lapis at pambura ni ino pagba
“To read is to fly: it is to soar to a point of vantage which gives a view over wide terrains of history, human variety, ideas, shared experience and the fruits of many inquiries.” - A C Grayling
Friday, 7 December 2012
Para kay *blip blip*
Huwag ka ngang t*nga. Hindi porket sinabi niyang hindi ka nya sasaktan ,eh hindi na talaga. Hindi lang siya ang nagbitiw ng mga katagang iyan. Marami na ang nakarinig at naniwala dyan. Pero kaunti pa lang talaga ang nakatupad niyan. Parang payong lang kasi yan. Hindi ibig sabihin na may payong ka, hindi ka na mababasa ng ulan. Hindi porke’t mahal ka niya, hindi ibig sabihin nun hindi ka na masasaktan. Nakita mo yung logic?
Ang hirap kasi sayo, lahat na lang ng nakakarelasyon mo ay pinaniniwalaan mong soulmate mo. Tama ka na soulmate are destined to meet. But take note, it doesn’t mean na they are meant to be. Hindi ko sinansabing maniwala ka. Sarili kong pananaw yun. Kung iisipin, kasya siguro sa isang kahon ng gatas yang paniniwala ko about soulmate. Eh paano ba naman, usong uso na ang social fling. Na sa unang pagkikita pa lang kasalan na agad. Yung mga set up na “ you had me at one hello”. At ang nakakinis pa eh yung mga naniniwala sa kasabihang “ easy to get but hard to forget”. Anong gusto nilang palabasin? Ang bottomline lang din naman nun ay “ easy to get sila”.
Hindi mo kailangang paikutin ang mundo mo sa kanya. Una , hindi siya ang axis . at ang pangalawa, hindi siya ang sagot sa global warming. In a serious note, masasaktan ka lang sa huli kasi nasanay ka na lagi siyang andyan sa tabi mo. Masasaktan ka lang kasi pinabayaan mo na siya ang magpaikot ng mundo mo. Intindihin mo na iba ang mundo mo sa mundo niya. Oo nga gumawa kayo ng sarili niyong mundo. Yung kayong dalawa lang. yung tipong walang bibitaw. Pero sa huli, babalik din kayo sa reality. At kasama sa katotohanang iyon na wala na kayo. Kaya huwag mo ng balikan yung sinasabi mong mundo ninyo . dahil sa maniwala ka o sa hindi, ang mundong ginawa niyo ay hindi na nahintay ang end of the world. Wala na.
Paano mo masasabing naka move on ka na kung makakita ka lang ng bagay na may kinalaman sa kanya eh hahagulgol ka na. Wake up! Huwag mong sasabihng naka move on ka na kung ang simpleng lollipop na nakapagpaalala sa kanya eh iiyakan mo. Buksan m ang isipan mo. pati na rin ang puso mo. Aminin na natin na hindi mo makikita ang ganda ng paligid kung depressed ka. Tama ba? Ngumiti ka lang. dahil minsan , hindi mo aakalain na mula sa malayo, may nakatanaw sa mga ngiti mo. ngiti mo na kumukompleto ng araw nila. Tulad ko. Dahil sa ngiti mo natutunaw pati ang kaluluwa ko. ---- ino.pagba
Monday, 22 October 2012
The Truth About Forever saga part 8 :The Restitution
Kung hnidi pa ako nagkasakit hindi pa ako makakarating ditto sa London. Kahit pala ganito ang kalagayan ko eh may maganda rin pa lang kakambal. Naalala kona matagal na naming plinano ang pagbabakasyon ditto. Hnidi lang matuloy kasi nga nagging busy sina mama at papa. Nasundsan pa ng pag-aaway nila. At least ngaun natuloy na. Ang ganda dito sa London. Ibang- iba sa mga nakikita ko sa magazine. Iba rin ang hangin. Ang ganda pa ng paligid. Kahit saan ako lumingon napapanganga ako sa ganda ng mga lugar. Aray! Sumsakit na naman ang ulo ko. Aray! Araaayyy!
Bogs!
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Medyo Malabo ang lahat. Ang naalala ko na lang eh sinugod ako dito sa George Elliot Hospital. Naalala ko rin kung paano magpanic si mama. Sigaw ako ng sigaw sa sobrang sakit ng ulo kopero wala akong magawa. Siguro nga hanggang dito na lang ako. Tuluyan ng magsasara ang libro ko.
