“To read is to fly: it is to soar to a point of vantage which gives a view over wide terrains of history, human variety, ideas, shared experience and the fruits of many inquiries.” - A C Grayling
Monday, 22 October 2012
The Truth About Forever saga part 8 :The Restitution
Kung hnidi pa ako nagkasakit hindi pa ako makakarating ditto sa London. Kahit pala ganito ang kalagayan ko eh may maganda rin pa lang kakambal. Naalala kona matagal na naming plinano ang pagbabakasyon ditto. Hnidi lang matuloy kasi nga nagging busy sina mama at papa. Nasundsan pa ng pag-aaway nila. At least ngaun natuloy na. Ang ganda dito sa London. Ibang- iba sa mga nakikita ko sa magazine. Iba rin ang hangin. Ang ganda pa ng paligid. Kahit saan ako lumingon napapanganga ako sa ganda ng mga lugar. Aray! Sumsakit na naman ang ulo ko. Aray! Araaayyy!
Bogs!
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Medyo Malabo ang lahat. Ang naalala ko na lang eh sinugod ako dito sa George Elliot Hospital. Naalala ko rin kung paano magpanic si mama. Sigaw ako ng sigaw sa sobrang sakit ng ulo kopero wala akong magawa. Siguro nga hanggang dito na lang ako. Tuluyan ng magsasara ang libro ko.
“anak! “
Ma? Bakit ka umiiyak? Huwag ka nang magalala, ok na ako. Tingnan mo ang lakas ko na. wala na akong sakit. Magaling na ako. Bakit hindi tumitigil sa pag-iyak si mama? Bakit parang hindi niya ko nakikita? Teka lang, kaluluwa na lang ba ako? Ako yung nakahiga. Hindi ako pwedeng magkamali ,ako yun. Hindii! Bakit hindi ako makabalik. Parang ang unfair, katawan ko yun pero hindi ko magamit. Waah! Nananaginip lang ata ako. Pero parang totoo. Totoo nga, spirit na lang ako.
“I’m sorry but your son is in state of coma”
No! hindi pwede to. Paano ko sasabihin na andito ako sa tabi nila. Bakti kasi hindi ako makapaok sa katawan ko. Saan ako pupunta ngayon? Isa na lang akong kaluluwang ligaw. Eh kung bumalik na lang kaya ako sa Pilipinas. Ayos yun libre pamasahe. Sino naman uuwian ko sa Pilipinas? Si Gel? Eh wala na nga kami nun eh. Basta gusto kong umuwi . wala na akong paki kung ano man ang mangyayari.
The truth about forever saga part 7:Estrangement
Ang sarap ng pakiramdam. May girl
friend na ako. Yahoo! Hanggang kailan kaya to? Alam ko namang hindi
pangmatagalan ito. Pero umaasa pa rin ako na maaring mabago ang lahat. Marami na
akong napanood na love between life and death ang drama ng buhay. Sana lang parehas kami ng ending, happily ever
after. Sana talaga gumaling ako.
“sabi ng mama mo sa London ka daw
niya ipapagamot.”
Ano? Tatlong araw pa nga lang kami
ng Gel ko tapos ending agad? Ang saklap
naman. Ayokong umalis. Ayokong iwan si Gel. Siya na nga lang nagpapalakas sa
akin. Paano kung mamatay ako dahil wala siya sa tabi ko? Hindi man lang ako
makakapagpaalam. Ayoko talaga. pero kung hindi naman ako magpapagamot, mas lalong
hindi ko na takaga makikita si Gel habambuhay.
“Ayoko nga sana, pero –“
“pero ano? Dahil sa akin?”
“oo, ayokong iwan ka, alam mo
namang maha na mahal kital ”
“kung mahal mo ako , magpapagamot ka”
“mahihintay mo ba ako?”
“oo naman”
“paano kung hindi na ako makabalik?
Paano kung doon ako mamamatay?”
“hindi ka mamamatay sapagkat pati
puso ko tumutibok para sayo”
“huwag masasaktan ka lang”
“hindi Jerome. Mas masasaktan ako
kapag hindi mo sinubukang magpagamot.”
“babalik ako para sayo”
“ maghihintay ako”
Habang tmatakbo ang panahon katawan
ko namay para bang kinakain ng aking karamdaman. Nagpasya sina mama na sa
London na ako magpagamot. Hindi ko alam talaga kung papayag ako sa una. Pero sa
huli, pumayag ako dahil kay Gel at para na rin sa mga magulang ko. Naniniwala ako
na darating ang araw na babalik ako na hindi isang malamig na bangkay kundi
isang masiglang Jerome.
“mamimiss kita”
“ikaw din., alagaan mo sarili mo
ha?’
“para sayo, pasensya ka na pa la
kung yung boyfriend mo hindi ka maalagaan”
“
hindi mo naman kailangan gawin yun eh. Bumalik ka ha?
“oo naman, sabi mo eh”
Nakakalungkot naman iiwan ko na si
Gel. Mahirap sa akin ito pero doon din naman tutungo ito. Sana tama yung
magiging desisyon ko. Desisyon na hindi ko pa alam kung pagsisisihan ko sa
takdang panahon. Panahon na lang ang magtatakda sa aming dalawa. The best art
in this world is the art of letting go.
“hindi ko alam kasi kung
makakabalik pa ako”
“ano ka ba? Makakbalik ka”
“Gel, gusto ko sanamag tuldukan
muna natin kung ano man ang meron tayo. Alam kong mahirap pero mas mahirap kung
mawawala ako na walang closure sa ating dalawa.”
“ ayoko sanag pumayag pero tama ka.
Siguro nga maling time ang love natin. Pero bumalik ka ha? Bska kasi sa pagbalik
mo ,yung perfect time nating dalawa.”
“kung hindi naman, baka sa heaven
ang perfect place natin”
“nakakainis ka”
“huwag ka nag umiyak” pwede ba
kitang halikan?
“bakit naman?”
“para may bauinin ako sa London”
“pwede rin ba kitang halikan?”
“oh bakit?”
“para may iwanan ka rin dito”
“mwah!”
