“To read is to fly: it is to soar to a point of vantage which gives a view over wide terrains of history, human variety, ideas, shared experience and the fruits of many inquiries.” - A C Grayling
Sunday, 30 September 2012
Ang Buhay Ng Isang Komedyante
Nasa entablado na ang komedyanteng bungisngis
Naka pomada ang buhok at naka payaso ang bihis
Mga hirit niya’y huwag lang magmimintis
At baka manunuod niya’y biglang magsialis
Laht sa kanya’y tuwang- tuwa pati asong may galis
At ngayo’y tapos na ang palabas ng komedyante
Patay na rin ang ilaw na mala dyamante
Pasalubong ay pansit sa mga anak na estudyante
Palabok naman ang binili sa asawang mala elepante
At tinabi ang natirang pera para sa inutangang ahente
Nakasalubong ang anak na may dalang bente
Tinanong niya at sabay sabing bigay ni tinyente
Naglaro sa isip niya si tinyenteng mala higante
Mga duda sa sa puso niya’y naging permanente
Nang makita ang asawang nakalingkis na tila serpiyente
Pakiramdam niya’y nag-iba ang hangin ng Setyembre
Bakas sa mukha niya ang buwan ng Nobyembre
Banaag din ang takot sa tinyenteng sa laman ay nakalibre
Agad hinugot ang dala niyang kalibre
At agad binaril ang komedyanteng pobre
Namata ang komedyante sa sariling tahanan
At ibinurol sa katabing simbahan
Ang dating tawanan napalitan ng kalungkutan
O kay lupit naman ng kanyang kapalaran
Nagwakas ang buhay nang hindi inaasahan
Minsan May Isang Makata
Minsan may isang makatang bubulong- bulong
Mga napiling salita’y pinagdugtong- dugtong
Sa sobrang talinghaga’y inakala’y bugtong
Mga salita’y hindi maabot ng mga gunggong
Kaya naman kanilang buhay ay tila kaning tutong
Minsan may isang makatang iiling- iling
Mga tugma niya’y nagkapaling –paling
Tula niya’y tila kamay na walang singsing
Agad lumapit sa diyosa’t humiling
Tugma niya’y biglang sumakto na parang gumigiling
Minsan may isang makatang hahabol- habol
Sa ideya ng kanyang isipan na bagong sibol
Mga kamay niya tuloy tila nagtatambol
Pati sulat niya tila’y nagkarambol
Makasabay lang sa ideyang nagdidribol
Minsan may isang makatang iiyak- iyak
Pusong iningat- ingata’y biglang biniyak
Buhay pag-ibig niya ngayo’y hindi na tiyak
Gumawa na lang ng tula sa papel na payak
Nias makalimot sa mundong nakagayak
Sa huli’y ang makata’y tuwang- tuwa
Napurol man ang lapis sa tulang ginawa
Puso’y naghilom na’t ‘di na kawawa
Lahat ay humalakhak pati mga timawa

