Followers

ang paglalakbay ni ino sa mapaglarong mundo

Thursday, 27 September 2012

Kung Bakit Ako Nagsusulat



 Madalas kong matagpuan ang sarili ko na nakaupo sa mesa. Nakayuko at hawak hawak ang paborito kong panulat- ang lapis. Mabilis na sinasalin ang laman ng utak sa likod ng photocopy ng hindi pa nababasang aralin. Madalas ko ring makita ang sarili ko sa ibang mundo. Ito’y sa pamamagitan ng libro. Libro ang kumukumpleto sa mundo ng aking imahinasyon. Parang puto ng aking dinuguan, bagoong ng aking kare kare at kung anu ano pa. Batid ng buo kong sistema na mabilis magproseso ang mga ideya sa akin sa pagsapit ng kadiliman. Ang bagay na iyon ay nananatiling misteryo pa rin mag pa sa hanggang ngayon. Madalas ko rin makita ang sarili kong humahanga sa gawa ng iba. Matagal pa nga siguro ang aking lalakbayin para makasunod sa kanila. Malayo pa ang hinaharap na magkakaroon ako ng sariling libro sa mga estante ng iba’t ibang bookstore. 

Elementary pa lang ako ay mahilig na akong magsulat ng kung anu- ano. Mga bagay na hindi  napag-uusapan, sa papel ko na lang dinadaan. Nawala ang hilig ko nang tumuntong ako ng high school. Iba na anyo ng mga tao sa aking paraisong binuo. Iyon ang nagpawalang gana upang ipursige ko ang pagsusulat. Salamat na lang at sinalba ako ng pagiging futuristic ko. Bigla nalang lumundag sa aking magulong isipan ang isang bagay. Bagay na magbabalik sa akin sa dapat kong kalagyan- ang pagsusulat.


Binalak kong hindi na sana magpatuloy sa kolehiyo. Sapagkat gusto ko sanang magtrabaho na lamang. Hanggang maisip ko na hindi ko maisasakatuparan ang pangarap kong magkalibro kung susuko na ako. Hindi pa nga nagsisimula ang laban, talon na ako. Muling dumaloy ang dugo ng makatang nanalantay sa aking mga ugat. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral at pagsusulat.


Ngunit bakit nga ba sa pagsusulat ako luminya?


Marahil kayo ay nagtataka. Tinatanong kung ano nga ba ang alam ko sa pagsusulat. Marahil ay sinusukat ang kakayahan ko sa larangang ito. Hanggang saan ba ang kakayahan kong usigin ang kamalian ng lipunan? Gumawa ng komentaryo at isigaw ang nararamdaman?( taray. hahah)


Ang pagsusulat ay walang pinipilng panahon at edad. Nagsusulat ako upang makawala ang sinisigaw ng aking kaluluwang makata. Ang pagsusulat ay wala ring pinipiling sitwasyon. Papel at purol na lapis man, maipapahayag ko na ang gusto ko. At higit sa lahat, nagsusulat ako para pumukaw ng natutulog o kahit nagtutulog-tulugang puso. Wal akong paki alam kung kasing haba man ng Macbeth ni pareng Shakespeare o sing ikli ng kwentong barbero ni Juan ang sinusulat ko. Ang mahalaga ito’y may sarilng puso. at ito'y akin.


Yan ang dahilan ko kung bakit ako nagsusulat. At yan ang tinuro sa akin ng pagsusulat.

No comments:

Post a Comment