Single na namn ulit ako. Sabi naman
daw nila nasa uso yun. Edi nasa uso na ulit ako. Alam kong tama yung ginawa ko.
Ayokong magsisi dahil ginawa ko ang bagay
na iyon. Gusto kong magpagaling para
maibalik ko ang nawala sa amin. London here I am!
Saturday, 20 October 2012
The truth about forever saga part 6: Endearment
Aalagaan niya daw ako. Totoo ba
yun? May sakit ako pero hindi naman ako bulag. Tama naman yung nabasa ko. Ewan ko,
pero parang ang awkward naman. Paano na yung boyfriend niya? Sila pa ba? Haay! Andami
kong tanong. Paro kung aalagaan niya ako edi masaya. Magkakaroon kami ng
quality time.Makatulog na nga lang. bukas ko na lang poproblemahin ito. Sana bukas
ok na ang lahat.
Wahh! Aray! Mama ang sakit ng ulo
ko! Tulong.!
Nagising ako dahil sobrang sakit ng
ulo ko. Nataranta naman si mama sa pagpunta sa kwarto. Medyo nawala ang sakit
ng makainom na ako ng gamot. Parang ang hina-hina ko na talaga. Napapikit na
lang ako sa sitwasyonh ko na alam kong himdi ko matatakasan. Gusto ko pang
mabuhay ng matagal.
“ may masakit pa ba sayo?”
Hindi ko alam kung ididlat ko ang
mata ko sa tanong na iyon. Alam kong hindi galing kay mama ang iyon. Iba ang
boses na rumehistro sa tenga ko. Boses ni Gel. Unti- unti kong iminulat ang aking mata at
tumambad sa akin ang maganda niyang mukha. Heto na ba yung sinasabi niyang
aalagaan ako? Hindi ko naman talaga alam
kung seryoso siya o baka naman ginugudtaym niya lang ako. Pero kung totoo nga,
edi ayos! Nagawa ko pang tanungin siya
kung ano ang ginagawa niya sa bahay namin. Habang pinagmamasdan ko ang mukha
niya, ibang iba ang pakiramdam ko. para bang ang gaan sa puso. Naisip ko nga na
baka si Gel ang gamot ko.
“ tinext kita kagabi pero hindi ka
naman nagreply”
“ sorry , pero nabasa ko yung sulat
mo?”
“ papayag ka ba?”
“oo naman, para mabilis ako
gumaling”
“Simula ngayon ako na ang personal nurse mo”
“Paano yung boyfriend mo? Baka magselos”
“Break na kami”
“ Bakit naman?”
“ May mahal kasi akong iba”
“ Sino?”
“ Wag na lang baka kasi hindi na
rin pwede”
“Bakit hindi pwede?”
“Andami mong tanong, saglit kukuha
lang kita ng pagkain”
“ hindi mo masisisi ang sitwasyon
kung hindi kayo pwede, sa bandang huli baka sarili mo ang sisihin mo kasi hindi
mo sinubukang sabihin sa kanya na mahal mo siya.”
Hnidi ko talaga alam kung bakit ko
nasabi iyon. Ang lakas lang talaga ng pakiramdam ko na ako yung tinutukoy niya.
Matapos kung sabihin iyon sa kaya para bang nabigla siya. Kung ako nga talaga
yung tinutukoy niya, hindi ko rin siya
masisisi dahil sa kalagayan ko. sino ba
naman kasi ang magmamahal sa malapit nang mamatay. Masasayang lang ang lahat. Habang
pinagdudugtong-dugtong ko ang mga ideyang pumapasok sa isip ko, hindi ko
namalayan na katabi ko na pala si Gel.
“ Yung mama mo na lang daw
magdadala ng pagkain dito, hindi p kasi luto eh”
“Gel, bakit gusto mo kong alagaan?”
“ ha? Ah eh, kasi gusto kita Jerome“
Gusto niya daw ako. Totoo ba yun? Ang
linaw linaw naman ng pandining ko. ang sabi niya gusto niya daw ako. Pero bakit
ngayon nga lang? nakakainis talaga. Pwede pa ba?
“ Gusto mo ko? eh mamatay na nga
ako “
“ kaya nga kita aalagaan eh, gusto
ko humaba pa buhay mo”
“ Huwag na lang ako Gel, marami pang iba diyan”
“akala ko ba gusto mo ko?”
“ gusto kita pero-“
“pero ano” kasi may sakit ka? Ok lang
naman sa akin yun”
“ imposible talaga ang gusto mo Gel”
“Marami ng kwento ng pag-ibig ang kaya mong hulaan ang
patutunguhan. Kung saan papunta.pero
alam mo kung ano ang nakakamangha? Yung sinubukan ,kasi mas kaya nating makita
ang mapait na ending kaysa sa msanghinayang dahil hindi sinubukan”
Ang ganda naman ng sinabi ni Gel. Nalaman kong mahal niya rin ako. Hindi naman
porket mamamatay ako hindi na ako
pwedeng magka lovelife. Sige susubukan ko, para naman may mabaon ako sa
kabilang buhay. Nakakatawa naman, kung kailan nasa hulung sandali na ako ng
buhay ko saka pa kukulay ng ganito. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko o ang
ibang tao. Pero ang mahalaga gumaan ang pakiramdam ko.
“ kung kaya mong mahalin ang isang
tao kahit alam mong huli na. sino ba naman ako para hindi ka mahalin”
The truth about forever saga part 5 : Reconditioning
Bakit nasa
bahay na ako? Kanina lang nasa ospital lang ako . Nasaan na si Gel? Hindi ko
man lang natanong kung anung ginagawa niya kanina sa ospital. Mahirap mag isip kung ano talaga nag nangyari
kanina. Lalo lang sumasakit ang ulo ko. Himala
ata, nandito sa bahay si mama. Wala ba siyang pasok ngayon ? nandito rin si
papa. Bakit kumpleto ang paamilya ko ngayon? Naguguluhan ako. Anong meron. Gusto
ko munang matulog. Siguro bukas ok na ulit.