Thursday, 27 September 2012
Kung Bakit Ako Nagsusulat

Madalas kong matagpuan ang sarili ko na nakaupo sa mesa. Nakayuko at hawak hawak ang paborito kong panulat- ang lapis. Mabilis na sinasalin ang laman ng utak sa likod ng photocopy ng hindi pa nababasang aralin. Madalas ko ring makita ang sarili ko sa ibang mundo. Ito’y sa pamamagitan ng libro. Libro ang kumukumpleto sa mundo ng aking imahinasyon. Parang puto ng aking dinuguan, bagoong ng aking kare kare at kung anu ano pa. Batid ng buo kong sistema na mabilis magproseso ang mga ideya sa akin sa pagsapit ng kadiliman. Ang bagay na iyon ay nananatiling misteryo pa rin mag pa sa hanggang ngayon. Madalas ko rin makita ang sarili kong humahanga sa gawa ng iba. Matagal pa nga siguro ang aking lalakbayin para makasunod sa kanila. Malayo pa ang hinaharap na magkakaroon ako ng sariling libro sa mga estante ng iba’t ibang bookstore.
Elementary pa lang ako ay mahilig na akong magsulat ng kung anu- ano. Mga bagay na hindi napag-uusapan, sa papel ko na lang dinadaan. Nawala ang hilig ko nang tumuntong ako ng high school. Iba na anyo ng mga tao sa aking paraisong binuo. Iyon ang nagpawalang gana upang ipursige ko ang pagsusulat. Salamat na lang at sinalba ako ng pagiging futuristic ko. Bigla nalang lumundag sa aking magulong isipan ang isang bagay. Bagay na magbabalik sa akin sa dapat kong kalagyan- ang pagsusulat.
Binalak kong hindi na sana magpatuloy sa kolehiyo. Sapagkat gusto ko sanang magtrabaho na lamang. Hanggang maisip ko na hindi ko maisasakatuparan ang pangarap kong magkalibro kung susuko na ako. Hindi pa nga nagsisimula ang laban, talon na ako. Muling dumaloy ang dugo ng makatang nanalantay sa aking mga ugat. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral at pagsusulat.
Ngunit bakit nga ba sa pagsusulat ako luminya?
Marahil kayo ay nagtataka. Tinatanong kung ano nga ba ang alam ko sa pagsusulat. Marahil ay sinusukat ang kakayahan ko sa larangang ito. Hanggang saan ba ang kakayahan kong usigin ang kamalian ng lipunan? Gumawa ng komentaryo at isigaw ang nararamdaman?( taray. hahah)
Ang pagsusulat ay walang pinipilng panahon at edad. Nagsusulat ako upang makawala ang sinisigaw ng aking kaluluwang makata. Ang pagsusulat ay wala ring pinipiling sitwasyon. Papel at purol na lapis man, maipapahayag ko na ang gusto ko. At higit sa lahat, nagsusulat ako para pumukaw ng natutulog o kahit nagtutulog-tulugang puso. Wal akong paki alam kung kasing haba man ng Macbeth ni pareng Shakespeare o sing ikli ng kwentong barbero ni Juan ang sinusulat ko. Ang mahalaga ito’y may sarilng puso. at ito'y akin.
Yan ang dahilan ko kung bakit ako nagsusulat. At yan ang tinuro sa akin ng pagsusulat.
Kung Mamatay Ka Bukas, Ano'ng Gagawin Mo Ngayon?
Ilang tupa pa ba ang aking bibilangin
para lang dalawin ng antok? Ilang math problems pa ba ang sasagutan para lang
sumakit ang ulo at ng tuluyan ng makatulog? Sumisigaw na ang matinis na boses
ng katahimikan. Subalit ang diwa ko’y patuloy pa ring nakikipagsapalaran sa
mundo ng imahinasyon. Bigla ko na lang naisip ang pilosopong tanong na ilang
taon ng binanalik- balikan. Katanungang humihingi ng kasagutan.
Kung mamamatay ka bukas, ano’ng gagawin mo ngayon?
Noon, ang nais ko lang ay magpasaya
ng taong nalulumbay. Kumain ng masasarap
at maglaro ng maglaro. Subalit nagbago ang aking pananaw ng hindi inaasahan. Kaya’t bumalik sa tanong ng hindi namamalayan.
Bumuo sa utak ko ang dapat na kasagutan. Bilang isang manlalakbay sa mundong
hinahaluan ng kulay at misteryo, hindi sapat ang mga naisip ko upang ako’y
tawaging “tao”.
Iilan na rin ang natanungan ko sa
paksang ito. Ang sabi ng ilan kong kakilala, gusto nilang magpasalamat sa lahat
ng taong naging parte ng kanilang buhay. Ngunit hihintayin mo pa ba ang huling
araw upang ika’y magpasalamat? Hindi pa ba sapat ang mga araw na inalagi mo sa
mundong ibabaw para magpasalamat? Pasensya na, pero para sa akin hindi valid
ang kasagutang ito. ang sabi ng isa, gusto niyang pumunta sa lugar na
inaasam-asam niya at kainin ang mga pagkaing kinatatakaman niya. Hindi rin
realistic ang gusto niyang mangyari. Paano niya mapupuntahan ang isang lugar
kung isang araw na lang ang nakalaan sa kanya? Malamang sa malamang nasa byahe palang patay
na siya. Dagdag pa niya, gusto niyang sabihin ang isang bagay sa taong mahal
niya. Anak ng ****. Mawawalan din ng silbi iyon ,sapagkat siya’y mawawala na
kinabukasan. Sa uulitin, pasensya na. hindi rin valid ang kanyang kasagutan. Dagdag
pa ng isa, gagawin niya ang mga bagay na magpapasaya sa kanya. Hindi ko malubos
maisip kung pansariling kapakanan niya lang ba ang iniisip niya. Bingiyan tayo
ng maraming, maraming, at maraming araw para magsaya. Magiging masaya ka pa ba kung alam mong mawawala
ka na kinabukasan? Malamang buong araw mo lang iisipin ang iyong kamatayan. Isa pang nakakalungkot
na sagot ay nanggaling rin sa aking kaibigan. Ang sabi niya ay magsosorry siya
sa lahat ng nagawan niya ng kasalanan. Nakakalungkot isipin na hihintayin niya
pa ang nalalabing sandali ng kanyang buhay para lang magpatawad.
Hindi ako mayaman, kaya hindi ko na
hihilinging makapunta sa mga lugar na gusto kong marating. Hindi ko na rin
aasaming makain ang mga pagkaing katakam-takam. Tulad ng isang makata kong
kaibibgan, mas pipiliin ko na lang mamatay katabi ng purol kong lapis. Magsusulat
at magsusulat hanggang abutin ng kinabukasan. Isusulat ko ang lahat ng
hinanakit ko sa mundong aking giangalawan. Gagawin ko iyon upang hindi na
madala saan man mapunta. Mahirap magsisi sa huli, lalo na sa bagay na alam mong
dapat ginawa mo na- noon pa.
Bilang pagtatapos, ipagpaumanhin
niyo ang aking kapangahasan. Tayo’y may kanya- kanyang kalayaan na ipahayag ang
saloobin. Ito’y isang katanungan lamang na malakas ang hatak kanino man. Dahil hanggang
ngayon, hindi natin alam kung magagawa ba natin ang mga bagay na pinaplano
natin. Minsan, ang plano ay nanatiling plano lang.
Kung ikaw ang tatanungin,
Magiisip ka na ba ng tama ?
Wednesday, 26 September 2012
Tabas ng Nakaraan
Kasabay ng pagyakap ng malamig na hanging amihan
Puso’t isipan ko’y ikaw ang binabalik-balikan
Mga alaala mong sa daigdig ko’y nagpapabigat
Nagpapadagdag ng hinanakit na para bang tinamaan ng
habagat
Matamis na nakaraang alam kong hindi pa natutuldukan
Kung kaya sa paggising sa umaga’y puro katanungan
Sakit ng puso’y dala ng buong katawan
Mga bugbog at pasa nito’y sa iyak nalang dinadaan nang
mahimasmasan
Pag-ibig natin nuo’y tila apoy na di maapula
Ngunit ngayo’y para ng kaluluwang pagala-gala
Binabalik-balikan ang matatamis na nagdaan
Nakaraan na unti- unti ring naglalaho sa kawalan
Hindi ko na maibabalik ang nasimulan
Ngunit pagbabago’y dapat ng umpisahan
Tapusi n na ang pagluha na tila kabaliwan
Umpisahan ang buhay sa nagbabagong lipunan
Ako pari’y naniniwala sa tunay na pag-ibig sa bandang
huli
Pag-ibig na alam kong hindi nabibili
Kung kaya’t ako’y tataya muli
At ang nais ko lamang na sana’y ito’y may sukli

