Ilang tupa pa ba ang aking bibilangin
para lang dalawin ng antok? Ilang math problems pa ba ang sasagutan para lang
sumakit ang ulo at ng tuluyan ng makatulog? Sumisigaw na ang matinis na boses
ng katahimikan. Subalit ang diwa ko’y patuloy pa ring nakikipagsapalaran sa
mundo ng imahinasyon. Bigla ko na lang naisip ang pilosopong tanong na ilang
taon ng binanalik- balikan. Katanungang humihingi ng kasagutan.
Kung mamamatay ka bukas, ano’ng gagawin mo ngayon?
Noon, ang nais ko lang ay magpasaya
ng taong nalulumbay. Kumain ng masasarap
at maglaro ng maglaro. Subalit nagbago ang aking pananaw ng hindi inaasahan. Kaya’t bumalik sa tanong ng hindi namamalayan.
Bumuo sa utak ko ang dapat na kasagutan. Bilang isang manlalakbay sa mundong
hinahaluan ng kulay at misteryo, hindi sapat ang mga naisip ko upang ako’y
tawaging “tao”.
Iilan na rin ang natanungan ko sa
paksang ito. Ang sabi ng ilan kong kakilala, gusto nilang magpasalamat sa lahat
ng taong naging parte ng kanilang buhay. Ngunit hihintayin mo pa ba ang huling
araw upang ika’y magpasalamat? Hindi pa ba sapat ang mga araw na inalagi mo sa
mundong ibabaw para magpasalamat? Pasensya na, pero para sa akin hindi valid
ang kasagutang ito. ang sabi ng isa, gusto niyang pumunta sa lugar na
inaasam-asam niya at kainin ang mga pagkaing kinatatakaman niya. Hindi rin
realistic ang gusto niyang mangyari. Paano niya mapupuntahan ang isang lugar
kung isang araw na lang ang nakalaan sa kanya? Malamang sa malamang nasa byahe palang patay
na siya. Dagdag pa niya, gusto niyang sabihin ang isang bagay sa taong mahal
niya. Anak ng ****. Mawawalan din ng silbi iyon ,sapagkat siya’y mawawala na
kinabukasan. Sa uulitin, pasensya na. hindi rin valid ang kanyang kasagutan. Dagdag
pa ng isa, gagawin niya ang mga bagay na magpapasaya sa kanya. Hindi ko malubos
maisip kung pansariling kapakanan niya lang ba ang iniisip niya. Bingiyan tayo
ng maraming, maraming, at maraming araw para magsaya. Magiging masaya ka pa ba kung alam mong mawawala
ka na kinabukasan? Malamang buong araw mo lang iisipin ang iyong kamatayan. Isa pang nakakalungkot
na sagot ay nanggaling rin sa aking kaibigan. Ang sabi niya ay magsosorry siya
sa lahat ng nagawan niya ng kasalanan. Nakakalungkot isipin na hihintayin niya
pa ang nalalabing sandali ng kanyang buhay para lang magpatawad.
Hindi ako mayaman, kaya hindi ko na
hihilinging makapunta sa mga lugar na gusto kong marating. Hindi ko na rin
aasaming makain ang mga pagkaing katakam-takam. Tulad ng isang makata kong
kaibibgan, mas pipiliin ko na lang mamatay katabi ng purol kong lapis. Magsusulat
at magsusulat hanggang abutin ng kinabukasan. Isusulat ko ang lahat ng
hinanakit ko sa mundong aking giangalawan. Gagawin ko iyon upang hindi na
madala saan man mapunta. Mahirap magsisi sa huli, lalo na sa bagay na alam mong
dapat ginawa mo na- noon pa.
Bilang pagtatapos, ipagpaumanhin
niyo ang aking kapangahasan. Tayo’y may kanya- kanyang kalayaan na ipahayag ang
saloobin. Ito’y isang katanungan lamang na malakas ang hatak kanino man. Dahil hanggang
ngayon, hindi natin alam kung magagawa ba natin ang mga bagay na pinaplano
natin. Minsan, ang plano ay nanatiling plano lang.
Kung ikaw ang tatanungin,
Magiisip ka na ba ng tama ?
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteKung mamamatay ako bukas? isasama na kita.. :DD..
ReplyDeleteKung mamatay ako bukas.. hindi magbabago.. magpapasalamat pa rin ako.. yun na kasi yung madalas kong gawin eh kaya yun na rin yung LAST.. :D.. the usual thing the better.. para wala masyadong IMPACT!! XD magsulat? hindi yun ang talent ko.. alam mong hindi kaganong kadali na magpasalamat kung wala ka pang lakas ng loob na sabihin yun.. ahahahaha.. ang adik lang.. lakas mak-DEFENSIL!! XD