Naalimpungatan
ako ng marinig ko ang usapan nila mama. Medyo malabo ang mga salita pero alam
kong tungkol sa akin. Habang tumatagal ang usapan nila, napapansin ko na lang
na tumutulo na ang luha ko. Kaya pala lagging sumasakit ang ulo dahil may sakit
ako. Paano na ang mga pangarap ko? Bata pa ako para magkakanser. Ni hindi ko pa
nga nasusubukang magka-girlfriend. Wala akong magawa kundi umiyak. Sumasakit na rin puso ko. Ayaw ko ng ganito. Kung mamamatay ako, gusto ko yung
hindi na pahirapan yung mga tao sa paliigid ko.
Huminto lang
ako sa pag-iyak ng pumasok ng kwarto si mama. Tinanong niya ako kung ano ang
masakit sa akin. Medyo naiinis ako kasi ngayon lang siya nag-alala sa akin. Kung
kelan may sakit na ako saka niya ako aalagaan. Nabibigay nga nila ang gusto ko,
pero ang atensyon naman ang nila ang kulang noon. Nahalata niya siguro na medyo
naiilang ako kaya naman niyakap niya na lang ako. Doon ko lang naramdaman ang
yakap ng isang ina. Yakap na sana noon ko pa naranasan. Humagulgol si mama kaya
wala na rin akong magawa kundi umiyak. Nagpanggap ako na hnid ko alam kung
bakit siya umiiyak. Nagawa ko pa siyang tanungin kung bakit. Hindi niya
magawang sagutin ang tanong ko. Alam kong iniiwasan niyang malaman ko ang
katotohanan. Nagpasya akong sabihin ang
narinig kong usapan nila ni papa. Nagtapos lahat sa iyakan. Nagpasukan sa
kwarto sina papa at ang nakababata kong kapatid. Nakakalungkot isipin nab aka hindi
ko na maabutan ang paglaki ng kapatid ko. Niyakap ako ng sabay ng mga magulang ko. Kahit
bakas sa mukha ng kapatid ko ang pagtataka sa nangyayari ,sumali rin siya sa
yakapan. Natutuwa akong nabuo an gaming pamilya ng mga oras na iyon. Hindi kasi
lingid sa kaalaman ko na may konting pagtatalo sina mama at papa. Nakakalungkot
isipin na kung kalian ako nagkasakit ay saka naman nabuo ang pamilya ko.
Nagbago ang
lamig ng umaga ng magising ako. Tila hindi na sanay ang katawan ko sa panahon. Gusto
ko sanang pumasok para man lang magpaalam sa mga kaibigan ko sa school. Pero ayaw
ni mama. Nagresign na rin si mama sa trabaho para maasikaso ako ng mabuti. Pinapunta niya ang lahat ng classmate ko sa
bahy naming. Natuwa ako kasi pati yung paborito kong teacher ay pumunta din. Maraminbg
nalungkot sa angyari sa akin. Kabaliktaran ang nararamdaman ko sapagkat nakita
ko na naman si Gel. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Tinanong ko na siya
kung ano ang ginagawa niya sa ospital nun araw na iyon. Laking gulat ko ng
malam ko na siya pala ang nagdala sa akin doon. Sa tulong ng dalawa kong
schoolmate nadala nila ako sa ospital. Hindi
lang yun ang gusto kong tanungin. Gusto ko ring tanungin kung nabasa niya ba
yung tulang ginawa ko.
Sa halip na
sagutin niya ang tanong ko, umalis siya. Ang gulo naman niya. Sa totoo lang
nalungkot ako sa ginawa niya. Pero naisip kong may boyfriend pala siya. Siguro ginagawa
nbiya lang yun dahil ayaw niya masaktan yung boyfriend niya. Hindi nagtagal ay nag alisan na ang mga
classmate ko kasama ang paborito kong teacher. Hndi ko man lang nagpaalam sa
akin si Gel. Nagalit ata sa tanong ko. Pero tanong lang naman yun. Bakit ganun
siya maka react?
May inabot
sa aking sulat si mama. Hindi ko na nagawangbasahin sapagkat sumasakit na naman
ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog ng gabing iyon. Nagising
ako sa isang text. Bago ko binasa yung message, nagpasalamat muna ako sa Diyos sapagkat
nagising pa ako ng araw na iyon.
*one message
received*
>>: nabsa mo ba yung sulat na bingay ko sa mama
mo?
Kay Gel pala
yung sulat na iyon. Agad kong kinuha yung sulat kay mama. Hindi ko na ngawang
sautin yung text niya sa akin. Kahit isang sentence lang yung nakasulat
pakiramdam ko gumaling ako sa sakit ko.
“Pwede ba
kitang alagaan?”
Friday, 19 October 2012
Seatmate
Nasa kalagitnaan ng pagtuturo si ma’am
ng maisipan kong gumawa ng isang sulat. Sa una ay nahihirapan pa ako sapagkat
pati yata sa sulat ay nahihiya akong ipadama kung ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi
pa rin tapos ng magturo si maa’m. Mabuti
na lamang at natapos ko na rin ang aking sulat. Agad kong tiniklop ang sulat na pakorteng
puso. Doon ko lamang na may saysay pala ang pag-aaral ko ng origami. Mabilis kong
inabot sa kanya. Nagulat ako ng magsalubong ang dalawa niyang kilay. Ngunit ng
mabasa niya ang nakasulat ns “ ngiti lang”
nakita ko ulit ang mga ngiti niya sa labi. Nakita kong nahirapan siyang
buksan yung tiniklop kong papel. Gusto ko sananag tulungan pero parang
nakakahiya naman. Nakita ko na lamang na yung classmate kong lalaki yung
nagbukas ng papel na korteng puso. Naku po, nakakhiya naman kung siya pa ang
makakbasa nun. Mabuti na laamng at agad niyang kinuha yung papel matapos itong
mabuksan .
Hi
crush,
Hindi ko alam kung paano ko sisismulan ang
sulat na ito sapagkat mukha mo ang rumerihistro sa papel ko. Kahit ata Agham ay
hindi maipaliwanag ang angkin mong kagandahan.