Tuesday, 18 September 2012
a short script
Boy: so what’s the real score?
Girl: ha? Anong real score?
Boy: sa ating dalawa… ano na?
Girl: ah eh! Alam mo sabi nila ..friend is the best thing in
this world. So lets try that first.. okay lang ba?
Boy: wow! 10 years na tayong magkaibigan.. yung sinabi mong
payag kang magpaligaw nagkaroon ako ng
pag- asa..pero ano tro? Sasabihin mo na subukan nating maging friends muna? Ang
labo mo!
Girl: sinabi ko lang naman yun para tumigil ka na sa
pangungulit..
Boy: at wala kang balak sagutin ako? Tapatin mo nga ako. Mahal
mo ba ako?
Girl: mahal.
Boy: oh anung problema? Mahal mo pala ako.
Girl: pero bilang isang kaibigan lang ..
Boy:huwag mo nga akong gaguhin…marami na akong isinakripisyo
sayo. Tapos sasabihin mo , friends? Bahala ka nga sa buhay mo.
Girl: saan ka pupunta? Boy: sa sementeryo.. dahil ililibing
ko itong nararamdaman ko sayo.
Girl: OA mo ha!
Boy: siguro nga OA ang mahalin ka.. pero eto tandaan mo..
tatanggapin ko lahat! Kahit masakit dahil sabi mo nga OA ako.
Girl *sigh*