“anak! “
Ma? Bakit ka umiiyak? Huwag ka nang magalala, ok na ako. Tingnan mo ang lakas ko na. wala na akong sakit. Magaling na ako. Bakit hindi tumitigil sa pag-iyak si mama? Bakit parang hindi niya ko nakikita? Teka lang, kaluluwa na lang ba ako? Ako yung nakahiga. Hindi ako pwedeng magkamali ,ako yun. Hindii! Bakit hindi ako makabalik. Parang ang unfair, katawan ko yun pero hindi ko magamit. Waah! Nananaginip lang ata ako. Pero parang totoo. Totoo nga, spirit na lang ako.
“I’m sorry but your son is in state of coma”
No! hindi pwede to. Paano ko sasabihin na andito ako sa tabi nila. Bakti kasi hindi ako makapaok sa katawan ko. Saan ako pupunta ngayon? Isa na lang akong kaluluwang ligaw. Eh kung bumalik na lang kaya ako sa Pilipinas. Ayos yun libre pamasahe. Sino naman uuwian ko sa Pilipinas? Si Gel? Eh wala na nga kami nun eh. Basta gusto kong umuwi . wala na akong paki kung ano man ang mangyayari.
The truth about forever saga part 7:Estrangement
Ang sarap ng pakiramdam. May girl
friend na ako. Yahoo! Hanggang kailan kaya to? Alam ko namang hindi
pangmatagalan ito. Pero umaasa pa rin ako na maaring mabago ang lahat. Marami na
akong napanood na love between life and death ang drama ng buhay. Sana lang parehas kami ng ending, happily ever
after. Sana talaga gumaling ako.
“sabi ng mama mo sa London ka daw
niya ipapagamot.”
Ano? Tatlong araw pa nga lang kami
ng Gel ko tapos ending agad? Ang saklap
naman. Ayokong umalis. Ayokong iwan si Gel. Siya na nga lang nagpapalakas sa
akin. Paano kung mamatay ako dahil wala siya sa tabi ko? Hindi man lang ako
makakapagpaalam. Ayoko talaga. pero kung hindi naman ako magpapagamot, mas lalong
hindi ko na takaga makikita si Gel habambuhay.
“Ayoko nga sana, pero –“
“pero ano? Dahil sa akin?”
“oo, ayokong iwan ka, alam mo
namang maha na mahal kital ”
“kung mahal mo ako , magpapagamot ka”
“mahihintay mo ba ako?”
“oo naman”
“paano kung hindi na ako makabalik?
Paano kung doon ako mamamatay?”
“hindi ka mamamatay sapagkat pati
puso ko tumutibok para sayo”
“huwag masasaktan ka lang”
“hindi Jerome. Mas masasaktan ako
kapag hindi mo sinubukang magpagamot.”
“babalik ako para sayo”
“ maghihintay ako”
Habang tmatakbo ang panahon katawan
ko namay para bang kinakain ng aking karamdaman. Nagpasya sina mama na sa
London na ako magpagamot. Hindi ko alam talaga kung papayag ako sa una. Pero sa
huli, pumayag ako dahil kay Gel at para na rin sa mga magulang ko. Naniniwala ako
na darating ang araw na babalik ako na hindi isang malamig na bangkay kundi
isang masiglang Jerome.
“mamimiss kita”
“ikaw din., alagaan mo sarili mo
ha?’
“para sayo, pasensya ka na pa la
kung yung boyfriend mo hindi ka maalagaan”
“
hindi mo naman kailangan gawin yun eh. Bumalik ka ha?
“oo naman, sabi mo eh”
Nakakalungkot naman iiwan ko na si
Gel. Mahirap sa akin ito pero doon din naman tutungo ito. Sana tama yung
magiging desisyon ko. Desisyon na hindi ko pa alam kung pagsisisihan ko sa
takdang panahon. Panahon na lang ang magtatakda sa aming dalawa. The best art
in this world is the art of letting go.
“hindi ko alam kasi kung
makakabalik pa ako”
“ano ka ba? Makakbalik ka”
“Gel, gusto ko sanamag tuldukan
muna natin kung ano man ang meron tayo. Alam kong mahirap pero mas mahirap kung
mawawala ako na walang closure sa ating dalawa.”