Kulang ang sikat ng araw para masinagan ang maamo mong mukha. Pasensya na
kung hindi kita nababati ng magandang araw sapagkat maganda ka pa sa araw.
Matgal na kitang gusto. Lahat ng sa iyo ay
matagal ko ng gusto. Mga mata mong nangungusap. Mga labi mong tila mansanas ka kapulahan. Ang buhok mo’y masarap
hawakan. Ang kutis mong mala porselana.
Pasensiya na kung nahihya ako sayo. Pasensiya
na rin kung nauutal ako kapag kausap ka. Siguro nga nagiging ganito talaga ang
isang tao kapag nasa harap ng taong mahal niya.
Ayaw ko sanang maging magkaibigan lang tayo
dahil mahal na mahal kita.
Nagmamahal,
Seatmate J
Bakas sa mukha niya ang pagkatuwa ng mabasa niya ang
sulat ko. Walang anu- ano’y may biglang umagaw ng papel sa kanya. Ang malas naman at si Ma’am pa pala ang
nakakuha. Hnidi pa nasiyahan at binasa pa ang sulat sa buong klase. Iyon ang
sitwasyon na sana kinain na lang ako ng lupa. Napansin ko rin na namumula na si
crush. Hindi ko lang masabi kung kinikilig siya o nahihiya.
Natapos na ang klase kay ma’am
pero ang kantyawan ay nagsisimula pa rinhindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Nadagdagan pa nung lumapit sa akin si crush .
“Hindi ko naman
kailangan ng love letter eh”
Nagsimula na naman magtawana ang
mga classmate ko. Yung iba naman walang pakialam. Pero ang alam ko nasa bingit
ako ng kahihyan ng mga oras na iyon. Subalit hindi pa pala siya tapos
magsalita.
“Ang kailangan ko
ay ikaw mismo magsabi sa akin niyan”
Kung matagal mo na
akong gusto ,hindi mo lang alam na mas matagal na akong may gusto sayo”
Pakiramdam ko’y nasa alapaap ako ng mga oras na iyon. Unti-
unti ng naglalabasan ang mga classmate naming hanggang kaing dalawa na lang ang
matira. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Parang gusto
kong tumalon pero hindi ko naman magawa. Ang tanging nagawa ko na lamang ay
yakapin siya ng mahigpit.
Thursday, 18 October 2012
Mahal ko si Bestfriend
Marami ang gumugulo sa isipan ko
ng mga sandaling iyon. Hindi ko malamn
kung ano itong nararmdaman ko. Hanggang sa tumugtog ang isang kanta sa luma
naming radyo. Tama, in-love nga ako. In-
love ako sa bestfriend ko. Hindi ko alam kung paano nagsimula. Pero tama ba na
ma-inlove ako sa kanya?
Ako si May ann, 18 years old. At
ito ang kwento ko.
Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala
ni Oliver. Iyon ang araw na bumilis ng sobra ang pagtibok puso ko. Pero kung tatanungin
mo ako kung paano kami naging magkaibigan, hindi ko alam kung paano nagsimula. Napagtanto
ko na lang na magkaibigan na kami hanggang tawagin niya akong bestfriend. Sa una,
nakakailang pa nga kapag tintawagb niya akong bestfriend. Pero tila musika sa
aking tenga ang boses niya. Hanggang masanay na ako at tinanggap ang
katotohanan na siya na ang bestfriend ko.
Gabi- gabi kaming mgka-chat ng
bestfriend ko. Palagi kaming mgkatext at
madalas kaming lumalabas. Madalas kaming mapagkamalang magsyota. Pero ok lang
sa amin yun. Wala kaming pakialam sa iisipin ng iba. Ang mahalaga masaya kami. Hindi
kami nahihiyang ipakita ang closeness namin in public. Pero kahit close kami
hindi ko masabi ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Ang tunay na sinisigaw ng
puso ko. Ang katotohanang mahal ko ang bestfriend ko. Subalit madalas masaktan
ang puso ko kapag nagkakagirlfriend siya. Hindi namin magawa yung dati naming
ginagawa. Limitado lang ang oras na magkasama kami. At hindi na rin ako
napupuyat kakachat sa kanya. Pero walang tumatagal na relasyon kay oliver. Kaya
naman bumabalik pa rin sa dati kung ano man ang mga ginagawa namin. Iyon ang
mga bagay na lihim kong ikinatutuwa.
Matagal ko ng pinaplano na
sabihin sa kanya kung ano itong nararmdaman ko. Pero sa tuwing titingin siya sa
aikn para bang tinatapalan ang mga labi ko. Hindi ko pala kayang sabihin sa
kanya. Hanggang isang araw, nagka-girlfriend na namn siya. Balik na namn sa
datiang sitwasyon. Pero mas malala ngayon, ayaw na sa king magpakita ni Oliver
sapagkat pinagbabawalan siya ng Girlfriend niya. Wala naman akong magwa kundi
Umayon sa sitwasyon.
Para makalimot sa sakit na kahit
ako lang ang may gawa, nagpasya akong umuwi sa lola ko nang magbakasyon. Doon nakilala
ko si Dominic. Mabait si Dominic. Hindi ko maikakaila na may pagkakahawig sila
ni Oliver. Kaya naman nahulog din ang loob ko sa kanya. Hanggang isang araw, nagtapat ng pag-ibig sa
akin si Dominic. Sa una, hindi ko talaga alam kung sasagutin ko siya. Hindi
sumuko sa panliligaw si Dominic kaya naman sinagot ko siya. Akala ko magiging Masaya
ako kapag nagging kami. Pero mas naaalala ko lang ang tunay kong mahal, si
Oliver.
Alam kong mahal ako ni Dominic. Kaya
naman nagiguiltyako kapag magkasama kaming dalawa. Gusto ko na sanang sabihin
na ayaw ko na dahil hindi siya ang tunay kong mahal. Subalit may kung anong
tumutulak sa akin upang hindi gawin iyon. Nakatanggap ako ng message kay
Oliver. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa kanya. Lagi na lang ba
akong saluhan niya sa tuwing maty problema siya? Oo nga bestfriend kami, pero
bakit sa tuwing may problema siya saka lang siya nakakalala. Mabuti pa si Dominic lagging nasa tabi ko. Kahit
anong gawin ko hindi niya ako iniiwan. Hindi ako nagreply sa text ni Oliver.
siguro dahil nagtatampo ako sa kanya. Hanggang sa tumawag siya sa akin. Naawa ako
bigla sapagkat alam kong umiiyak siya. Pero anong magagwa ko nandito ako sa
probinsya. Wala.