After 5 years
Reporter: ano bang sikreto mo?
Boy: sikreto? Sa trotoo lang wala naman talaga akong
sikreto. Siguro dahil sa mga past experience ko na rin. It serves as my
inspiration.
Reporter: inspiration? Bakit meron na bang nagmamay-ari sa
puso mo?
Boy: wala pa naman… pero alam kong darating siya…
Reporter: para sayo… who
is your ideal woman?
Boy: ahmm! Wala po. Ideal nga eh.. so hindi sya nageexist…pero
kung ako ang tatanungin mo kung ano ang gusto ko sa babae.. simple lang. yung ayaw niya kong nakikitang may ibang
kasama kasi magseselos siya. Yung hindi maarte. Go lang ng go. Pero ayaw ko
naman ng out spoken. Yung masaya na kahit sa carinderia mo lang dalhin.
Reporter eh sa satatus mo ngayon…malamang hindi mo siya sa carinderia dadalhin. Para sayo.. what is love?
Boy: love? For me, love is like a bridge.
Reporter: bridge? Bakit naman?
Boy: kasi kapag walang love.. hindi maglalapit ang dalawang
pusong nagmamahalan.
Reporter: hindi ba parang OA naman yun na ikumpara mo ang
love sa bridge?
Boy: exactly! You’ve vgot my point!..love is OVER ACTING. OA
yet sweet. Kasi ginagawa mo lahat para sa kanya.. kahit alam mong friend lang
tingin niya sayo.
Reporter: mukhang may pinaghuhugutan ka…
Boy: ahmmme---
*brown out*

