyak. Hindi niya masabi sa kanyang ina lalo
na’t may sakit ito. Hindi niya rin maasahan ang kanyang ama na laging nasa
pasugalan. Walang masabihan ng problema si Lotay. Ang tanging pag-asa niya lang
ay si Marvin.
Buntis ka?
Puro sampal
ang inabot ni lotay sa kanyang ama na kakatalo pa lang sa sugal. Hnidi nito
matanggap na ang anak ng karibal niya sa
sugal ang nakabuntis dito. Kahit nilalamon na ng galit ang buong pagkatao ni
Mang Roberto, hindi niya pa ring maiwasang lumuha sa sinapit ng kanyang
kaisa-isang anak. Matapos ang mala teleseryeng paghaharap ng mag-ama, agad- agad sinugod ni Mang Roberto
ang bahay ng kasintahan ni Lotay. Hindi niya alintana ang kung sinu-sino na ang
nanunuod sa kanila. Para namang nakalibre ng sine ang mga taong nakapaligid.
Unti- unti ng lumuluwang ang kalye
ng mahimasmasan ang dalawang kampo. Tapos
na ang panandaliang palabas. Subalit ang hinanakit ni Lotay ay unti –unti nang
uuusbong. Hindi pinanagutan ni Marvin ang kanyang dinadala. Malakas ang
paniniwala niya na hnidi sa kanya ang bata. Agad naman pinagtanggol ng kanyang
ama. Sa bandang huli, umuwing walang napala ang mag- ama.
Lagpas hanggang langit ang galit ng
ama ni Lotay. Upang mahimasmasan dumiretso siya ng pasugalan at pinauwi ang
anak na tila ba nasisiraan na ng bait. Nang makauwi ng bahay si Lotay, hindi
niya mapigilang umiyak ng makita ang inang hapong- hapo dahil sa karamdaman. Mabilis
niyang niyakap ang kanyang ina at humingi ng kapatawaran. Bakas naman sa mukha ni Aling Salve ang
pagtataka sa ginagawa ng kanyang anak. Ikimuwento ni Lotay ang lahat sa kanyang
ina. At ang kwentuhan ay nagtapos sa iyakan.
Malamlam na ang sikat ng araw. hudyat
na na magsisimula na ang gabi. Habang umiihip ang hangin ng Oktubre, tinatangay
nito ang lahat ng masasayang alaala nila ni Marvin. Napagtanto niya na ito’y
walang bayag. Hindi marunong umako ng responsibiblidad. Sa kalagitnaan ng pag –iisip, bumuhos ang
malakas na ulan. Tila nakikisimpatya sa problemang kinahaharap niya.
Panibagong umaga. Nabuo na sa
isipan niya na mag-isa na lang siyang haharap sa problemang silang dalawa ni
Marvin ang gmay gawa. Hindi niya alam kung ano ang bukas na haharapin niya. ang
tanging nagpapalakas sa kanya ay ang katotohanang magkakaanghel na siya.
Habang nasa sinapupunan ni Lotay
ang Anak nila ni Marvin, tila Tren namang rumagasa ang mga nagdatingang
problema. Hindi na nakayana ng katawan ni Aling Salve ang malubhang sakit kung
kaya’t tuluyan na itong bumigay. Hindi pa nagpapalit ng taon, nabaril naman sa
pasugalan ang kanyang sugarol na ama. Mag-isa na lamang siyang haharap sa
lipunang mapanghusga.
Mabilis maglayag ang panahon. Natapos
na ang siyam na buwang paghihintay niya. Lalaki ang isinilang niya. laking
gulat niya na malaki ang hawig nito kay Marvin. Hindi maikakaila na si Marvin
nga ang ama nito. Subalit hindi na papayagan ni Lotay na makita pa ni Marvin
ang kanyang anak. Ang lahat ng problemang dal- dal niya ay tila ba naglaho ng
isilang niya ang kanyang anak. Kahit siya lang ang bumuhay dito ay ayos lang sa
kanya. Hindi niya namamalayan na siya’y
napapaluha na.
No comments:
Post a Comment