Natapos ang bakasyon at
kailangan ko ng bumalik sa Manila. Pinutol ko na rin kung ano man ang meron sa
amin ni Dominic. Ako kasi yung taong hindi naniniwala sa “longdistance
relationship”. Sa una away bumitaw ni Dominic. Subalit natapos din sa
hiwalayan. Inaamin kong nasaktan ko si
Dominic. Inaamin ko rin na hindi ko talaga siya minahal.
Pagbalik ko sa Manila,
sinalubong agd ako ng bestfriend ko. Tuwang tuwa na para bang walang problema. Nakakapanibago
si Oliver. nagging mas close kami
matapos ng hiwlayan nila ng girlfriend niya. Hindi ko alam ang nangyari sa
kanila pero alam kong gusto ko ang hiwalayan nila. Masabi ko na kaya ang tunay
kong nararmadaman sa kanya? Paano kung hindi niya magustuhan ? paano kung
malamatan an gaming pagkakaibigan?
“Gusto kita May ann.”
Ano? Gusto lang hindi
mahal? Tama ba yung narinig ko ? gusto
daw ako ni Oliver. so pwede na maging
kami. Hindi, baka naman iba lang ang interpretasyon ko sa sinabi niya. Gusto kong
ulitin niya yung sinabi niya. Hanggang isang araw ng aming paglalakad…
“Ok lang ba kung ligawan kita?”
“Ha?”
“sabi ko, ok lang ba kung
ligawan kita?”
Handa ka bang isugal ang
friendship natin?”
“Sa totoo lang hindi eh, pero
baka manghinayang ako kapag hindi ko sinubukan”
“Noon pa naman mahal na kita eh”
“So tayo na?”
“Ligawan mo muna ako. J”
“Ha? Kailangan pa ba yun?”
“Diba tintanong mo ako kung
pwede ba magpaligaw?, edi oo sagot ko”
Bagong Anghel
Positive!
Agad tumulo ang luha sa mga
namumugtong mata ni Lotay. Hindi niya inakalang magkakabunga ang isang gabing
pagkakamali nila ni Marvin. iniisip niya ang kahihiyang dala nito. Alam niyang
hindi pa siya handang maging isang ina. Disi-otso anyos pa lang si lotay at
marami pa siyang pangarap na nais niyang matupad. Ngunit ang libro ng kanyang
pagkadalaga ay tuluyan ng nagsara. Hudyat na ng panibagong kabanata sa kanyang
buhay. Walang siyang magawa kundi umiyak. Hindi niya masabi sa kanyang ina lalo
na’t may sakit ito. Hindi niya rin maasahan ang kanyang ama na laging nasa
pasugalan. Walang masabihan ng problema si Lotay. Ang tanging pag-asa niya lang
ay si Marvin.
Buntis ka?
Puro sampal
ang inabot ni lotay sa kanyang ama na kakatalo pa lang sa sugal. Hnidi nito
matanggap na ang anak ng karibal niya sa
sugal ang nakabuntis dito. Kahit nilalamon na ng galit ang buong pagkatao ni
Mang Roberto, hindi niya pa ring maiwasang lumuha sa sinapit ng kanyang
kaisa-isang anak. Matapos ang mala teleseryeng paghaharap ng mag-ama, agad- agad sinugod ni Mang Roberto
ang bahay ng kasintahan ni Lotay. Hindi niya alintana ang kung sinu-sino na ang
nanunuod sa kanila. Para namang nakalibre ng sine ang mga taong nakapaligid.
Unti- unti ng lumuluwang ang kalye
ng mahimasmasan ang dalawang kampo. Tapos
na ang panandaliang palabas. Subalit ang hinanakit ni Lotay ay unti –unti nang
uuusbong. Hindi pinanagutan ni Marvin ang kanyang dinadala. Malakas ang
paniniwala niya na hnidi sa kanya ang bata. Agad naman pinagtanggol ng kanyang
ama. Sa bandang huli, umuwing walang napala ang mag- ama.
Lagpas hanggang langit ang galit ng
ama ni Lotay. Upang mahimasmasan dumiretso siya ng pasugalan at pinauwi ang
anak na tila ba nasisiraan na ng bait. Nang makauwi ng bahay si Lotay, hindi
niya mapigilang umiyak ng makita ang inang hapong- hapo dahil sa karamdaman. Mabilis
niyang niyakap ang kanyang ina at humingi ng kapatawaran. Bakas naman sa mukha ni Aling Salve ang
pagtataka sa ginagawa ng kanyang anak. Ikimuwento ni Lotay ang lahat sa kanyang
ina. At ang kwentuhan ay nagtapos sa iyakan.
Malamlam na ang sikat ng araw. hudyat
na na magsisimula na ang gabi. Habang umiihip ang hangin ng Oktubre, tinatangay
nito ang lahat ng masasayang alaala nila ni Marvin. Napagtanto niya na ito’y
walang bayag. Hindi marunong umako ng responsibiblidad. Sa kalagitnaan ng pag –iisip, bumuhos ang
malakas na ulan. Tila nakikisimpatya sa problemang kinahaharap niya.
Panibagong umaga. Nabuo na sa
isipan niya na mag-isa na lang siyang haharap sa problemang silang dalawa ni
Marvin ang gmay gawa. Hindi niya alam kung ano ang bukas na haharapin niya. ang
tanging nagpapalakas sa kanya ay ang katotohanang magkakaanghel na siya.
Habang nasa sinapupunan ni Lotay
ang Anak nila ni Marvin, tila Tren namang rumagasa ang mga nagdatingang
problema. Hindi na nakayana ng katawan ni Aling Salve ang malubhang sakit kung
kaya’t tuluyan na itong bumigay. Hindi pa nagpapalit ng taon, nabaril naman sa
pasugalan ang kanyang sugarol na ama. Mag-isa na lamang siyang haharap sa
lipunang mapanghusga.