“ ayoko sanag pumayag pero tama ka.
Siguro nga maling time ang love natin. Pero bumalik ka ha? Bska kasi sa pagbalik
mo ,yung perfect time nating dalawa.”
“kung hindi naman, baka sa heaven
ang perfect place natin”
“nakakainis ka”
“huwag ka nag umiyak” pwede ba
kitang halikan?
“bakit naman?”
“para may bauinin ako sa London”
“pwede rin ba kitang halikan?”
“oh bakit?”
“para may iwanan ka rin dito”
“mwah!”
Single na namn ulit ako. Sabi naman
daw nila nasa uso yun. Edi nasa uso na ulit ako. Alam kong tama yung ginawa ko.
Ayokong magsisi dahil ginawa ko ang bagay
na iyon. Gusto kong magpagaling para
maibalik ko ang nawala sa amin. London here I am!
Saturday, 20 October 2012
The truth about forever saga part 6: Endearment
Aalagaan niya daw ako. Totoo ba
yun? May sakit ako pero hindi naman ako bulag. Tama naman yung nabasa ko. Ewan ko,
pero parang ang awkward naman. Paano na yung boyfriend niya? Sila pa ba? Haay! Andami
kong tanong. Paro kung aalagaan niya ako edi masaya. Magkakaroon kami ng
quality time.Makatulog na nga lang. bukas ko na lang poproblemahin ito. Sana bukas
ok na ang lahat.
Wahh! Aray! Mama ang sakit ng ulo
ko! Tulong.!
Nagising ako dahil sobrang sakit ng
ulo ko. Nataranta naman si mama sa pagpunta sa kwarto. Medyo nawala ang sakit
ng makainom na ako ng gamot. Parang ang hina-hina ko na talaga. Napapikit na
lang ako sa sitwasyonh ko na alam kong himdi ko matatakasan. Gusto ko pang
mabuhay ng matagal.
“ may masakit pa ba sayo?”
Hindi ko alam kung ididlat ko ang
mata ko sa tanong na iyon. Alam kong hindi galing kay mama ang iyon. Iba ang
boses na rumehistro sa tenga ko. Boses ni Gel. Unti- unti kong iminulat ang aking mata at
tumambad sa akin ang maganda niyang mukha. Heto na ba yung sinasabi niyang
aalagaan ako? Hindi ko naman talaga alam
kung seryoso siya o baka naman ginugudtaym niya lang ako. Pero kung totoo nga,
edi ayos! Nagawa ko pang tanungin siya
kung ano ang ginagawa niya sa bahay namin. Habang pinagmamasdan ko ang mukha
niya, ibang iba ang pakiramdam ko. para bang ang gaan sa puso. Naisip ko nga na
baka si Gel ang gamot ko.
“ tinext kita kagabi pero hindi ka
naman nagreply”
“ sorry , pero nabasa ko yung sulat
mo?”
“ papayag ka ba?”
“oo naman, para mabilis ako
gumaling”
“Simula ngayon ako na ang personal nurse mo”
“Paano yung boyfriend mo? Baka magselos”
“Break na kami”
“ Bakit naman?”
“ May mahal kasi akong iba”
“ Sino?”
“ Wag na lang baka kasi hindi na
rin pwede”
“Bakit hindi pwede?”
“Andami mong tanong, saglit kukuha
lang kita ng pagkain”
“ hindi mo masisisi ang sitwasyon
kung hindi kayo pwede, sa bandang huli baka sarili mo ang sisihin mo kasi hindi
mo sinubukang sabihin sa kanya na mahal mo siya.”
Hnidi ko talaga alam kung bakit ko
nasabi iyon. Ang lakas lang talaga ng pakiramdam ko na ako yung tinutukoy niya.
Matapos kung sabihin iyon sa kaya para bang nabigla siya. Kung ako nga talaga
yung tinutukoy niya, hindi ko rin siya
masisisi dahil sa kalagayan ko. sino ba
naman kasi ang magmamahal sa malapit nang mamatay. Masasayang lang ang lahat. Habang
pinagdudugtong-dugtong ko ang mga ideyang pumapasok sa isip ko, hindi ko
namalayan na katabi ko na pala si Gel.
