kasalukuyan kong hinihimay ang nakaraan upang matapos ko lamang ang bagay na ito. Kasabay ng pagpurol ng aking lapis ay ang unti-unting pagtalas ng aking memorya sa nakalipas na nagdaan( oh diba parang love lang? minsan, ayaw makisamama). kailangan magmadali sa pagsulat upang hindi ako maiwanan ng mga nag-uunahan kong ideya sa aking utak. Mabuti na lamang at mabilis ang pagrespondi ng aking mga galamay.

Nagsimula ang lahat noong Hunyo 3, 2010. Ibat-ibang mukha't ugali ang inilatag sa akin ng pamantasan. May maganda, gwapo, matalino,masipag, mabait at kung anu-ano pang mga naiisip mo na hindi ko na isinulat sapagkat ako'y likas na tamad. Hindi lingid sa aking kaalaman na ang ilan ay may kanya-kanyang maskara. Pilit ikinukubli ang hubad katotohanan sa likod ng kanilang mga ugali. Subalit kasabay ng paglalayag ng panahon, unti-unting nahuhubad ang mga maskara na hindi nila namamalayan. Lumantad sa aking harapan ang mga nagsisipag-sipagan, baliw-baliwan,pasosyal, papansin at iba pa. Kasabay ng paghuhubad ay ang pag-usbong ng samu't saring sigalot sa pagitan ng bawat isa. sino ba ang makakalimot sa Angel vs. Devil? Sa hacker ni Maricho? Sa parol war nina Febuarica aT Jerome? at balita ko'y may Parol war 2 pa nang si Jenefer na ang naluklok sa pwesto. Malilimutan rin ba natin ang mahiwagang txt na si Annaliza ay isang namuong sebo at sampu ng kanyang mga kasama? Hindi lang yan, ang USB war nina Eloisha at Gel. Hindi rin natin malilimutan an g dramang Febuarica against the world. Alam kong alam mong hindi lamang ito ang mga hidwaang naganap sa loob at labas ng silid. Kaya’t hinahayaan kitang isa-isahin ang mga ito sa laman na nakatago sa loob ng iyong bungo.

Hindi lang naman puro sigalot ang mga naganap sa bawat isa. Nabuo rin ang mga samahan na kahit nabura na sa mundong kinatatayuan natin, hindi maitatanggi ang sayang hatid nito sa atin noon. Unahin na natin ang APPLAS na sinundan ng TROPANG POTCHI. Tulad ng isang kabute, mabilis nanagsulputan ang ilan. Ang MEGAN at SUPER GURLS. Ngunit ang lahat ng iyan ay parang bula na lang naglaho sa sirkulasasyon. Kung meron mang hindi matinag-tinag na samahan, ito ay ang bolsquared. Hindi ko lang alam kung nakuha nila ang kanilang pangalan sa buhok na nakatago sa mapanghusgang lipunan. Ngunit kung ako ang tatsnungin , ang pinakamagandang samahan ay ang “samahang BIO-SCI.

Kung pauso ang paguusapan, hindi magpapahuli ang mga k’bio. Simbilis ng lactobacillus ang pagdami nito. Naalala ko pa ang “go girl”. Pambakla man ang dating, lumalakas naman ang loob ng masasabihan ng mahiwagang salitang ito. Ang “ako budoy” ni Wayno. Walang sinuman ang makakapalit sa galing ni Wayno sa nasabing panggagaya. At dahil nga likas sa akin ang katamaran, kayo nang bahalang mag-isip ng iba pa.

Habang tumatagal ang samahan ng bawat isa, may ilan namang nawawala sa paglalayag. Unahin na natin si Maffy. Nakalulungkot isipin na hindi tayo nagkaroon ng malalim na samahan kasama siya( maliban nalang kay Lolita). Sinundan pa ito ni Rosco. Naging iba man siya sa ating paningin, minahal naman natin siya bilang isang k’bio. Naaalala ko pa ang “ROSCOCISM”. Mabuti na lamang at hindi nagging epidemya ang nasabing sakit. Wala ring naitalang nahawa ( choz!). hindi pa nagpapalit ng taon ay nawala naman si Cristy. Naging misteryo ang paglaho niya. Natutuwa pa rin ako kapag naaalala ko ang linya niyang “may 50 cents pa yan oh”. Hanggang magising nalang tayo sa isang umaga na isa na siyang ganap na ina. Happy Mother’s day nalang sa kanya (tuwing mother’s day). Nawala din sa buhay estudyante natin si ate Princess. Sa aking pagkakaalam mas pinili niyang mag-aral na lang sa ibang lugar. Ngunit sa bawat pag-alis ng ilan, mayroon naming dumarating na bago. Siya’y anak ni Gen. Dumarag (choz!). si Dominic. Isang tahimik, tahimik,tahimik at tahimik na tao. Hindi ko man siya gaano kakilala, alam kong nag- uumapaw sya sa talento.

Bilang pagtatapos, nais kong sabihin na marami na ang naganap at marami pa ang magaganap. Napagtanto ko na sa simula ako’y may sariling barko sa paglalayag patungo sa dulo ng aking mga pangarap, hanggang sa magising ako na iisa na lang lang ang barko na ating sinasakyan. Ito’y dahil sa ating kurso. Tayong lahat ay manlalayag. Wala sanang bibitaw dahil marami pa ang bagyong darating. Ika nga sa palabas, “ksapit-bisig’ lang. itaas ang layag. Dahil tulad ng palnt versus zombie “ nalalpit na ang last wave”.

Nice :)
ReplyDeletei like diz one! special mention aq eh, hekhekz. . . :)
ReplyDelete