Mabilis maglayag ang panahon. Natapos
na ang siyam na buwang paghihintay niya. Lalaki ang isinilang niya. laking
gulat niya na malaki ang hawig nito kay Marvin. Hindi maikakaila na si Marvin
nga ang ama nito. Subalit hindi na papayagan ni Lotay na makita pa ni Marvin
ang kanyang anak. Ang lahat ng problemang dal- dal niya ay tila ba naglaho ng
isilang niya ang kanyang anak. Kahit siya lang ang bumuhay dito ay ayos lang sa
kanya. Hindi niya namamalayan na siya’y
napapaluha na.
Wednesday, 17 October 2012
Kalsada
Kalsada ang saksi sa aking
pagkabata. Ito rin ang humubog sa aking batang katawan. Mga masasayang
karanasan na kalsada lamang ang nagparanas sa akin. Dito ko rin binuo ang aking
mundo- ang mundo ng aking pagkabata. Mundong alam kong hindi pang habambuhay
ngunit pang matagalan sa aking puso.
Sa pagsapit ng hapon, mga kalaro ko’y
tila mga dagang naglalabasan sa kanilang mga lungga. Habang ang iba’y humihilik
pa, kami nama’y pawisan na. Hindi alintana ang pagtakbo ng oras. Hindi rin
alintana ang tiyan na kumakalam na. at higit sa lahat, hindi rin alintana akung
tao pa ba ang itsura namin dahil tila kinabitan na ng gripo ang aming katawan
sa pagtagatak ng pawis. At dahil nga may tindahan kami noon, para bang
obligasyon kong painumin sila kapag nagkauhawan na. Para sa amin, wala kaming
pakialam sa mundo sapagkat gumawa kami ng
aming sariling mundo.
Kung iisa isahin ko ang mga nalaro
ko nung bata pa ako, malamang na tamarin ako sa pagsusulat. sa pagkakatanda ko,
nagsisimula ang lahat sa habulan hanggang mgkapaguran. At kapag nagkasawaan na,
ibang laro na naman ang susubukan. hindi ko na maalala ang ibang laro na
nasubukan ko noon. Pero ang ligayang hatid naman noon ang nagpapabata sa akin
ngayon. Totoong masarap balikan ang mga karanasang iyon. Iyon ang iniisip ko sa tuwing nalulungkot ako. Inaaliw
ang sarili sa pag-iisip ng mga bagay na nangyari sa akin noon habang hawak hawak
ang purol kong lapis.
Maraming dumadating na bagong kalaro kaya’t kami’y tuwang-tuwa. Subalit minsan ang tuwa’y tinatakpan ng lungkot sa tuwing may lilipat na kalaro. At pagkatapos ng mahigit tatlong oras, ayos na ulit. Takbuhan na naman. Tawanan na para bang walang nangyari. Ang sarap maging bata. Wala kang inaalalang problema.
Sa bawat pagsikat ng araw, asahan
mo ang paglubog nito. Tulad ng kanya kanyang pag uwi sa pagsapit ng takipsilim.
Ang mundong aming ginawa ay tuluyan ng naglaho Wala ng habulan. Wala ng
pawisang katawan at higit sa lahat wala na rin akong pinapainom na kalaro. Napalitan na ng libro ang dating bato, goma o
kahoy na pinaglalaruan namin noon. Ang habulan noon, habulan na ng deadline sa project
ngayon.
Ang tawanan ay napalitan na ng mga
seryosong usapan. Ang dating walang alam sa buhay pag-ibig, nagpapalitan na ng
kanya kanyang karanasan. Naisip kong hindi naman nawala nag mundong ginawa namin.
Ito’y nagbihis lamang at naging mapangahas. Hindi ko na kilala ang mga kalaro ko noon. Dati
rati’y walang pakialam sa mga itsura. At ngayon, halos matakpan na ng make-up
ang mga mukha nila. Ang dating mga sanding suot napalitan na ng kakaibang
pananamit. At ang mga duming nakaukit noon sa katawan napalitan na rin ng mga tattoo.
Ibang iba na sila.
Hindi pa nagtagal ang iba kong
kalaro ay pumasok sa mas makamundong pananaw. Ang ilan ay natangay ng sariling
inot ng katawan kung kaya’t tiyan nila’y nagkalaman. Hindi ko rin naman sila
masisisi sapagkat pinili nila ang landas na iyon. Ang dating manika’y napalitan
ng sanggol. Ang dati’y laro- laro’y nagkatotoo na.
Sa aking pag-iisip, napagtanto ko
na maswerte pa rin ako at ang aking mga kalaro. Sapagkat naranasan namin ang
ligayang hatid ng kalsada. Kalsadang aming tinatapakan sa tuwing kami’y aalis. Kalsadang
naging saksi ng amnig pagkabata.- inopagba

The truth about forever saga part 4: Genesis
Wala akong naintindihan sa tinuturo
ni Sir. Hindi ako makapag-concentrate. Ewan ko ba kung bakit. Nalala ko pa rin
lahat ng nangyari kahapon. Parang kanina lang lahat nangyari yun. Haay! Bagong araw
na naman. Pero mga classmate ko , hayun ganun pa rin. Atat na atat umuwi. Nakalimutan ko , magpapacheck up nga pala ako
ngayon. Ano kaya sakit ko? mabuti na lang at hindi na sumasakit ulo ko. Malapit
na rin pala mag finals. Marami na namang ipapasang paper works. Ewan ko ba diyan
sa mga professor ko, masyadong power tripping. Kung ano na lang gusto nilang
ipagawa kahit wala namang kinalaman sa tinuturo nila. Dagdag pa tuloy sa
alalahanin. Mahirap pa namang mag isip, lalo na pag naka set na yung utak mo sa
bakasyon.
Pabili nga ng yosi.