Girl: sh*t nag brown out pa..hay buhay! Ako kaya tinutukoy
niya? Ibang iba na siya..mukhang
mahirapna siya abutin. Kasalanan ko ito eh.. bakit kasi hindi ko pa siya
sinagot. Bakit nagsinungaling pa ako na hindi ko sya mahal.
---
Girl: ibang iba ka na ngayon.
Boy: ako? Hindi naman ako nagbago eh. Siguro nga artista na
ako..pero ako parin to.
Girl: eh di mahal mo pa rin ako? Sabi mo kasi hindi ka
nagbago.
Boy: paano kung sabihin ko sayo na “oo”? mamahalin mo na rin
ba ako?
Girl: madali sanang sabihing oo kung parehas pa rin tayo ng
estado..pero ngayon, baka iba na ang
isipin mo kung sasabihin kong “oo”.
Boy: alam mo, sa ating dalawa, ikaw ang nagbago. Dati naman
matapang kang sabihin ang lahat ng gusto mong sabihin. Pero ngayon, ano to/
naduduwag ka?
Girl: noon pa naman duwag na ako eh! Kaya nga hindi ko
sinabing mahal din kita. Kahit masakit, tinago ko.
Boy: pero bakit?
Girl: dahil hindi ako ang babaeng nararapat sayo.
Boy: at ngayon, ikaw na?
Girl: ikaw ang makakasagot niyan…
Director: and cut!!!! Good job guys..okay bac up
na..tomorrow na ang next scene.. good job
pang FAMAS ang acting niyo.
Boy: haay! Kamusta na kaya siya? Sana sa muling pagkikita
namin mahal niya na ako.
----
Boy: kamusta ka na? ok
ka lang?
Girl: kung sasagutin ko ba yan na “oo” maniniwala ka?
Boy: hindi.
Girl: bakit naman hindi?
Boy: halata naman
kasing hindi.
Girl: paano naman kasi ako magiging ok. Eh pinakawalan kita
noon.
Boy:ikaw kasi eh. Pero alam mo may isang bagay ang hindi
nagbago sa akin.?
Girl: alin?
Boy: ikaw ;)
Girl: ako?
Boy: oo .ikaw.
Girl: paanong ako?
Boy: kasi mahal pa rin kita. Kahit masakit yung ginawa mo
noon. Eh mahal kita eh!kaya nga ako naging ganito ,dahil sayo.
Girl: ang OA mo pa rin.
Boy: bakit, mamahalin mo na ba ako kahit OA pa rin ako?
Girl: oo naman ..ikaw yan eh..
Boy: talaga? Samahan mo ko.
Girl: saan naman?
Boy sa sementeryo..hukayin natin yung pag-ibig ko sayo na
inilibing ko J

-the end-
Sunday, 16 September 2012
Tama na!
Masasbi mo bang mali ang desisyon ko
Kung tama lang na iwanan ka?
Wakasan ang lahat at tapusin ang nasimulan.
Mga alaala na dapat ng ibaon
Kung tunay nga ang pag-ibig natin
hindi sana ‘to
magtatapos kung sakit lang ng nakaraan ang rason.
Masakit mang Makita ka sa piling ng iba…
Wala ng mas sasakit pa
Na Makita kitang hindi Masaya sa piling ko

Huwag mong iisipin na mali ka, MALI KA!.
Hindi lang tayo ang nagtangka…at hindi lang rin tayo ang
nabigo.
Marami na ang sumubok
Ngunit iilan lang rin
ang nagtagumpay.
Masakit makitang pilit nating inaayos ito.
Subalit pgkakataon na rin ang umaayaw.
Siguro nga’y panahon na upang akoy iyong palayain…
At ikay akin na ring pakakawalan…
Si Ino sa Mundo ng mga K'bio
kasalukuyan kong hinihimay ang nakaraan upang matapos ko lamang ang bagay na ito. Kasabay ng pagpurol ng aking lapis ay ang unti-unting pagtalas ng aking memorya sa nakalipas na nagdaan( oh diba parang love lang? minsan, ayaw makisamama). kailangan magmadali sa pagsulat upang hindi ako maiwanan ng mga nag-uunahan kong ideya sa aking utak. Mabuti na lamang at mabilis ang pagrespondi ng aking mga galamay.

Nagsimula ang lahat noong Hunyo 3, 2010. Ibat-ibang mukha't ugali ang inilatag sa akin ng pamantasan. May maganda, gwapo, matalino,masipag, mabait at kung anu-ano pang mga naiisip mo na hindi ko na isinulat sapagkat ako'y likas na tamad. Hindi lingid sa aking kaalaman na ang ilan ay may kanya-kanyang maskara. Pilit ikinukubli ang hubad katotohanan sa likod ng kanilang mga ugali. Subalit kasabay ng paglalayag ng panahon, unti-unting nahuhubad ang mga maskara na hindi nila namamalayan. Lumantad sa aking harapan ang mga nagsisipag-sipagan, baliw-baliwan,pasosyal, papansin at iba pa. Kasabay ng paghuhubad ay ang pag-usbong ng samu't saring sigalot sa pagitan ng bawat isa. sino ba ang makakalimot sa Angel vs. Devil? Sa hacker ni Maricho? Sa parol war nina Febuarica aT Jerome? at balita ko'y may Parol war 2 pa nang si Jenefer na ang naluklok sa pwesto. Malilimutan rin ba natin ang mahiwagang txt na si Annaliza ay isang namuong sebo at sampu ng kanyang mga kasama? Hindi lang yan, ang USB war nina Eloisha at Gel. Hindi rin natin malilimutan an g dramang Febuarica against the world. Alam kong alam mong hindi lamang ito ang mga hidwaang naganap sa loob at labas ng silid. Kaya’t hinahayaan kitang isa-isahin ang mga ito sa laman na nakatago sa loob ng iyong bungo.

