Followers

ang paglalakbay ni ino sa mapaglarong mundo

Saturday, 20 October 2012

The truth about forever saga part 6: Endearment




Aalagaan niya daw ako. Totoo ba yun? May sakit ako pero hindi naman ako bulag. Tama naman yung nabasa ko. Ewan ko, pero parang ang awkward naman. Paano na yung boyfriend niya? Sila pa ba? Haay! Andami kong tanong. Paro kung aalagaan niya ako edi masaya. Magkakaroon kami ng quality time.Makatulog na nga lang. bukas ko na lang poproblemahin ito. Sana bukas ok na ang lahat.

Wahh! Aray! Mama ang sakit ng ulo ko! Tulong.!

Nagising ako dahil sobrang sakit ng ulo ko. Nataranta naman si mama sa pagpunta sa kwarto. Medyo nawala ang sakit ng makainom na ako ng gamot. Parang ang hina-hina ko na talaga. Napapikit na lang ako sa sitwasyonh ko na alam kong himdi ko matatakasan. Gusto ko pang mabuhay ng matagal.
“ may masakit pa ba sayo?”
Hindi ko alam kung ididlat ko ang mata ko sa tanong na iyon. Alam kong hindi galing kay mama ang iyon. Iba ang boses na rumehistro sa tenga ko. Boses ni Gel.  Unti- unti kong iminulat ang aking mata at tumambad sa akin ang maganda niyang mukha. Heto na ba yung sinasabi niyang aalagaan ako?  Hindi ko naman talaga alam kung seryoso siya o baka naman ginugudtaym niya lang ako. Pero kung totoo nga, edi ayos!  Nagawa ko pang tanungin siya kung ano ang ginagawa niya sa bahay namin. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya, ibang iba ang pakiramdam ko. para bang ang gaan sa puso. Naisip ko nga na baka si Gel ang gamot ko.

“ tinext kita kagabi pero hindi ka naman nagreply”

“ sorry , pero nabasa ko yung sulat mo?”

“ papayag ka ba?”

“oo naman, para mabilis ako gumaling”

“Simula ngayon ako na ang personal  nurse mo”

“Paano yung boyfriend mo? Baka magselos”

“Break na kami”

“ Bakit naman?”

“ May mahal kasi akong iba”

“ Sino?”

“ Wag na lang baka kasi hindi na rin pwede”

“Bakit hindi pwede?”

“Andami mong tanong, saglit kukuha lang kita ng pagkain”

“ hindi mo masisisi ang sitwasyon kung hindi kayo pwede, sa bandang huli baka sarili mo ang sisihin mo kasi hindi mo sinubukang sabihin sa kanya na mahal mo siya.”

Hnidi ko talaga alam kung bakit ko nasabi iyon. Ang lakas lang talaga ng pakiramdam ko na ako yung tinutukoy niya. Matapos kung sabihin iyon sa kaya para bang nabigla siya. Kung ako nga talaga yung tinutukoy niya,  hindi ko rin siya masisisi dahil sa kalagayan ko.  sino ba naman kasi ang magmamahal sa malapit nang mamatay. Masasayang lang ang lahat. Habang pinagdudugtong-dugtong ko ang mga ideyang pumapasok sa isip ko, hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Gel.

“ Yung mama mo na lang daw magdadala ng pagkain dito, hindi p kasi luto eh”

“Gel, bakit gusto mo kong alagaan?”

“ ha? Ah eh, kasi gusto kita Jerome“

Gusto niya daw ako. Totoo ba yun? Ang linaw linaw naman ng pandining ko. ang sabi niya gusto niya daw ako. Pero bakit ngayon nga lang? nakakainis talaga. Pwede pa ba?

“ Gusto mo ko? eh mamatay na nga ako “

“ kaya nga kita aalagaan eh, gusto ko humaba pa buhay mo”

“ Huwag na lang ako Gel,  marami pang iba diyan”

“akala ko ba gusto mo ko?”

“ gusto kita pero-“

“pero ano” kasi may sakit ka? Ok lang naman sa akin yun”

“ imposible talaga ang gusto mo Gel”

“Marami  ng kwento ng pag-ibig ang kaya mong hulaan ang patutunguhan.  Kung saan papunta.pero alam mo kung ano ang nakakamangha? Yung sinubukan ,kasi mas kaya nating makita ang mapait na ending kaysa sa msanghinayang dahil hindi sinubukan”

Ang ganda naman ng sinabi ni Gel.  Nalaman kong mahal niya rin ako. Hindi naman porket mamamatay ako  hindi na ako pwedeng magka lovelife. Sige susubukan ko, para naman may mabaon ako sa kabilang buhay. Nakakatawa naman, kung kailan nasa hulung sandali na ako ng buhay ko saka pa kukulay ng ganito. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko o ang ibang tao. Pero ang mahalaga gumaan ang pakiramdam ko.

“ kung kaya mong mahalin ang isang tao kahit alam mong huli na. sino ba naman ako para hindi ka mahalin”

No comments:

Post a Comment