Minsan may isang makatang bubulong- bulong
Mga napiling salita’y pinagdugtong- dugtong
Sa sobrang talinghaga’y inakala’y bugtong
Mga salita’y hindi maabot ng mga gunggong
Kaya naman kanilang buhay ay tila kaning tutong
Minsan may isang makatang iiling- iling
Mga tugma niya’y nagkapaling –paling
Tula niya’y tila kamay na walang singsing
Agad lumapit sa diyosa’t humiling
Tugma niya’y biglang sumakto na parang gumigiling
Minsan may isang makatang hahabol- habol
Sa ideya ng kanyang isipan na bagong sibol
Mga kamay niya tuloy tila nagtatambol
Pati sulat niya tila’y nagkarambol
Makasabay lang sa ideyang nagdidribol
Minsan may isang makatang iiyak- iyak
Pusong iningat- ingata’y biglang biniyak
Buhay pag-ibig niya ngayo’y hindi na tiyak
Gumawa na lang ng tula sa papel na payak
Nias makalimot sa mundong nakagayak
Sa huli’y ang makata’y tuwang- tuwa
Napurol man ang lapis sa tulang ginawa
Puso’y naghilom na’t ‘di na kawawa
Lahat ay humalakhak pati mga timawa

No comments:
Post a Comment