Makapag yosi nga muna. Para naman
mahimasmasan ako. Haay! Mabuti na lang at naimbento itong yosi. Teka! Professor
ko sa chemistry yun ah. Yari kapag nakita niya ko! Takbooo!
Ayos! Sana hindi niya ako nakita. Yari
na naman ako dun. Siya nga pala, ano naman kung makita niya ko? Bakit, tatay ko
ba siya? Eh kung yung tatay ko nga walang pakialam kahit manigarilyo ako buong
araw, siya pa kaya. Wahh! Sumasakit na naman ulo ko! Makauwi na nga . ay hindi- hindi,
magpapacheck up pa pala ako.
Huhuhuh!
Ha? Parang may umiiyak. Sino yun? Aray!
Yung ulo ko ang sakit! Hayaan ko na nga lang kung sino yung umiiyak na
yun. Teka, parang lumalabo yung paningin
ko. Waah! Tulonngg! Ansakit na talaga!
Bogs!
Parang bumagsak ata ako. Oo, bumgasak nga ako. Mukha ba ni Gel yung nasa harap ko? Hindi, anu naman gingawa ni Gel dito. Tulong! Dalhin niyo ko sa hospital. Miss, kung sino ka man dalhin mo ko sa hospital. Please!
Black out!
Ouch! Ansakit naman ng katawan ko! Sandali nga, parang hindi
naman namin bahay to! Nasaan ako? Anung ginagawa
ko dito sa hospital? At bakit andito si
Gel ? si Gel? Oo , si Gel nga! Anong ginagawa
niya dito? Nanaginip ba ako? Sana
hindi na ako magising. Sana habambuhay na ito. Sandal, bakit kinakausap ng
duktor si Gel? Bakit wala mga magulang ko kung nandito ako sa hospital/ teka,
nagka amnesia ba ako> kung nagka amanesia ako bakit nakikilala ko pa si Gel?
Wahh! Ang gulo naman , sumasakit na naman ulo ko!
Tapos na sila mag- usap at mukhang papalapit na sila sa akin. Teka lang ,teka lang! naguguluhan talaga ako. Aray ko! Ulo ko! Parang binibiyak! Habang papalapit sila, pasakit ng pasakit!
Black out!
Monday, 15 October 2012
The truth about forever saga part 3: Burning Bridges
This is it! Kailangan ko na
talagang ipamukha ulit sa kanya na wala na kami. We parted ways! Pero saan ko
siya hahanapin? Pasulpot –sulpot na lang kasi yung babaing yun matapos ng
pagkakalabuan namin.
Tol!
Naku po. Si Patrick! Baka maniningil
na to. Wala pa naman akong pambayad ngayon. At saka sinabi ko naman na sa
katapusan na ko magbabayad. Ewan! Parang si Camille. Hindi makaintindi. Waah! Bakit
kasi laging sumasakit yung ulo ko. Anu bang meron sa loob nito? Waahh! Gusto ko
nang biyakin ito. Teka nga lang, papalapit na si Patrick. Takboooo!!!!
Huu! Muntikan
na niya akong maabutan. Buti na lang champion ako sa takbuhan. Bakit ba andamin
kong tinatakbuhan ngayon? Leche naman! Aayusin ko na nga buhay ko . Uunahin ko
yung kay Camille, tapos si Patrick. Para
naman pwede na akong magparamdam kay Gel. Eh nagpaparamdam na ako sa kanya,
ginawan ko na nga siya ng tula. Bakit ganun, parang wala lang sa kanya. Tapos hindi
pa siya pumapasok, paano ko malalaman kung nabasa niya na?
Sandali nga lang. bakit parang may
naririnig ako? Anu yun multo? Hindi, parang boses ni Gel. Tama! Si Gel my love.
Pero parang may kausap siya.
>: I love you Gel J
>>: I love you too Robert J
Waah! Nagpalitan sila ng I love
you? Hindi to pwede. Hindiiii! Ibig sabihn may boyfriend si Gel? Huhuhuh! Paano
na ako? Paano na kami? Ay! Wala palang kami. Nakakainis. Wala na pala akong pag
asa sayo Gel. Uuwi na nga lang muna ako.
Tinatamad akong pumasok ngtayon. Hay!
*one message received*
<>: jerome J usap tayo sa canteen J
Ano na namang drama nitong Camille
na ito? Mapuntahan nga at maipamukha na ayaw ko na sa kanya. Naku, huwag niya
kong gagalitin at mainit pa naman ang ulo ko ngayon. Baka makalimutan kong
babae siya! Waah! Heto nanman ang ulo ko, sumasakit!!! Magpapacheck up na
nga ako !!!!
<: pwede pa ba nating ayusin
kung ano mang meron tayo?
<<: Wala na tayong aayusin
dahil matagal ng sira ang kung ano man ang meron tayo noon
<: kung ayaw mo na edi wag! Minsan
lang ako magmahal. Pero sinayang mo lang. anong klase ka?
Pak!
Araay! Ansakit naman nun! At nagawa
niya pa akong sampalin. Leche talaga siya. Siguro naman tapos na talaga kami. Ayoko
na siyang makita. Tama lang pala ang desisyon ko na hiwalayan siya noon.
Pero paano na ang love story namin
ni Gel? Ayoko na talagang alalahanin pa ang nakita at narinig ko kanina. Lalo lang
sumasakit ang ulo ko. Kaya pala parang wala lang sa kanya yung ginawa kong tula. Hay! Nakakahiya tuloy...!
Sunday, 14 October 2012
The truth about forever saga part I: Breaking Barrier
Tapos ng magturo si ma’am. Agad- agad kong sinilid ang tulang ginawa ko
sa bag ni Gel. Mabuti na lang at walang nakapansin sa akin. Panu ba naman
abalang- abala sila sa pagpupulbos at ang ilan uwing-uwi na talaga. Sana magustuhan
niya ang tulang ginawa ko. Sana maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal. At sana
magkaroon ako ng pag-asa sa puso niya.