“ Yung mama mo na lang daw
magdadala ng pagkain dito, hindi p kasi luto eh”
“Gel, bakit gusto mo kong alagaan?”
“ ha? Ah eh, kasi gusto kita Jerome“
Gusto niya daw ako. Totoo ba yun? Ang
linaw linaw naman ng pandining ko. ang sabi niya gusto niya daw ako. Pero bakit
ngayon nga lang? nakakainis talaga. Pwede pa ba?
“ Gusto mo ko? eh mamatay na nga
ako “
“ kaya nga kita aalagaan eh, gusto
ko humaba pa buhay mo”
“ Huwag na lang ako Gel, marami pang iba diyan”
“akala ko ba gusto mo ko?”
“ gusto kita pero-“
“pero ano” kasi may sakit ka? Ok lang
naman sa akin yun”
“ imposible talaga ang gusto mo Gel”
“Marami ng kwento ng pag-ibig ang kaya mong hulaan ang
patutunguhan. Kung saan papunta.pero
alam mo kung ano ang nakakamangha? Yung sinubukan ,kasi mas kaya nating makita
ang mapait na ending kaysa sa msanghinayang dahil hindi sinubukan”
Ang ganda naman ng sinabi ni Gel. Nalaman kong mahal niya rin ako. Hindi naman
porket mamamatay ako hindi na ako
pwedeng magka lovelife. Sige susubukan ko, para naman may mabaon ako sa
kabilang buhay. Nakakatawa naman, kung kailan nasa hulung sandali na ako ng
buhay ko saka pa kukulay ng ganito. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko o ang
ibang tao. Pero ang mahalaga gumaan ang pakiramdam ko.
“ kung kaya mong mahalin ang isang
tao kahit alam mong huli na. sino ba naman ako para hindi ka mahalin”
The truth about forever saga part 5 : Reconditioning
Bakit nasa
bahay na ako? Kanina lang nasa ospital lang ako . Nasaan na si Gel? Hindi ko
man lang natanong kung anung ginagawa niya kanina sa ospital. Mahirap mag isip kung ano talaga nag nangyari
kanina. Lalo lang sumasakit ang ulo ko. Himala
ata, nandito sa bahay si mama. Wala ba siyang pasok ngayon ? nandito rin si
papa. Bakit kumpleto ang paamilya ko ngayon? Naguguluhan ako. Anong meron. Gusto
ko munang matulog. Siguro bukas ok na ulit.
Naalimpungatan
ako ng marinig ko ang usapan nila mama. Medyo malabo ang mga salita pero alam
kong tungkol sa akin. Habang tumatagal ang usapan nila, napapansin ko na lang
na tumutulo na ang luha ko. Kaya pala lagging sumasakit ang ulo dahil may sakit
ako. Paano na ang mga pangarap ko? Bata pa ako para magkakanser. Ni hindi ko pa
nga nasusubukang magka-girlfriend. Wala akong magawa kundi umiyak. Sumasakit na rin puso ko. Ayaw ko ng ganito. Kung mamamatay ako, gusto ko yung
hindi na pahirapan yung mga tao sa paliigid ko.
Huminto lang
ako sa pag-iyak ng pumasok ng kwarto si mama. Tinanong niya ako kung ano ang
masakit sa akin. Medyo naiinis ako kasi ngayon lang siya nag-alala sa akin. Kung
kelan may sakit na ako saka niya ako aalagaan. Nabibigay nga nila ang gusto ko,
pero ang atensyon naman ang nila ang kulang noon. Nahalata niya siguro na medyo
naiilang ako kaya naman niyakap niya na lang ako. Doon ko lang naramdaman ang
yakap ng isang ina. Yakap na sana noon ko pa naranasan. Humagulgol si mama kaya
wala na rin akong magawa kundi umiyak. Nagpanggap ako na hnid ko alam kung
bakit siya umiiyak. Nagawa ko pa siyang tanungin kung bakit. Hindi niya
magawang sagutin ang tanong ko. Alam kong iniiwasan niyang malaman ko ang
katotohanan. Nagpasya akong sabihin ang
narinig kong usapan nila ni papa. Nagtapos lahat sa iyakan. Nagpasukan sa
kwarto sina papa at ang nakababata kong kapatid. Nakakalungkot isipin nab aka hindi
ko na maabutan ang paglaki ng kapatid ko. Niyakap ako ng sabay ng mga magulang ko. Kahit
bakas sa mukha ng kapatid ko ang pagtataka sa nangyayari ,sumali rin siya sa
yakapan. Natutuwa akong nabuo an gaming pamilya ng mga oras na iyon. Hindi kasi
lingid sa kaalaman ko na may konting pagtatalo sina mama at papa. Nakakalungkot
isipin na kung kalian ako nagkasakit ay saka naman nabuo ang pamilya ko.