Hindi lang naman puro sigalot ang mga naganap sa bawat isa. Nabuo rin ang mga samahan na kahit nabura na sa mundong kinatatayuan natin, hindi maitatanggi ang sayang hatid nito sa atin noon. Unahin na natin ang APPLAS na sinundan ng TROPANG POTCHI. Tulad ng isang kabute, mabilis nanagsulputan ang ilan. Ang MEGAN at SUPER GURLS. Ngunit ang lahat ng iyan ay parang bula na lang naglaho sa sirkulasasyon. Kung meron mang hindi matinag-tinag na samahan, ito ay ang bolsquared. Hindi ko lang alam kung nakuha nila ang kanilang pangalan sa buhok na nakatago sa mapanghusgang lipunan. Ngunit kung ako ang tatsnungin , ang pinakamagandang samahan ay ang “samahang BIO-SCI.

Kung pauso ang paguusapan, hindi magpapahuli ang mga k’bio. Simbilis ng lactobacillus ang pagdami nito. Naalala ko pa ang “go girl”. Pambakla man ang dating, lumalakas naman ang loob ng masasabihan ng mahiwagang salitang ito. Ang “ako budoy” ni Wayno. Walang sinuman ang makakapalit sa galing ni Wayno sa nasabing panggagaya. At dahil nga likas sa akin ang katamaran, kayo nang bahalang mag-isip ng iba pa.

Habang tumatagal ang samahan ng bawat isa, may ilan namang nawawala sa paglalayag. Unahin na natin si Maffy. Nakalulungkot isipin na hindi tayo nagkaroon ng malalim na samahan kasama siya( maliban nalang kay Lolita). Sinundan pa ito ni Rosco. Naging iba man siya sa ating paningin, minahal naman natin siya bilang isang k’bio. Naaalala ko pa ang “ROSCOCISM”. Mabuti na lamang at hindi nagging epidemya ang nasabing sakit. Wala ring naitalang nahawa ( choz!). hindi pa nagpapalit ng taon ay nawala naman si Cristy. Naging misteryo ang paglaho niya. Natutuwa pa rin ako kapag naaalala ko ang linya niyang “may 50 cents pa yan oh”. Hanggang magising nalang tayo sa isang umaga na isa na siyang ganap na ina. Happy Mother’s day nalang sa kanya (tuwing mother’s day). Nawala din sa buhay estudyante natin si ate Princess. Sa aking pagkakaalam mas pinili niyang mag-aral na lang sa ibang lugar. Ngunit sa bawat pag-alis ng ilan, mayroon naming dumarating na bago. Siya’y anak ni Gen. Dumarag (choz!). si Dominic. Isang tahimik, tahimik,tahimik at tahimik na tao. Hindi ko man siya gaano kakilala, alam kong nag- uumapaw sya sa talento.

Bilang pagtatapos, nais kong sabihin na marami na ang naganap at marami pa ang magaganap. Napagtanto ko na sa simula ako’y may sariling barko sa paglalayag patungo sa dulo ng aking mga pangarap, hanggang sa magising ako na iisa na lang lang ang barko na ating sinasakyan. Ito’y dahil sa ating kurso. Tayong lahat ay manlalayag. Wala sanang bibitaw dahil marami pa ang bagyong darating. Ika nga sa palabas, “ksapit-bisig’ lang. itaas ang layag. Dahil tulad ng palnt versus zombie “ nalalpit na ang last wave”.

Subscribe to:
Posts (Atom)