Followers

ang paglalakbay ni ino sa mapaglarong mundo

Wednesday, 26 September 2012

Tabas ng Nakaraan


Kasabay ng pagyakap ng malamig na hanging amihan
Puso’t isipan ko’y ikaw ang binabalik-balikan
Mga alaala mong sa daigdig ko’y nagpapabigat
Nagpapadagdag ng hinanakit na para bang tinamaan ng habagat

Matamis na nakaraang alam kong hindi pa natutuldukan
Kung kaya sa paggising sa umaga’y puro katanungan
Sakit ng puso’y dala ng buong katawan
Mga bugbog at pasa nito’y sa iyak nalang dinadaan nang mahimasmasan

Pag-ibig natin nuo’y tila apoy na di maapula
Ngunit ngayo’y para ng kaluluwang pagala-gala
Binabalik-balikan ang matatamis na nagdaan
Nakaraan na unti- unti ring naglalaho sa kawalan

Hindi ko na maibabalik ang nasimulan
Ngunit pagbabago’y dapat ng umpisahan
Tapusi n na ang pagluha na tila kabaliwan
Umpisahan ang buhay sa  nagbabagong lipunan

Ako pari’y naniniwala sa tunay na pag-ibig sa bandang huli
Pag-ibig na alam kong hindi nabibili
Kung kaya’t ako’y tataya muli
At ang nais ko lamang na sana’y ito’y may sukli


No comments:

Post a Comment