Nagbago ang
lamig ng umaga ng magising ako. Tila hindi na sanay ang katawan ko sa panahon. Gusto
ko sanang pumasok para man lang magpaalam sa mga kaibigan ko sa school. Pero ayaw
ni mama. Nagresign na rin si mama sa trabaho para maasikaso ako ng mabuti. Pinapunta niya ang lahat ng classmate ko sa
bahy naming. Natuwa ako kasi pati yung paborito kong teacher ay pumunta din. Maraminbg
nalungkot sa angyari sa akin. Kabaliktaran ang nararamdaman ko sapagkat nakita
ko na naman si Gel. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Tinanong ko na siya
kung ano ang ginagawa niya sa ospital nun araw na iyon. Laking gulat ko ng
malam ko na siya pala ang nagdala sa akin doon. Sa tulong ng dalawa kong
schoolmate nadala nila ako sa ospital. Hindi
lang yun ang gusto kong tanungin. Gusto ko ring tanungin kung nabasa niya ba
yung tulang ginawa ko.
Sa halip na
sagutin niya ang tanong ko, umalis siya. Ang gulo naman niya. Sa totoo lang
nalungkot ako sa ginawa niya. Pero naisip kong may boyfriend pala siya. Siguro ginagawa
nbiya lang yun dahil ayaw niya masaktan yung boyfriend niya. Hindi nagtagal ay nag alisan na ang mga
classmate ko kasama ang paborito kong teacher. Hndi ko man lang nagpaalam sa
akin si Gel. Nagalit ata sa tanong ko. Pero tanong lang naman yun. Bakit ganun
siya maka react?
May inabot
sa aking sulat si mama. Hindi ko na nagawangbasahin sapagkat sumasakit na naman
ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog ng gabing iyon. Nagising
ako sa isang text. Bago ko binasa yung message, nagpasalamat muna ako sa Diyos sapagkat
nagising pa ako ng araw na iyon.
*one message
received*
>>: nabsa mo ba yung sulat na bingay ko sa mama
mo?
Kay Gel pala
yung sulat na iyon. Agad kong kinuha yung sulat kay mama. Hindi ko na ngawang
sautin yung text niya sa akin. Kahit isang sentence lang yung nakasulat
pakiramdam ko gumaling ako sa sakit ko.
“Pwede ba
kitang alagaan?”
Friday, 19 October 2012
Seatmate
Nasa kalagitnaan ng pagtuturo si ma’am
ng maisipan kong gumawa ng isang sulat. Sa una ay nahihirapan pa ako sapagkat
pati yata sa sulat ay nahihiya akong ipadama kung ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi
pa rin tapos ng magturo si maa’m. Mabuti
na lamang at natapos ko na rin ang aking sulat. Agad kong tiniklop ang sulat na pakorteng
puso. Doon ko lamang na may saysay pala ang pag-aaral ko ng origami. Mabilis kong
inabot sa kanya. Nagulat ako ng magsalubong ang dalawa niyang kilay. Ngunit ng
mabasa niya ang nakasulat ns “ ngiti lang”
nakita ko ulit ang mga ngiti niya sa labi. Nakita kong nahirapan siyang
buksan yung tiniklop kong papel. Gusto ko sananag tulungan pero parang
nakakahiya naman. Nakita ko na lamang na yung classmate kong lalaki yung
nagbukas ng papel na korteng puso. Naku po, nakakhiya naman kung siya pa ang
makakbasa nun. Mabuti na laamng at agad niyang kinuha yung papel matapos itong
mabuksan .
Hi
crush,
Hindi ko alam kung paano ko sisismulan ang
sulat na ito sapagkat mukha mo ang rumerihistro sa papel ko. Kahit ata Agham ay
hindi maipaliwanag ang angkin mong kagandahan.