Matulis na pana ni
kupido
Sa puso ko sumargo
At ngayon ay
nalilito
Kung paano
sasabihin sayo
Na ikaw ang
tinitibok ng pusong ito
Hindi mapigilan
Kahit mag-
alinlangan
Laman ng puso ko’y
iyong pangalan
Gusto kong isigaw
sa buong kalawakan
Hindi masabi sa
iyo ng harapan
Sapagkat bibig ko’y
tila tinapalan
Kaya sa tula ko na
lang idadaan
At sana ito’y
iyong magustuhan
Lumubog man ang
araw
Maamo mong mukha
ang gusto kong matanaw
Sapgkat ako’y tila
yelong tunaw
Sa kagandahan mong
nag-uumapaw
Nagmamadali
na naman ako. Nakakains kasing alarm clock yan ayaw makisama. Iseset mo ng alas
singko , alas sais naman tutunog. Hay buhay. Nakabalik lang ako sa wisho ng
maalala ko yung tulang ginawa ko . naku po, baka hindi niya nagustuhan yun. Kawawa
naman yung napurol kong lapis matapos ko lamang yun. Bahala na si Batman! Go for
the gold. Kung hindi naman, better luck next time. Kakanata na ba ko ng pusong
bato? Huwag ka nga pa bad vibes dyan ! sumasakit na naman ang ulo ko. Waahh!
Haay!
Salamat uwian na naman. Anong nanagyari bakit parang walang imik si Gel. Hindi niya
ba nabasa? Bakit kasi hindi mahilig
magbasa yung babaing yun. Pero kahit na mahal ko pa rin yun. Teka lang bakit
parang may naiwan ata ako. Matingnan nga sa bag ko. Oops! Ano tong papel na to?
Ikaw ang dahilan
ng aking pagpasok
Kahit dinadaanan
ko’y mausok
Puso ko ri’y sa pana ni kupido tumusok
At ngayo’y pa-ibg
ko sayo’y ‘di na mabubulok
Pagsinta mo sa aki’y
lubos kong kinagagalak
Puso ko ri’y
humahalakhak
Sapagkat nahanap
niya na ang kanyang kabiyak
Paligid ko tuloy
tila humahalimuyak
Pag-ibig ko sayo’y
hindi padadaig
Kahit sa gabing
malamig
Gagawa ng himig
Kahit makarinig
lang ay tubig
Gusto ko sabihin
ng harapan
At ng masimulan
ang pag-iibigan
Pag-iibigang
nagsimula sa kawalan
At di na sana matuldukan
Totoo ba ito? Mahal niya rin
ako? Teka baka nanaginip lang ako. Pare pakisuntok nga ako. Ay hindi, totoo nga
ito. Galing kay Gel ang tulang ito. Yahoo!
May pag- asa plaa ako sa kanya. Bukas na bukas rin sasabihin ko sa kanya
ng harapan.

Wednesday, 10 October 2012
Sulat ng Isang Manliligaw
credit: Ordinary Song by : Marc Velasco
Nagsimula sa paghanga hanggang
mahinog at naging pag-ibig. Ayoko sanang dumating ang araw na mabulok ito hindi
mo matikman ang tamis ng pag-ibig ko. Ilang beses ko nang sinayang ang
pagkakataon. Ayokong dumating ang panahon na ang pagakakataon naman ang
manghinayang sa akin. Kung kayat lakas loob kong sasabihin na Mahal kita!. Ilang
beses ko nang pinagsigawan na mahal kita. Pero tila nabingi ang mundo, kung
kayat puso ko na lang ang nakarinig nito.
Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you
Simpleng tao
lang ako. Pero napansin agad ako ni kupido at pinana ang puso ko. Hindi ko alam
kung kalian tumama ang pana niya sa puso ko. Araw- araw kung tinatanong ang
sarili ko kung bakit minahal ko ang tulad mong spesyal. Sa mundo mo , alam
kong hindi ako ang sentro. Malamang nasa sulok lang ako at wala kang pakialam. Siguro
nga pinana rin ni kupido ang puso mo-- purol nga lang ata.
I may not have much to show
No diamonds that glow
No limousines
To take you where you go.
No diamonds that glow
No limousines
To take you where you go.
Wala akong
maipagmamalaki sayo. Wala akong nag-uumapaw na kayamanan. Wala akong
naggagandahang sasakyan. Ang tangi ko lang maipagmamalakai ay ang sarili ko. Sarili
ko na ikaw lang ang nag mamay-ari. Handa kong tahiiin ang bukas makasama ka
lang. Handa kong hubugin ang ngayon para lang makapiling ka. Gusto kong
dumating ang araw na ako mismo ang dahilan kung bakit ka nakangiti.
But if you ever find yourself
Tired of all the games you play
When the world seems so unfair
You can count on me to stay
Just take some time
To lend an ear
To this ordinary song
Kung pakiramdam
mong kalaban mo ang buong mundo. Isigaw mo lang ang pangalan ko, darating ako. Handa
akong maging kalasag mo, maipagtanggol ka lang. handa akong masugatan ‘wag lang
ang puso mo. At kahit buhay ko’y handa kong itaya, maipakita ko lang na hindi
ka masasaktan kapag nasa piling kita.
But deep inside of me is you
You give life to what I do
All those years may see you through
Still I'll be waiting here for you
If you have time
Please lend an ear
To this ordinary song
You give life to what I do
All those years may see you through
Still I'll be waiting here for you
If you have time
Please lend an ear
To this ordinary song
Kung sisilipin
mo ang laman ng puso’t isipan ko, makikita m ang pangalan mo sa lahat ng sulok
nito. Kung sakaling hindi ka pa handa para makasama ako, maghihintay ako
hanggang kaya ko. Oo, hanggang kaya ko lang. Dahil ang kaya ko ay ang walang
hannggan.
Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you.
Sa pagtatapos ng sulat na ito,
idadaan ko na lang sa kanta ang pag-ibig ko sayo. Umaasa akong huwag sanang
dumating ang bukas na handa ka nang makasama ako pero ang bukas naman ang hindi
kayang makitrang magkasama tayo.
P.S. Hindi kita minamadali na sagutin
ako. Pero tandaan mong Mahal na mahal kita!
Sunday, 7 October 2012
Minsan sa Aking Buhay

Subscribe to:
Posts (Atom)