Followers

ang paglalakbay ni ino sa mapaglarong mundo

Tuesday, 18 September 2012

a short script


Boy: so what’s the real score?
Girl: ha? Anong real score?
Boy: sa ating dalawa… ano na?
Girl: ah eh! Alam mo sabi nila ..friend is the best thing in this world. So lets try that first.. okay lang ba?
Boy: wow! 10 years na tayong magkaibigan.. yung sinabi mong payag kang magpaligaw nagkaroon  ako ng pag- asa..pero ano tro? Sasabihin mo na subukan nating maging friends muna? Ang labo mo!
Girl: sinabi ko lang naman yun para tumigil ka na sa pangungulit..
Boy: at wala kang balak sagutin ako? Tapatin mo nga ako. Mahal mo ba ako?
Girl: mahal.
Boy: oh anung problema? Mahal mo pala ako.
Girl: pero bilang isang kaibigan  lang ..
Boy:huwag mo nga akong gaguhin…marami na akong isinakripisyo sayo. Tapos sasabihin mo , friends? Bahala ka nga sa buhay mo.
Girl: saan ka pupunta? Boy: sa sementeryo.. dahil ililibing ko itong nararamdaman ko sayo.
Girl:  OA mo ha!
Boy: siguro nga OA ang mahalin ka.. pero eto tandaan mo.. tatanggapin ko lahat! Kahit masakit dahil sabi mo nga OA ako.
Girl *sigh*


After 5 years
Reporter: ano bang sikreto mo?
Boy: sikreto? Sa trotoo lang wala naman talaga akong sikreto. Siguro dahil sa mga past experience ko na rin. It serves as my inspiration.
Reporter: inspiration? Bakit meron na bang nagmamay-ari sa puso mo?
Boy: wala pa naman… pero alam kong darating siya…
Reporter:  para sayo… who is your ideal woman?
Boy: ahmm! Wala po. Ideal nga eh.. so hindi sya nageexist…pero kung ako ang tatanungin mo kung ano ang gusto ko sa babae.. simple lang.  yung ayaw niya kong nakikitang may ibang kasama kasi magseselos siya. Yung hindi maarte. Go lang ng go. Pero ayaw ko naman ng out spoken. Yung masaya na kahit sa carinderia mo lang dalhin.
Reporter eh sa satatus mo ngayon…malamang hindi mo siya  sa carinderia dadalhin.  Para sayo.. what is love?
Boy: love? For me, love is like a bridge.
Reporter: bridge? Bakit naman?
Boy: kasi kapag walang love.. hindi maglalapit ang dalawang pusong nagmamahalan.
Reporter: hindi ba parang OA naman yun na ikumpara mo ang love sa bridge?
Boy: exactly! You’ve vgot my point!..love is OVER ACTING. OA yet sweet. Kasi ginagawa mo lahat para sa kanya.. kahit alam mong friend lang tingin niya sayo.
Reporter: mukhang may pinaghuhugutan ka…
Boy: ahmmme---
*brown out*


Girl: sh*t nag brown out pa..hay buhay! Ako kaya tinutukoy niya?  Ibang iba na siya..mukhang mahirapna siya abutin. Kasalanan ko ito eh.. bakit kasi hindi ko pa siya sinagot. Bakit nagsinungaling pa ako na hindi ko sya mahal.
---
Girl: ibang iba ka na ngayon.
Boy: ako? Hindi naman ako nagbago eh. Siguro nga artista na ako..pero ako parin to.
Girl: eh di mahal mo pa rin ako? Sabi mo kasi hindi ka nagbago.
Boy: paano kung sabihin ko sayo na “oo”? mamahalin mo na rin ba ako?
Girl: madali sanang sabihing oo kung parehas pa rin tayo ng estado..pero ngayon,  baka iba na ang isipin mo kung sasabihin kong “oo”.
Boy: alam mo, sa ating dalawa, ikaw ang nagbago. Dati naman matapang kang sabihin ang lahat ng gusto mong sabihin. Pero ngayon, ano to/ naduduwag ka?
Girl: noon pa naman duwag na ako eh! Kaya nga hindi ko sinabing mahal din kita. Kahit masakit, tinago ko.
Boy: pero bakit?
Girl: dahil hindi ako ang babaeng nararapat sayo.
Boy: at ngayon, ikaw na?
Girl: ikaw ang makakasagot niyan…
Director: and cut!!!! Good job guys..okay bac up na..tomorrow na ang next scene.. good job  pang FAMAS ang acting niyo.
Boy: haay! Kamusta na kaya siya? Sana sa muling pagkikita namin mahal niya na ako.
----
Boy: kamusta ka na? ok  ka lang?
Girl: kung sasagutin ko ba yan na “oo” maniniwala ka?
Boy: hindi.
Girl: bakit naman hindi?
Boy:  halata naman kasing hindi.
Girl: paano naman kasi ako magiging ok. Eh pinakawalan kita noon.
Boy:ikaw kasi eh. Pero alam mo may isang bagay ang hindi nagbago sa akin.?
Girl: alin?
Boy: ikaw ;)
Girl: ako?
Boy: oo .ikaw.
Girl: paanong ako?
Boy: kasi mahal pa rin kita. Kahit masakit yung ginawa mo noon. Eh mahal kita eh!kaya nga ako naging ganito ,dahil sayo.
Girl: ang OA mo pa rin.
Boy: bakit, mamahalin mo na ba ako kahit OA pa rin ako?
Girl: oo naman ..ikaw yan eh..
Boy: talaga? Samahan mo ko.
Girl: saan naman?
Boy sa sementeryo..hukayin natin yung pag-ibig ko sayo na inilibing ko J

-the end-


1 comment:

  1. NICE! maganda kung nilaan mo ang oras sa pagawa nito sa thesis naten.. ahahah.. CHOS!! pa-HACKED mo ulit ino ah.. :D.. GOD bless.. ^___^V

    ReplyDelete