Kulang ang sikat ng araw para masinagan ang maamo mong mukha. Pasensya na
kung hindi kita nababati ng magandang araw sapagkat maganda ka pa sa araw.
Matgal na kitang gusto. Lahat ng sa iyo ay
matagal ko ng gusto. Mga mata mong nangungusap. Mga labi mong tila mansanas ka kapulahan. Ang buhok mo’y masarap
hawakan. Ang kutis mong mala porselana.
Pasensiya na kung nahihya ako sayo. Pasensiya
na rin kung nauutal ako kapag kausap ka. Siguro nga nagiging ganito talaga ang
isang tao kapag nasa harap ng taong mahal niya.
Ayaw ko sanang maging magkaibigan lang tayo
dahil mahal na mahal kita.
Nagmamahal,
Seatmate J
Bakas sa mukha niya ang pagkatuwa ng mabasa niya ang
sulat ko. Walang anu- ano’y may biglang umagaw ng papel sa kanya. Ang malas naman at si Ma’am pa pala ang
nakakuha. Hnidi pa nasiyahan at binasa pa ang sulat sa buong klase. Iyon ang
sitwasyon na sana kinain na lang ako ng lupa. Napansin ko rin na namumula na si
crush. Hindi ko lang masabi kung kinikilig siya o nahihiya.
Natapos na ang klase kay ma’am
pero ang kantyawan ay nagsisimula pa rinhindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Nadagdagan pa nung lumapit sa akin si crush .
“Hindi ko naman
kailangan ng love letter eh”
Nagsimula na naman magtawana ang
mga classmate ko. Yung iba naman walang pakialam. Pero ang alam ko nasa bingit
ako ng kahihyan ng mga oras na iyon. Subalit hindi pa pala siya tapos
magsalita.
“Ang kailangan ko
ay ikaw mismo magsabi sa akin niyan”
Kung matagal mo na
akong gusto ,hindi mo lang alam na mas matagal na akong may gusto sayo”
Pakiramdam ko’y nasa alapaap ako ng mga oras na iyon. Unti-
unti ng naglalabasan ang mga classmate naming hanggang kaing dalawa na lang ang
matira. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Parang gusto
kong tumalon pero hindi ko naman magawa. Ang tanging nagawa ko na lamang ay
yakapin siya ng mahigpit.
Thursday, 18 October 2012
Mahal ko si Bestfriend
Marami ang gumugulo sa isipan ko
ng mga sandaling iyon. Hindi ko malamn
kung ano itong nararmdaman ko. Hanggang sa tumugtog ang isang kanta sa luma
naming radyo. Tama, in-love nga ako. In-
love ako sa bestfriend ko. Hindi ko alam kung paano nagsimula. Pero tama ba na
ma-inlove ako sa kanya?
Ako si May ann, 18 years old. At
ito ang kwento ko.
Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala
ni Oliver. Iyon ang araw na bumilis ng sobra ang pagtibok puso ko. Pero kung tatanungin
mo ako kung paano kami naging magkaibigan, hindi ko alam kung paano nagsimula. Napagtanto
ko na lang na magkaibigan na kami hanggang tawagin niya akong bestfriend. Sa una,
nakakailang pa nga kapag tintawagb niya akong bestfriend. Pero tila musika sa
aking tenga ang boses niya. Hanggang masanay na ako at tinanggap ang
katotohanan na siya na ang bestfriend ko.
Gabi- gabi kaming mgka-chat ng
bestfriend ko. Palagi kaming mgkatext at
madalas kaming lumalabas. Madalas kaming mapagkamalang magsyota. Pero ok lang
sa amin yun. Wala kaming pakialam sa iisipin ng iba. Ang mahalaga masaya kami. Hindi
kami nahihiyang ipakita ang closeness namin in public. Pero kahit close kami
hindi ko masabi ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Ang tunay na sinisigaw ng
puso ko. Ang katotohanang mahal ko ang bestfriend ko. Subalit madalas masaktan
ang puso ko kapag nagkakagirlfriend siya. Hindi namin magawa yung dati naming
ginagawa. Limitado lang ang oras na magkasama kami. At hindi na rin ako
napupuyat kakachat sa kanya. Pero walang tumatagal na relasyon kay oliver. Kaya
naman bumabalik pa rin sa dati kung ano man ang mga ginagawa namin. Iyon ang
mga bagay na lihim kong ikinatutuwa.
Matagal ko ng pinaplano na
sabihin sa kanya kung ano itong nararmdaman ko. Pero sa tuwing titingin siya sa
aikn para bang tinatapalan ang mga labi ko. Hindi ko pala kayang sabihin sa
kanya. Hanggang isang araw, nagka-girlfriend na namn siya. Balik na namn sa
datiang sitwasyon. Pero mas malala ngayon, ayaw na sa king magpakita ni Oliver
sapagkat pinagbabawalan siya ng Girlfriend niya. Wala naman akong magwa kundi
Umayon sa sitwasyon.
Para makalimot sa sakit na kahit
ako lang ang may gawa, nagpasya akong umuwi sa lola ko nang magbakasyon. Doon nakilala
ko si Dominic. Mabait si Dominic. Hindi ko maikakaila na may pagkakahawig sila
ni Oliver. Kaya naman nahulog din ang loob ko sa kanya. Hanggang isang araw, nagtapat ng pag-ibig sa
akin si Dominic. Sa una, hindi ko talaga alam kung sasagutin ko siya. Hindi
sumuko sa panliligaw si Dominic kaya naman sinagot ko siya. Akala ko magiging Masaya
ako kapag nagging kami. Pero mas naaalala ko lang ang tunay kong mahal, si
Oliver.
Alam kong mahal ako ni Dominic. Kaya
naman nagiguiltyako kapag magkasama kaming dalawa. Gusto ko na sanang sabihin
na ayaw ko na dahil hindi siya ang tunay kong mahal. Subalit may kung anong
tumutulak sa akin upang hindi gawin iyon. Nakatanggap ako ng message kay
Oliver. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa kanya. Lagi na lang ba
akong saluhan niya sa tuwing maty problema siya? Oo nga bestfriend kami, pero
bakit sa tuwing may problema siya saka lang siya nakakalala. Mabuti pa si Dominic lagging nasa tabi ko. Kahit
anong gawin ko hindi niya ako iniiwan. Hindi ako nagreply sa text ni Oliver.
siguro dahil nagtatampo ako sa kanya. Hanggang sa tumawag siya sa akin. Naawa ako
bigla sapagkat alam kong umiiyak siya. Pero anong magagwa ko nandito ako sa
probinsya. Wala.
Natapos ang bakasyon at
kailangan ko ng bumalik sa Manila. Pinutol ko na rin kung ano man ang meron sa
amin ni Dominic. Ako kasi yung taong hindi naniniwala sa “longdistance
relationship”. Sa una away bumitaw ni Dominic. Subalit natapos din sa
hiwalayan. Inaamin kong nasaktan ko si
Dominic. Inaamin ko rin na hindi ko talaga siya minahal.
Pagbalik ko sa Manila,
sinalubong agd ako ng bestfriend ko. Tuwang tuwa na para bang walang problema. Nakakapanibago
si Oliver. nagging mas close kami
matapos ng hiwlayan nila ng girlfriend niya. Hindi ko alam ang nangyari sa
kanila pero alam kong gusto ko ang hiwalayan nila. Masabi ko na kaya ang tunay
kong nararmadaman sa kanya? Paano kung hindi niya magustuhan ? paano kung
malamatan an gaming pagkakaibigan?
“Gusto kita May ann.”
Ano? Gusto lang hindi
mahal? Tama ba yung narinig ko ? gusto
daw ako ni Oliver. so pwede na maging
kami. Hindi, baka naman iba lang ang interpretasyon ko sa sinabi niya. Gusto kong
ulitin niya yung sinabi niya. Hanggang isang araw ng aming paglalakad…
“Ok lang ba kung ligawan kita?”
“Ha?”
“sabi ko, ok lang ba kung
ligawan kita?”
Handa ka bang isugal ang
friendship natin?”
“Sa totoo lang hindi eh, pero
baka manghinayang ako kapag hindi ko sinubukan”
“Noon pa naman mahal na kita eh”
“So tayo na?”
“Ligawan mo muna ako. J”
“Ha? Kailangan pa ba yun?”
“Diba tintanong mo ako kung
pwede ba magpaligaw?, edi oo sagot ko”
Subscribe to:
Posts (Atom)